Challenge # 13

98.1K 4.1K 945
                                    

Movies

Rocheta's

I have no idea what I just did. Umalis ako ng bahay at kahit anong pigil ni Mommy at Aswell sa akin ay hindi ako nagpapigil. Kagustuhan ko ang pag-alis at ang hindi pagkausap kay Tatay. He saw me leave pero hindi siya nagsalita sa akin maliban na lang sa sinabi niyang: Once you take a step out, you can never come back.

Mas gugustuhin ko nang marinig iyon sa kanya kaysa iyong makita ko siyang unti-unting nagbabago dahil lang sa hindi nasunod ang gusto niya. Alam kong sobrang disappointed ni Tatay sa akin dahil sa naganap sa amin ni Oliver pero disappointed rin ako sa kanya dahil sa ginawa niya kay Oliver.

Mabait ang Tatay ko. He has a good heart and he is very kind pero nag-iba siya ngayon. I know how much he hates the Consunji – mula pa lang noong bata ako ay palagi niyang sinasabi sa akin iyon pero ngayon para bang napakaliit na bagay na lang noon na hindi niya makalimutan.

I really hate it when he acts like he doesn't have a heart at all.

Nagpunta ako sa condo unit ni Ave Maria. Sa totoo lang naisip ko rin namang puntahan si Oliver pero natatakot ako para sa kanya. Baka kasi araw-araw siyang puntahan ni Tatay sa bahay kapag nalaman nitong kay Ollie ako nakatira. Nakakahiya na rin naman doon sa tao dahil palagi na lang siyang nag-a-adjust para sa akin.

"Okay lang naman kung sa couch ako matulog, Ave."

Kasalukuyang inaayos ni Ave Maria ang mga gamit ko. Tinutulungan niya ako. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyaring sagutan sa pagitan namin ni Tatay. Hindi naman siya kumikibo. She was just listening to me.

"Ano ka ba? Condo mo ito, ako dapat sa couch." Natatawang sabi ko.

"Pero buntis ka. Hindi ka magiging comfortable doon!" Giit niya pa. Tumawa akong muli.

"Tabi na lang tayo sa kama. Wala naman kaso sa akin. Kapag naman magkatabi tayo para ka lang din nakahiga sa kama kasi ang taba ko. Sabi ni Dyosa kapag pumayat daw ako mawawala iyong boobs ko! God! Ito na lang ang maganda sa akin!"

"Sira ulo ka, Ave! Maganda ka nga kasi maganda ako wala akong kamag-anak na pangit!" Nagkatawanan pa kami. Habang nag-aayos ng gamit ay nag-text ako kay Mama na safe ako at si Ave ang kasama ko. Nakiusap rin ako na h'wag nang sabihin kay Tatay kung nasaan ako. Ayoko na kasi muna siyang kausapin.

"Ako na iyong magluluto ng dinner natin, Etang. Anong gusto mo?"

Napangiwi ako nang maalala kong hindi ko nadala iyong mashed potato na gawa ni Oliver.

"Anything will do." I said to her. Lumabas siya ng silid at nagpunta na marahil sa kusina. Naupo naman ako sa kama. I so wanted to text Oliver and tell him what happen. I wanna tell him that I am now staying with Ave pero ayokong malaman niya dahil lalo lang magagalit si Tatay kapag nalaman niyang magkasama kaming dalawa.

I want Oliver safe. Alam kong na-stress na rin siya kay Tatay.

"Etang! Come out!" Narinig ko si Ave. Nagtaka naman ako kasi parang ang bilis naman niyang magluto. Agad akong lumabas. Haplos-haplos ko ang tyan ko habang naglalakad pero napasigaw ako nang makita kong nakatayo si Oliver sa gitna ng sala at tila ba naghihintay sa akin.

"I was waiting for your text. What happened? Are you okay?"

"Huh?" Paano niya nalaman? "Sinong nagsabi sa'yo?"

"Your phone..."

"What about my phone?"

"I put a tracking device on it para alam ko kung nasaan ka kahit hindi tayo magkasama at na-alerto talaga ako nang makita kong wala ka sa bahay ninyo noong six fifty-six noong hapon so I followed you. I was glad na dito ka kay Ave nagpunta. What happened? Bakit ka umalis sa inyo?"

Once moreOn viuen les histories. Descobreix ara