Challenge # 21

97.4K 4.1K 717
                                    

Beastmode

Rocheta's

He is going to be fine.

It's that kind of relief that I am waiting to feel at naramdaman ko lang iyon matapos kong marinig mula kay Tita Danelle na magiging maayos ang baby ko. Ilang beses niyang ibinilin sa mga bagong tao sa NICU to not take their eyes of Baby Atlas. Nangako rin ang mga kapatid ko na hindi sila aalis sa NICU.

Hindi pa rin kasi kumbinsido si Tatay na si Salve lang ang may gawa ng pagkuha kay Atlas. Naniniwala siyang may inside job daw dito at hangga't hindi nakikita kung sino ang may gawa, hindi sila titigil at hindi rin naman magiging ligtas ang anak ko. I am so grateful that I have a family like this. Hindi matutumbasan ang samahan nila at hindi talaga sila nang-iiwan kahit anong maganap.

"Kamusta naman si Oliver?" I asked Diko nang magkasama kaming nakaupo sa waiting lounge malapit sa NICU. He was drinking coffee ako naman ay may hawak na bottle ng water.

"Ayun, medyo siguro nayanig dahil nakakita siya ng epitome ng perfection."

"Ikaw? Hindi rin siguro. Sanay na sa akin iyon." I answered Diko. He smiled at me.

"Huuu! Sabihin ko kaya kay Oliver na noong bata tayo panay ka lang nakapanty sa bahay."

"Wala namang connection iyon saka isa pa, nakita na niya ako ng walang panty, Diko. Nakakabwisit ka, sipain kaya kita sa mukha?!"

"Luh! Joke lang! Ayos naman siya noong dumating sa bahay nila. Mukhang buong pamilya nila iyong nandoon. Nag-aalala pa rin yata siya sa baby ninyo. But he seems fine. Okay na rin siya sa akin. Mukha namang mabait si Oliver basta hindi ka niya sasaktan." Diko smiled again. Napatango ako at nagpasalamat sa kanya. Hindi naman nagtagal ay dumating si Kuya Narcing para sabihin na kailangan ako sa security room. Siya na rin ang pumalit sa akin sa pagbabantay sa baby ko. Isinama ko si Diko. Mas close kasi kami talaga ni Diko kaysa kay Kuya. Si Kuya kasi masungit noong lumalaki kami pero nonetheless, mahal namin ang isa't isa at mas mahal naming tatlo si Aswell dahil siya ang bunso.

When we got there, I saw my father and my Uncles standing around the tv monitors habang nakahalukipkip. Si Mama ay napapagitnaan nila habang nakatingin sa mga monitors na iyon. Nagsasalita iyong in-charge sa pagre-review ng footages.

"As you can see, ito iyong dumating iyong tatlong lalaking kumuha noong incubator, but before that, dumating siya..."

Naka-focus ngayon ang isang babaeng may suot na jacket. Si Salve. Kinuha niya ang isang nurse at tinutukan ng baril. Matapos iyon ay may sumunod na guard na sinaway sila pero tinutukan rin niya ng baril. In her eyes, I could see the determination and the anger. Halos lahat ng tao sa NICU at tinakot niya. May silencer din ang baril niya kaya nang paputukan niya ang isa ay halos walang tunog na lumabas. Galit na galit si Mama.

"Ang tatanga nila! Naturingang mga security guard with training natakot sa isang babae." Nagulat ako nang bunutin ni Mama ang baril ni Tatay at nag-walk out. Sinundan siya ni Tatay. Napapailing si Uncle Azul.

"I thought that there are more of this... Mukhang determinado lang siyang sirain si Oliver. We went to her house and inside, Red and I found pictures or Iris and Ireen. Nina and Hermes, even Artie's children. Galit si Hermes and he will make sure that Salve will go to jail. I told him that I could just pull the trigger pero mas gusto ng kapatid ko ang tamang hustisya."

Hindi ako nakakibo. Nanginginig pa rin ang tuhod ko. I feel like I need to talk to Oliver that's why I called him. I told him that I will be dropping by his home Isinama ko na rin si Diko dahil ayaw akong payagang mag-drive ni Tatay.

Once moreWhere stories live. Discover now