Chapter 18

11K 342 30
                                    

"It's nice to be back! I really missed it being here " Malumanay ang boses ni Denilia habang sinasabi niya iyon. Hindi masakit sa pandinig dahil napakalambing pa nga ng mga salita na lumalabas sa bibig nito. May kung ano lang sa sistema ko na hindi matanggap ang mga sinasabi niya at hindi ko alam kung bakit.

Tahimik akong nakikinig sa kanilang usapan habang inaasikaso si Maddie. Palipat-lipat ang tingin niya sa bata at kay Erik. Minsan sinasaway niya ako dahil nakatutok ako kay Maddie at di ko na nagagalaw ang pagkain na nilagay niya sa plato ko. Noong una pinigilan ko siyang gawin iyon pero kinalaunan ay nagpumilit ito. Sabay na daw ako sa kanila. Muntik ko nang masabi dito na sumasabay naman talaga ako sa pagkain ng mag-ama kung di lang siya narito't nand'yan sa pwesto ko. Mabuti nalang at napigilan ko ang sarili na sabihin iyon.

"Sakto lang ang dating mo dahil paalis na rin ang yaya ni Maddie. " Sagot ni Erik dito.

Ayokong tingnan ang kanyang mukha dahil mababakas na naman doon ang pang-uuyam niya sa akin. Lalo kong pinag-igihan ang pagsubo sa bata para mapabilis ang oras at makaalis ako sa mesang 'to. Bawat salita nito'y tumatagos sa dibdib ko na parang may punyal na tumutusok doon.

"Talaga? Why Megan?" Curious na may halong pagkagulat ang reaksyon ni Denilia sa narinig na balita. Nakita kong titig na titig ito sa akin. Wala akong labas dito kaya sinalubong ko na rin ang nagtatanong nitong mga mata.

"M-may asikasuhin lang." Mahina kong sabi dito. It's not a lie. Totoo na may gagawin ako pero alam ko ang nasa isip ng lalaking kaharap ko. Ngayon na kitang-kita ko na ang kanyang mukha, bakas doon ang pagtataka kung bakit di ko sinabing pinapaalis niya ako. Why would I? Iyon naman ang gusto niya di'ba? And I am saving him for Denilia's unlimited questions kung bakit gusto niya akong paalisin.

"Ay sayang naman. Mukha ka pa namang mabait." Denilia's choice of words about me seems like it's her last resort para maniwala akong mabait talaga ito. I can feel the sincerity from it. Tila ako lang ang gumagawa ng ikakasama niya sa mata ko.

"Importante lang po kaya 'di ko magawang ipagpaliban iyon Ma'am." Magalang kong sabi dito. Napatingin kami bigla kay Erik nang ibagsak nito ang baso sa coaster na metal. Nangungunot ang kanyang noong inayos din naman ang pagkakalagay ng baso.

"Sorry " Walang kagana-ganang sabi nito.

I know why he's like that. Actually he deserves it. Akala niya siguro ay magmamakaawa ako sa kanya na huwag akong tanggalin sa trabaho. Pwes nagkakamali siya. He even made my decision easier.

"Careful Erik. Maddie's watching you." Saway sa kanya ni Denilia.

Mukha namang walang pakialam sa usapang matanda si Maddie nang muli ko siyang pagtuunan ng pansin. Hindi ko alam kung alam na kaya nito ang gustong mangyari ng kanyang ama.

Lantaran naman ang pagkakasabi ni Erik na aalis na ako but Maddie's too focus on some things that's why she didn't hear or maybe heard it pero di na iyon pinansin ng bata.

"It's okay Mommy. It's an accident." Sabi ng bata kay Denilia.

"Oh you're such a sweet girl, baby." Muli nitong hinalikan ang noo ng bata. I looked away. It should be me. Pero 'di naman ako ang ina... Nagtama ang paningin namin ni Erik. Muli, nakita ko ang matatalim na mga tingin nito sa akin. Sa likod ng mga matang iyon nakikita ko ang pagtatanong. Ang sakit na dulot ng pagtanggi ko sa alok niya. Gustuhin ko mang sabihin ang rason ay di na kailangan. Narito na ang kanyang pamilya. Magugulo lamang iyon kung ipagpatuloy niya ang balak sa akin. Wala man akong alam kung ano talaga ang nangyari sa kanila ni Denilia, alam kong makabubuti kung hayaan ko nang ganito kami.

"Excuse me."

Agad akong tumayo at tinungo ang kwarto kung saan kaming mga helpers natutulog. Mabuti nalang at walang tao. I don't want them to see me like this. Kung kaya kong sarilinin gagawin ko.

In Her WombTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon