Chapter 41

12.9K 411 74
                                    

I'm not surprised waking up naked on Erik's bed. I remembered what all happened earlier. Kung paano ako tinakot ng loko at kung paano kami nauwi sa kamang ito.The last time we did this was when we're on a cruise and those also the time na huli ko siyang nakita.

Remembering what we did immediately puts a smile on my lips. Minulat ko ang mata at nakita ang katabing unan na wala nang nakahiga. Naisip kong lumabas siguro si Erik kaya nagmadali akong inayos ang sarili. Habang nagbibihis, nagbibilang ako ng oras na inilagi ko sa silid na ito. Nakakahiya kapag may nakaalam sa ginawa ko o namin sa oras ng trabaho.  Kulang-kulang limang oras akong wala sa baba. Paano kong hinahanap na pala ako ng mga staff? After I properly dressed, kinuha ko ang sandals at sinuot iyon.

May nakita akong papel sa katabing mesa. Sulat kamay ni Erik ang nakasulat na nagsasabing magkikita na lamang kami ng six o'clock sa baba.I glanced again at my wristwatch, it says quarter to five. Ang ibig sabihin may mahigit isang oras pa ako para matapos ang naiwang trabaho and after that pupuntahan na namin si Maddie at excited na akong makita ang bata. 

Medyo nadisappoint ako dahil iniwan niya akong mag-isa dito sa penthouse. I know he has a lot to do but I expected him to be beside me when I woke up. Siguro natakot lang ako nang dahil na rin sa naranasan ko noon sa barko na nagising nalang akong wala na siya sa tabi ko. Tiningnan kong muli ang papel at binulsa nalang iyon.

Hindi pa ako nakakalabas nang makatanggap ng tawag mula kay Maggie. Sinagot ko ito agad habang pasara ako ng pinto.

"Hey, bakit ka napatawag , Mag?" It's unusual to her to call me at this hour. She usually at her colleagues or clients kapag nasa ganitong oras pa. I wonder what she wants from me.

"Ate! God! Mabuti nalang at nakontak kita. Kanina pa ako text ng text sa'yo eh." Maggie's voice alerted me that something might had happened.

"Bakit? May problema ba? Tell me Mag!" Napataas na rin ang boses ko. Bigla akong kinabahan sa paraan ng pagkakasabi ni Maggie.

"I'm so sorry talaga ate." Base sa kanyang boses mukha na itong iiyak. Bakit siya nagso-sorry?

Lalo akong kinabahan. "B-bakit a-anong nangyari?"

"Ate si Sieve naiwan ko sa hotel niyo. I'm so sorry talaga ate. Gusto kasi niyang pumunta diyan para makita ka and the castle so we planned to surprise you but I got a call from the office so I took it and I forgot that Sieve's with me. Nataranta lang talaga  ako dahil sa kasong hawak ko. Then I realized that I left him at the lobby, ate. I'm so sorry. This is all my fault."

Sa dinami-dami ng kanyang sinabi ang tangi ko lang naintindihan ay nawawala si Sieve at dito mismo sa hotel.

Ni hindi ko na pinansin ang paliwanag ni Maggie. I hanged up at dali-daling pumasok sa elevator. Sobrang kaba na ang nararamdaman ko. Sieve is here at nawawala ito.

Pagdating sa lobby agad kong pinuntahan ang front desk. Hindi ko na pinansin ang pagtataka sa kanilang mukha nang hinihingal akong humarap sa kanila.

"May nakita ba kayong bata dito kanina? Lalaki siya around three years old, maputi, ganito katangkad?" Tanong ko sa tatlong attendant. Nagkatinginan pa ang tatlo bago nagsalita ang isa.

"Iyon siguro ang umiiyak kanina Ma'am Megan." Sabi nito.

"N-nasaan na siya? Tell me please?" Naiiyak ko nang tanong sa kanila.

"Ma'am Megan nakita po naming sinama siya ni Sir Janssen papunta sa playground."

"S-si Erik?" Gulat kong tanong. Kumunot naman ang noo ng tatlo. "What I mean is si Mr. Stefan Janssen?" Nang tumango silang sabay parang nanlambot bigla ang mga tuhod ko. For all people bakit si Erik pa? Pero nakadama ako ng tuwa dahil sa kaalaman na safe na ang anak ko kahit hindi ito ang gusto kong paraan ng pagpapakilala sa dalawa. Pero ito na at nangyayari na nga.

In Her WombTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon