Chapter 45

12.6K 371 23
                                    

Our plan was to fetch Maddie from her school pero nagbago ang isip namin habang papunta kami sa paaralan ni Maddie. Hihintayin nalang namin ito sa bahay hanggang matapos ang kanyang klase.

Kung ako lang ang tatanungin gusto ko na siyang makita at mayakap pero ayoko naman na mag-skip ito ng klase dahil gusto ko siyang makita kaagad. Ang plano ni Erik, maghahanda kami ng hapunan para sa aming lahat. Kasama sina nanay, Maggie at Jazz. Gusto niyang pormal naming ipakilala sa lahat si Maddie and of course to tell Maddie that I am her biological mother.

Halos hindi ako makapaniwala na si Maddie ang hinahanap kong anak. Buong akala ko patay na ang panganay ko dahil iyon ang sabi ni Mr. Filibert. Wala man lang akong kaalam-alam na matagal ko na pala itong nakakasama. Kung sana nalaman ko agad  na si Maddie ang anak ko, sana hindi ko na siya iniwan noon at sana hindi na ako napalayo pa kay Erik.

All these years I've been blaming myself for what I did to her kaya nang malaman ko kay Erik ang totoo sobrang tuwa ang naramdaman ko. Kahit sinabi na noon ni Mr. Filibert na patay na ito, deep inside me was hoping na sana hindi iyon totoo at tama nga ako. She's alive and she's my Maddie. My beautiful Maddie.

Nanubig ang mata ko sa sobrang saya. Hindi talaga ako makapaniwala...

Isang matipunong bisig ang yumapos sa akin mula sa aking likod. Amoy palang niya alam na alam ko na kung sino ito. Kasalukuyan akong nakatanaw sa malapad na harden habang iniisip ang mga nangyari dati at ang natuklasan kanina lang.

"Anong iniisip mo?" It's only his warmth breathe  against my nape pero kasya na iyon para maramdaman ko ang kiliti na dinudulot noon sa aking tenga na papunta sa mga paru-parong naglilipana na sa aking kaibuturan. Para akong kinilabutan dahil sa sensasyong dala ng kanyang  hininga doon.

I leaned closer to him at lalo pa niyang hinigpitan ang pagyakap sa'kin mula sa likod.

I smiled.

"Iniisip kong napakabuti ng Diyos dahil kahit na nagkamali ako dati, gumawa parin  ito ng paraan para maging maayos ang lahat."

Hindi lang dahil sa destiny kaya nangyari ang lahat nang ito. Ang Diyos talaga ang gumawa ng paraan para maibalik sa akin ang anak ko.

"Yeah. We owe this to Him." Aniya na hinahalikan na ang gilid ng aking tenga.

I closed my eyes to savour the moment. Maya-maya ay humarap ako sa kanya.

"Alam mo bang paniwalang-paniwala ako dati kay Mr. Filibert? He even gave me proof na patay na talaga ang baby ko." Sabi ko dito.

Biglang kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko.

"Proof? What proof?"

Bigla kong naalala ang litrato sa cellphone ng matanda. Alam kong hindi iyon pinike.

"The tombstone." Sabi ko.

"What about the tombstone?" Kunot na kunot na ang noo niyang tanong.

Katulad ko, naguguluhan din ito sa bagay na iyon.  Paano nga ba nagkaroon ng picture ng tombstone si Mr. Filibert na halos may kasing hawig sa pangalan na gusto ko at nakasulat pa ang apilyedo nito?

Umalis ako sa harapan ni Erik kahit na gustong-gusto na nitong malaman ang tinutukoy ko. Umupo ako sa bakal na upuan na nasa malapit lang sa amin. Sinundan  ako ni Erik na hanggang ngayon nakakunot parin ang noo. Tumabi ito sa akin ng upo. 

Hindi ko na hinintay pa na magtanong ulit ito I let myself narrates to him on why I easily convinced by Mr. Filibert.

"Mr. Filibert told me that the tombstone he showed me was my daughter." I said while  remembering those scene at the cruise ship. Natatandaan ko pa dati kung paano ako nahimatay. Kung paano ako umiyak hanggang sa hindi ko na makaya. Naalala ko noon na doon ko rin mismo nalaman na  nagdadalangtao ako. Maybe having Sieve in my womb helps me to move on. Alam kong malaking factor iyon kung bakit kaagad kong nakalimutan ang sakit na naramdaman.

In Her WombTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon