Chapter 25

10.3K 275 6
                                    

Bumalik ako ng apartment pagkatapos naming mag-usap ni Mrs. De Jong. Worried pa ito sa kalagayan ko kaya napatagal ang pagpapaalam ko. In-assure ko naman sa kanya na okay lang talaga ako at nahihilo lang. Noong una gusto pa niya akong samahan pauwi kaya tumanggi agad ako. Nagpalitan nalang kami ng contact number at binigay ko na rin sa kanya ang address ko dito sa Amsterdam para na rin mapanatag ang loob nito.

Sa kaunting panahon na nakausap ko ang matanda, gumaan ang pakiramdam ko. Mabuti na iyong nasabi ko ang mga saloobin ko sa taong marunong umintindi. Mrs. De Jong is a very understanding old woman. Napakamabait nito at marami itong binigay na payo sa akin. Hanggang sa nakaalis nalang ako'y nakangiti parin ito. I don't know if she has a family here. Ang sabi niya kasi taga The Hague ito at namamasyal lang sa kabisera ng kanilang bansa.

Napahiga agad ako sa kama pagkarating ko sa tinutuluyang apartment. Maliit lang ang lugar pero okay naman ang loob at komportable naman ako. Naisip kong hindi naman ako magtatagal dahil iuuwi ko rin  kaagad ang anak ko sa Pilipinas kapag maayos ko na ang lahat.

Abot langit na ang dasal ko na sana maging posible ang resulta ng pagpunta ko dito. Sa nakalipas kasi na dalawang linggo halos wala pa akong nagawa. Wala akong malapitan na tutulong sa akin. Ang doktor na kakailanganin ko at ang abogado na siyang hihingan ko sana ng tulong ay puro wala naman sa bansa. Wala akong alam na kahit ano kay Mr. Filibert. Just his name or maybe it's his lastname? I don't know. Sumasakit ang ulo ko kapag binabalikan ang tagpong may pagkakataon sana akong tanungin ang tungkol sa kanya at kung taga saan siya. Kaya ngayon nagsisisi ako sa lahat nang nasayang na pagkakataon.

Napabalikwas ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong dinampot at hindi na tiningnan ang caller. Malamang si Maggie ang tumatawag. Siya lang naman ang tumatawag sa ganitong oras.  She always calls me at four in the morning, Netherland's time at alas diyes naman ng umaga sa Pilipinas. Napapagalitan ko pa nga ito dahil sa palagi nalang putol ang tulog ko.

"Hello" Paos ang boses kong sabi.

Kinapa ko ang aking noo at minasahe ito ng kaunti dahil sa biglaang paggising. Hinintay kong sumagot ang sa kabilang linya pero walang may nagsalita.

"Mag?" Tawag ko.

Nang hindi ito sumagot, doon ko na tiningnan ang screen. Number lang at hindi naka rehistro. Kumunot ang noo ko sa nakita. Ang pagkakaalam ko'y bago itong number ko at local sim card ang gamit ko. Pagdating ko pa lang dito sa Amsterdam agad ko nang pinalitan iyong sim card ko kaya nakakapagtaka lang na may numerong kumontak sa akin maliban sa mga kapatid ko.

"Jazz?"

Ilang minuto pa akong naghintay ngunit wala parin.

"Who's this?" Ulit ko. Nawala na ang antok ko dahil sa kuryusidad kung sino ang tumawag.

Alam kong may nakikinig dahil rinig ko pa ang hininga niya sa kabilang linya. Katulad niya hindi na rin ako nagsalita.  It was weird and creepy kapag ganito ang nangyayari but to me parang ang gaan sa pakiramdam na may taong nakikinig sa'yo sa kabilang linya. Hindi ko pa man ito kilala parang may ugnayan nang nagaganap na kami lang dalawa ang nakakaalam. The longer the call the more comfort it felt. Bigla akong kinutuban nang may maalala.

No. It's not him! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang pumasok sa isip ko ang taong nagpapadama sa akin ng ganito. Posible kayang....

"H-hello? Nandiyan ka pa ba? Ba't ayaw mong sumagot?"

Pinakiramdaman kong muli ang nasa kabilang linya. May narinig akong nag buntong hininga pagkatapos ay pinutol na nito ang tawag.

Matagal kong tinitigan ang cellphone'ng hawak. I know it's him. Kahit hindi ito nagsalita, alam kong si Erik iyon.

In Her WombTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon