Chapter 16

11.3K 326 28
                                    

Napalakas ang pagbuga ko ng hangin matapos kong ibaba ang cellphone na hawak. Agad ko iyong tinago sa handbag na dala at saka kinuha ang menu na binigay ng waiter kanina. Isa-isa kong tiningnan ang mga pagkaing naka imprenta pero wala kahit isa ang nakatawag sa pansin ko. Feeling ko nakaupo lang ako dito na wala sa aking sarili. My mind flew to the person na katawag ko a minute ago.

Binaba ko muli ang menu at uminom nalang ng tubig. Ang sabi niya ten minutes pa bago siya makarating dito sa restaurant na pinagka-sunduan namin. I chose this place para hindi na niya magawang umiwas pa. It's been three days since that night. Erik literally avoiding my presence since then. Ayokong isipin na iyon ang dahilan nang pag-iwas niya. Ang babaw kasi kapag iyon ang rason. Ngayon lang ako naka-tyempo sa oras niya at nagpapasalamat ako at pumayag itong mag-usap kami.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa posibleng reaksyon nito sa pagpapa-alam ko. Nakakalungkot isipin na iwanan si Maddie pero kailangan kong gawin iyon. Last night I finally made a decision. I want to pursue what my heart tells me to do. And that is to find my baby in Amsterdam. Mahirap man ang susuungin kong laban kung para naman sa ikakasaya ko'y bakit hindi?

Napaangat agad ako ng ulo nang may humila sa silya sa harap ko. Tahimik itong umupo at saka ako tinitigan. Wala akong mabasa sa mukha niya. Hindi ko alam kung galit ba ito o ano dahil sa napaka seryoso ng kanyang awra. I cleared my throat as I offer him the menu.

"U-umorder ka muna." That was a much better way to kill the awkwardness.

Tiningnan niya ito at muli akong tinitigan. Nakakailang ang mga titig niya pero pilit kong sinasalubong iyon. Walang mangyayari kung magpapadaig ako sa sarili kong emosyon. Kailangan ko siyang makausap at iyon lang yun.

"Sorry"

Sabi niya pagkatapos ng ilang minutong nakakabinging katahimikan. Parang may pumitik bigla sa puso ko nang sinabi niya iyon. I looked at him. Biglang pumungay ang kanyang mga mata na tumingin sa'kin.

"Sorry Meg." The way he said it makes me want to comfort him. Parang siya pa itong may kasalanan kung bakit nangyari iyon. "I shouldn't have done that in the first place. I shouldn't have forced you to be with me and Maddie..." Gusto kong sabihin sa kanya na hindi niya kasalanan iyon at ako talaga ang may problema. "I want to start anew Meg. Iyong hindi kita pinipilit. Iyong kusa kang bibigay sa akin dahil iyon ang gusto mo because I want us to be real Megan. I want you to be my wife. I want you to be the mother of Maddie and for our future kids."

Nanginginig ang kamay kong hinawakan nito. Nangingilid na rin ang luha na nagbabadyang mahulog kung hindi ko lang pinigilan. I looked straight into his eyes and he damn serious about this. Nakikita ko sa mga mata niya na hindi ito nagbibiro.

"I love you Meg." Sabay dala ng kamay ko sa kanyang labi.

My heart can't obtain the feelings I have right now. Nag-uumapaw iyon sa saya nang marinig ang sinabi niya but my brain tells different.

"E-erik."

"Ssshhh...let me talk first."

Nakita kong may kinuha ito sa bulsa ng pantalon. Nanlaki ang dalawa kong mata nang makita ang isang maliit na velvet red box sa kanyang kamay.

"E-Erik"My voice cracked.

Maya-maya'y umalis ito sa upuan at saka lumuhod sa harap ko. That was when the other people noticed him. Tila isang pamilyar na eksena sa pelikula ang tagpo namin ngayon. Erik on his knees holding a beautiful ring infront of me. A loud cheers from people ang nag-udyok sa kanya para magsalita.

"The moment my eyes landed to you, I knew that you're the one." He started.

I can't believe this is happening to me right now. Erik confessing his love to me. Like I'm the most beautiful girl to him. I want to pinch myself if this really is true or maybe I was asleep an hour ago and this is only a dream. Pero kahit gawin ko man iyon alam ko sa sarili ko na totoo ito.

In Her WombTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon