Challenge # 22

98.6K 4.2K 786
                                    

Huling hirit na

Oliver's

Atlas Victorious was still in the NICU but he is getting better. Nagmamadali akong magmaneho dahil nag-text sa akin si Rocheta Grace para sabihin na ngayong araw ay makakarga na niya si Atlas and I am more excited than her. May malaking client ang nasa office ngayon but I asked Ody to meet the client by himself dahil wala nang mas importante pa sa araw na ito.

I parked my car on the hospital's block and I left. Halos takbuhin ko ang corridor ng hospital para lang makaabot ako sa oras and I am just right in time dahil nakita kong papasok pa lang si Rocheta sa NICU. I called her and she flashed her happiest smile. Inilang hakbang ko siya at hinalikan sa labi – matagal, mariin. Miss na miss ko na rin kasi siya. Wala pa kaming oras para sa isa't isa dahil binawi na naman siya ni Mr. Emilio sa akin.

"Are you excited?" I asked her. She was almost tearing up.

"I am. Halika na. Nasa loob na si Tita." Sabi niya pa. Magkahawak kamay naming tinahak ang daan papasok ng NICU. Naroon si Tita Danelle. Ngiting-ngiti siya habang kinukuha niya si Baby Atlas sa loob ng incubator.

"He's healthy. Pwede na siyang ilabas sa incubator at kapag dumating ang new born screening niya, at okay ang lahat, pwede ninyo na siyang iuwi. Kasundo ni Baby Atlas ang gatas ni Rocheta. Pwede mo na siyang i-breast feed. Nakakatuwa. Ang bilis nang recovery ni Baby."

Dahang-dahang iniabot ni Tita Danelle kay Rocheta si Atlas. Ako naman ay amazed na amazed habang nakatingin sa mag-ina ko. They're the sight that needs to be remembered forever. Mas laling gumanda si Rocheta sa paningin ko habang karga niya ang anak naming dalawa. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Parang sasabog ang puso ko. Hindi ako makahinga sa sobrang tuwa habang nakatingin ako sa kanilang dalawa.

Atlas yawned. Ugali niyang maghikab pagkatapos ay ipapatong niya ang maliit niyang kamay sa mukha niya at saka hihikab ulit. Rocheta laughed.

"Did you see that?" She looked at me. "Did you see his reaction?"

"Yes, I did." I said. Lumapit ako at hinalikan siya sa noo. "You're really beautiful and you're ten time more beautiful now that you're holding our child."

"Anong ten times more beautiful? Gawin mong one hundred times iyan!" She said. Natawa na naman ako. Tita Danelle made us pose for our first family picture. Ilang beses ipinaulit ni Rocheta sa nurse ang pagkuha dahil hindi daw siya maganda sa anggulong iyon. I wanted to tell her how pretty she is at hindi masusukat ng kahit anong anggulo iyon. Maya-maya ay kinuha nang muli si Baby Atlas sa aming dalawa. Iaayos na daw siya para isama sa ibang mga bata sa NICU. Bukas darating ang results ng new born screening ng anak namin at bukas rin namin malalaman kung pwede na siyang iuwi.

Nang makalabas kami ng NICU ay saka ako bumaling kay Rocheta Grace.

"Kung lalabas na bukas si Baby Atlas, sa farm ka ba uuwi o sa bahay ninyo?"

Parang natigilan siya. Tama ako, hindi niya pa iyon naiisip. I smiled at her and cupped her face.

"You don't have to say anything right now. Maiintindihan ko naman kung kay Mr. Emilio ka uuwi. After all, tatay mo siya at dapat lang na sundin mo siya." Sabi ko na lang pero sa totoo lang, iniisip ko kung bakit ba hanggang ngayon ay hindi pa rin payag ang Tatay ni Rocheta sa aming dalawa. Okay na si Baby. Si Rocheta ay nakabalik na sa trabaho, nakakulong na si Salve at ang mga tumulong sa kanya.

Ang problema ko na lang talaga ay si Tatay at ang Papa ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi sila maayos makipag-usap sa isa't isa at hindi ko ba alam kung magiging maayos ba sila kalaunan.

Once moreDove le storie prendono vita. Scoprilo ora