Chapter 34

11.1K 325 14
                                    

"You're the General Manager?" Gulat kong sabi.

Sumenyas ito na lumapit at maupo sa harap na upuan. Sinunod ko naman at tiningnan muli si Janno.

"Proud to be." Sabi niya saka nagkibit-balikat. Hindi talaga ako makapaniwala. Ang huling kita namin, isa pa siyang lawyer at kanang kamay ni Sir Rex. Paano siya napunta sa ganitong business?

"Nagulat lang ako na ikaw pala ang mag-iinterview sa'kin."

Tumingin ito sa'kin at napailing. "For formality lang naman na pinatawag kita dito pero sa totoo lang tanggap ka na Megan. Habang pumipili kami ng mga taong interview-hin, nagulat ako na kasama ka doon. Maganda ang working backgrounds mo at masasabi kong magaling ka talaga so we hire you." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Janno.

"So tanggap na ako?" Ganun kadali? Tumango ito at saka ngumiti.

"Welcome to Maddison's Castle, Megan." Inangat nito ang kamay para magshake-hands sa akin. Agad ko naman tinanggap iyon.

"Hi'nire mo ba ako dahil magkakilala tayo?" I asked suspiciously. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ganun lang kadali ang lahat.

"No. You're hired because of your credentials in hotel business. Magaling kang magdala ng tao at mabait makitungo. Our hotel needs a person like you. Wala kang dapat ikabahala dahil approved ka na sa taas." Sumilay na naman ang ngiti sa labi ni Janno.

"Are you sure of this?" Hindi parin talaga ako makapaniwala. Alam kong may mas magaling pa sa akin but he chose to hire me dahil kilala niya ako.

"Bakit ayaw mo ba?" Sagot niyang nakataas ang kilay.

"Hindi naman sa ganun, Janno. Baka kase pinapaboran mo lang ako..."

"No, it's not that. You're really qualified, Megan. Please don't ask me again dahil kahit hindi ka naniniwala tanggap ka parin." Seryoso na niyang sabi.

Napatango nalang ako. Kung tutuosin, it's my gain bakit pa ba ako tatanggi?

"Salamat. Kailan pala ako magsisimula?"

"Kung gusto mo bukas pwede na. We need you as soon as possible, Megan. Ilang linggo na simula nang umalis ang isa naming manager so kailangan na kailangan na namin ang isang katulad mo. Don't worry sa sahod, we're very generous pagdating diyan. All we need is your loyalty to this hotel."

"Don't worry, Janno. You can trust me. I promise I will take good care of this hotel." Ngumiti ito sa sinabi ko.

"I'm looking forward to that."

UMUWI ako ng bahay na masayang-masaya. Hindi ko akalain na ganoon lang kadali ako matanggap. Dati-rati pila-pila pa ako sa kaka-apply but now isang click lang tanggap na ako.

Agad kong hinanap si Sieve. Naglalaro na naman siya but this time mga lego naman ang pinagkakaabalahan ng anak ko.

"How's my baby boy?"

Nang makita ako mabilis itong tumakbo palapit. Pinuno ko siya ng halik at nairita na naman siya.

"Mommy, will you stop kissing me?" Nangungunot ang kanyang noo at nag-aaway na naman ang kanyang kilay habang sinasabi iyon. Ginulo ko ang kanyang buhok at niyakap ito ng mahigpit.

"Why? You don't like it when mommy kissed you?" Kinarga ko ito ng tuluyan.

"No. I only want three kisses from you." Tumaas ang kilay ko.

"Three kisses? Why?"

Ito ang hindi ko maintindihan sa anak ko. Ayaw niya nang masyadong hinahalikan. Eh ito ang pinakagusto kong gawin sa kanya.

In Her WombTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon