Chapter 13

12K 351 17
                                    

"Where have you been Meg?"

Pagbaba ko pa lang ng hagdan ay ito na ang pambungad na tanong ni Erik. May pagtataka sa kanyang mata na tiningnan ako. Umiwas agad ako ng tingin at muling sinilip si Maddie at si nanay sa labas. Naroon pa sila at nagtatawanan. Sumali na rin sina Maggie at Jazz doon.

"Meg"

Nasa likod ko na ito at hinapit ang baywang ko. Napalingon ako sa kanya kaya ngayon ay magkaharap na kami.

"What's wrong?" Aniya na lalo akong kinabig papalapit sa kanya. Nasa baywang ko na ang dalawang kamay nito. Sa bawat pagdantay ng kamay niya sa katawan ko'y hindi maiiwasang mang-init ako.Sa mga tingin palang niya sa akin batid nitong may gumugulo sa isip ko. It's obvious naman kasi dahil sa pananahimik ko.

"Nothing. Are you done?" Pag-iiba ko ng usapan. Tumango naman ito at lalo akong kinabig palapit sa kanyang katawan kaya ang dating ay magkayakap na kami. Hindi ko alam pero kusa namang yumakap ang dalawa kong kamay sa kanya.

We stayed like that ng ilang minuto. Parang ang sarap lang sa pakiramdam na may taong nag-aalala sa'yo at tatanungin ka kung okay ka. Iyong tipong gusto mong umiyak tapos nandyan siya at aaluhin ka. Iyon yung pakiramdan na kayakap si Erik.

"Mukhang hindi na ako mahihirapan sa nanay mo." Maya-maya'y bulong nito.

"Bakit naman."

"Kung magpapakasal tayo may instant apo na ito."

Kinurot ko ang tagiliran niya dahil sa sinabi.

"Ikaw talaga ang feeling feeling mo."

Tumawa ito at inangat ang mukha ko paharap sa kanya. Yumuko ito kaya magka-level na ang mga mukha namin.

"Ayaw mo ba nun?"

Hindi ako nakasagot. I like the idea of him and me. Kinikilig ako tuwing sinasabi niyang magpapakasal kami. Ang matawag ako ni Maddie na totoong ina. Sino pa ang aayaw nun? Kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin muli kina nanay. Kung ganyan lang sana kadali ang pagtanggap ni nanay sa akin hindi na ako magkakaproblema.

Marami ang nagpapagabagabag sa akin. Lalo na na unti-unti akong binabalikan ng konsensya ko. Kung magpapakasal kami kailangan ko nang  maayos ang problema ko at kay nanay bago pa mangyari iyon.

Tinapik nito ang balikat ko bago pumunta kung saan ang nagsasaya kong pamilya. Tiningnan ko ang reaksyon ni nanay nang mag-angat ng kamay si Erik sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag nang tinanggap niya iyon.

Naalala ko ang comment ni nanay sa picture namin noon ni Maddie sa Facebook.

Kung sana'y ginawa mo ang nararapat eh di sana totoo mo yang anak ang kasama mo ngayon.

Agad kong binura ang comment na 'yon. Hindi ko alam na ganito katalas ang bibig ni nanay kung galit. Dati hindi naman siya ganoon. Simula lang nang nangyari ang ginawa ko ay marami na akong naririnig na masasakit na salita galing sa kanya. Naisip ko minsan kung anak pa ba ang turing niya sa akin o hindi na.

UMALIS kami ng bahay na hindi parin ako kinaka-usap ni nanay. Pansin ko rin ang pananahimik ni Erik at ang kadaldalan ni Maddie sa likod. Kwento ito ng kwento tungkol sa nanay ko at sa tita Maggie niya. Mabuti na iyon dahil hindi pa ako ready kung magtanong si Erik tungkol sa pakikitungo ni nanay sa akin.

Hanggang sa maghapunan kami sa bahay ay wala paring imik si Erik. Minsan magsasalita ito pero mono-syllable lang iyon. Pagkatapos ay balik na naman sa pagiging tahimik.

In Her WombTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon