"Kainin mo 'yan." Sabi ko sa kanya habang nginunguso yung fries.

"Ayoko."

"Ha?" Kumunot yung noo ko. "Binili ko nga para sa'yo 'yan, eh."

"Hindi ako mahilig diyan." Sagot niya, "Akala ko nga sa'yo 'yan, eh."

"Eh, hindi rin ako mahilig diyan."

"Bakit mo in-order?"

Natahimik kami. Napakamot ako sa leeg ko at walang kaimik-imik na kumuha ng fries. Whatever. Kakainin ko na lang kahit hindi ko gusto.

"South?" Tawag ko. Ubos niya na yung kinakain niya, ako patapos pa lang. Tumingin lang siya sa akin, naghihintay ng kasunod na sasabihin ko. "Ano ba talagang gusto mong mangyari?" Tanong ko. "Yung position mo sa company. Anong plano mo? Bakit kailangan mong gumanti? Paano?"

Unti-unting bumigat yung pakiramdam ko. Alam ko naman na wala ako sa lugar na magtanong pero nag-aalala kasi ako.

Mahirap din sa akin na ganito, nakikita ko siya, nakakasama, pero ang layo niya pa rin. Mahirap din sa part ko na itanong yung mga ganoong bagay. Feeling ko isang maling salita ko lang ay magba-back to zero na naman ako pagdating sa kanya.

"Kukunin ko ang lahat ng meron sa kanya." Malamig na sagot niya, "Sisirain ko sa paraang alam ko."

Nakuyom ko ang kamao. "Pagkatapos? Anong gagawin mo kung sakaling magawa mo iyang gusto mo? Anong mapapala mo?" Bakit pa kasi kailangan mong gumanti?

"Ang katahimikan ko."

Katahimikan...

"Hindi mo ba naisip na baka may reason naman talaga kung bakit nasaktan kayo ng Dad mo—" Natigilan ako nang magbago ang paraan ng tingin niya. In a split second, parang hindi si South ang kaharap ko. She looked like a dangerous stranger.

"Does it matter?" May diin yung bawat bigkas niya. Kalmado lang yung way ng pagkakatanong niya pero yung emotion, hindi man bakas sa boses niya pero ramdam at nakikita ko 'yon sa asul niyang mata. "His reason won't and will never bring back the life of my mother."

"Pero ama mo pa rin siya," giit ko.

"Biologically, yes." Sagot niya, "Hanggang doon lang."

Bumuntong-hininga ako. Hindi naman ako mananalo sa batang 'to. Kung may magagawa lang ako, hindi ko hahayaan na umabot siya sa punto na tuluyan na niyang hindi makilala ang sarili. Can I really do something?

Kailangan may magawa ako para sa kanya. Hindi para patunayan ang sarili ko kung hindi para tulungan siya. Ayokong magsisi siya sa huli. Kasi kahit saang angle tingnan, alam kong hindi 'yon ang sagot para makuha ang katahimikan na gusto niya.

Lumabas din agad kami ng McDo pagkatapos kumain. Wala siyang kibo sa tabi ko, mukhang hanggang ngayon napapaisip pa rin siya sa naging usapan namin.

"South." Kinuha ko yung kamay niya. Malamig. Tiningnan ko siya pero nasa harapan lang ang atensyon niya. "Tandaan mo, nandito lang ako."

"Hm..."

--

"Mind explaining why you're here in my class?" Masungit na tanong sa akin nitong si Hilaga. Yung mga estudyante, amused na namang pinapanood kami.

Tiningnan ko yung projector. Aba, discussion na talaga ang ginagawa. Wala talagang sinasayang na oras 'tong babaeng 'to.

I smiled at her sheepishly. Lumingon ako sa mga estudyante. "Hi, class! Kilala ninyo ako?"

"Yes, Ma'am!" Sagot ng karamihan. Yung iba naman parang may mga sariling mundo. Yung iba nagsimula nang magdaldalan.

"Ang ganda ninyo po, Ma'am!"

Ngumiti lang ako tapos tiningnan ng nakakaloko si North. Nakataas lang ang kilay niya.

"Ginugulo mo ang klase ko."

"Hindi, ah." Patay-malisya kong sagot. "Class, masungit ba si Ma'am Hansen?"

Sari-saring sagot ang narinig ko. Yung iba hindi ko na naintindihan. Natatawa tuloy ako na ewan. Mga estudyante talaga.

"Maganda rin si Ma'am Hansen kaya okay lang maging masungit!" Sabi no'ng isang lalaki sa gilid.

"Tsaka magaling na prof!"

Tinaas-baba ko ang kilay ko sa best friend kong hindi na maipinta ang mukha. "Oh, Hilaga, magaling ka—"

"Get out."

Natawa ako ng malakas at napakamot sa leeg. "Oo na, oo na. Pero, North," Tiningnan ko siya ng seryoso bago lumapit ng bahagya. "May kailangan akong sabihin sa'yo."

Nawala yung formality sa mukha niya. Mayumi siyang ngumiti na para bang alam na niya kung anong gusto kong sabihin sa kanya. Humawak siya sa braso ko at tumango. "Sa bahay na, okay?"

"Sige," Ayon lang at lumabas na ako.

Maingay ang paligid habang naglalakad pero hindi ko na halos napapansin ang lahat.

Paulit-ulit lang din kasing bumabalik sa isipan ko ang huli naming pag-uusap ni South.

Bakit ba pagdating sa kanya sobrang concern ako?

Natigilan ako sa pag-iisip nang makita ko yung isang familiar na lalaki na nakatayo at mukhang may sinisilip sa isang classroom.

Hindi ako pwedeng magkamali, nasa room na 'yon ngayon si South. Kabisado ko ang schedules niya, eh. At saka bakit nandito siya? Siya rin yung nakita ko sa park pati sa labas ng bahay.

Sinusundan niya ba si South?

Lalapit na sana ako nang may dumating na babae at nilapitan yung lalaki. Mas nabigla ako nang ma-realized yung taong 'yon.

Si Race.

Siya yung isa sa kaibigan ni South. Anong—magkakilala sila?

"Ano, Kuya?" Rinig kong tawag niya rito. Sapat lang naman ang layo ko para marinig sila. Kuya? "Nakausap mo na ba?"

"Hindi pa nga, eh." Bakas ang disappointment sa boses ng lalaki. "Ayaw niya talaga akong kausapin, Race."

"Akong bahala kay South." Tinapik ni Race ang balikat ng kasama at pabirong sinuntok ang braso nito. "Makakapag-usap din kayo."

Kapatid ba ni Race yung lalaki? Kung ganoon, kilala rin siya ni Bata.

Anong kailangan nila kay South?

_____

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang