Chapter 37

11.8K 356 28
                                    

Wala akong nagawa kung hindi ang magpatangay kay Erik. Dinala niya ako sa pahabang mesa kung saan naroon ang sinasabing investors ni Maris. Lahat sila bihis na bihis at mukhang importante talaga ang pag-uusap na ito. Tiningnan ko ang sariling damit. Hindi naman masama dahil naka pencil cut dress akong kulay itim at blazer. Umangat ang mga mata nila sa amin ni Erik. Binilang ko sa isip ang mga tao na narito. Tatlong lalaking may kaedaran na. Dalawang kaedarang lalaki ni Erik at si Maris. Saktong walo kaming lahat.

"Good evening, gentlemen. I'm sorry for letting you wait. By the way this is Megan Cardiente." Pakilala agad ni Erik sa akin bago kami umupo. Tiningnan ako ng lahat. Ngumiti nalang din ako para hindi awkward. Anong ginagawa ko dito? Bakit niya ako sinama?

"Maupo ka na." Sabi nito nang pinaghila niya ako ng upuan. Wala akong kaide-ideya kung bakit ako nandito. Kailangan ba talagang nandito ako?

Wait! Hindi niya binanggit na isa akong manager ng hotel na ito. Tiningnan ko si Erik nang maupo na sa katabing silya. Gusto ko siyang komprontahin kung bakit niya ako sinama at 'di niya ako pinakilalang manager.

"Good to see you with a woman, Stefan. " Komento ng isang kaedaran ni Erik.

Napayuko ako dahil sa iba ang iniisip nila. Hinintay kong iwasto ito ni Erik ngunit sinimulan na niyang banggitin ang tungkol sa hotel.

Tahimik lamang ako habang nagsasalita si Erik. Naiintindihan ko ang kanilang pinag-uusapan. Gusto ng isang matanda na nakilala kong si Mr. Divinagracia na mag-iinvest lamang ito kung magkakaroon ng casino ang hotel. Nakipag-diskusyon si Erik na pwede naman silang magpatayo ng isa pa but not in this hotel. Maddison's Castle is a children's hotel at hindi nababagay ang casino dito.

Sinang-ayunan ng iba ang gusto ni Erik but Mr. Divinagracia insisted that the location of Maddison's Castle is a perfect venue for a casino. He pointed out the accessibility of the guests. Kung magpapatayo daw ng isa pa baka matagalan pa bago pagkakitaan. Wala ring nakikitang perpektong lugar para pagtayuan. Nainis ako sa ideya ng matanda. Doesn't he know kung ano ang magiging labas ng hotel na ito na may casino?

This is a fairytale inspired hotel at kung lalagyan ito ng casino magiging kapareho din ito ng ibang modernong hotel. Wala na itong sariling pagkakilanlan.

"Mr. Divinagracia I will assure you that we can find a perfect place to put that hotel and casino you wanted to build. Construction is part of the process. Let me say, if we put a casino in this hotel, there's also a constructions to be done. It also takes time. We cannot also assure the noise it will cause if the constructions has begun. That will only irritates the guests.  But, if we build a new one, this hotel will continue to operate. And if you're not convinced yet I have another proposal to you" Aniya Erik. Natahimik ang matanda na parang nag-iisip.

"What is it?" Tanong nito kay Erik.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Ang akala ko magsasalita na ito pero nagulat ako nang hawakan nito ang kamay ko na nakapatong sa'king hita. Tinanggal ko iyon ngunit hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak. Ayoko namang magpahalata sa iba kung ano ang ginagawa ni Erik. Lalo na ngayon palang nag-uumpisa nang magsitambulan ang tibok ng aking dibdib.

"Why don't we put the casino in a cruise? You know, we have a cruising company in Europe. We already have that in some of our luxurious ships. If you invest in this, I can guarantee you that it was a good idea. We don't have that in the Philippines and if this project materialized we are the first company in the country to build that kind. Yes, some business man had a shipping company in the Philippines but that is for transportation only. We can upgrade that into a luxury ship that will travel around the Philippines. So while they're playing at the casino, they're also travelling to the best spots of the country. What do you think?" Aniya na hindi parin binibitawan ang kamay ko.

In Her WombTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon