Challenge # 17

90.8K 3.5K 775
                                    


Simula

Rocheta's

"Marunong kang mamalengke? Maglaba, magluto? Ano pang hindi mo kayang gawin?"

Tawa ako nang tawa kay Oliver habang naglalakad kami sa palengke malapit sa far niya. Nag-deliver kasi sila ng prutas nang araw na iyon at sumama ako kasi inip na inip na ako sa bahay niya. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nang magsama kami sa iisang bahay at araw- araw ay nakikilala ko siya. Iniisip ko palagi na isang araw, ipapakita niya rin sa akin ang ugali niyang sinasabi ni Tatay pero so far, wala naman akong kakaibang nakikita sa kanya.

"Lumaki akong wala kaming maid. Si Tatay, tinuruan niya ako ng mga gawaing bahay – lahat kami, kahit sila Kuya at Diko, marunong magsipaglaba iyon."

Napangiti si Oliver. "Do you miss your dad? You can always come back to him."

"I know. Pero nagtatampo rin kasi ako. But along the way, magiging okay rin kaming dalawa. Iyon pa, miss na miss ko na nga iyong kagwapuhan ni Tatay. Ikaw? Miss mo na ba siya? Kamusta naman iyong bulletproof mo?"

Tawa nang tawa si Oliver habang sinasabi ko iyon sa kanya. Malamang naalala niya iyong mga kagaguhan niya noong mga nakaraang buwan tuwing haharap siya kay Tatay nang naka-bullet proof at may helmet pa. Nakapaulupot ang braso ko sa braso niya habang naglalakad kaming dalawa. Napagkasunduan rin naming mamalengke para sa hapunan naming dalawa.

Kakaiba si Oliver ngayon, he's very attentive to me. Maski pagbangon ko sa gabi dahil iihi ako, babangon rin siya para samahan ako sa bathroom. Sa iisang kama kasi kami natutulog pero wala naman kaming ginagawang dalawa. Wholesome kaming dalawa kahit na ang tindi ng hormones ko ngayon dahil nga buntis ako.

Hindi rin naman siya nagi-initiate dahil nang minsang magpa-check – up kami kay Tita Danelle ay binilinan siya nito na walang contact dahil delikado pa rin at Malaki ang posibilidad na mag-spotting na naman ako at magtuloy na iyon sa miscarriage. Ayokong mawala ang baby ko. Anim ba buwan na ang tyan ko at talagag bilog na bilog iyon.

Tuwing gabi ay kukuwentuhan ni Oliver ang tyan ko na para bang kaharap niya lang ang anak naming dalawa. Kung minsan ay nagdo-drawing pa siya nang kung ano sa tyan ko mismo. Sira ulo kasi talaga siya.

Nang makauwi kami sa bahay ay natulungan kaming magluto. Sinigang sa miso ang niluluto naming dalawa. Nagku-kwentuhan pa rin kaming dalawa. Marami akong nalaman tungkol sa kanya – like paborito niya ang sinigang. Sabi nga niya kahit daw araw-araw na iyon lang ang ulam niya ay mabubuhay siya, takot siya sa dugo. Sabi niya nagkaroon daw siya ng phobia noong nineteen siya, hindi na rin naman ako masyadong nagtanong pa.

We ate dinner in a bliss. Nagkukwentuhan pa rin kaming dalawa. Sobrang napapatawa ako ni Oliver. Actually, naiisip kong sobrang perfect ni Oliver.

"What's your catch?" I asked him. Kapapainom niya lang sa akin ng gatas at matutulog na sana kami pero naisip kong tanungin ang bagay na iyon. "Walang taong perfect – well maliban sa akin, I'm just plainly perfect – pero ikaw, Consunji ka, you're somehow fucked up – you're messed up inside, Oliver, hindi pwedeng wala kang catch, so what's your catch?"

Matagal niya akong tinitigan na para bang nag-iisip siya. Hindi ko naman siya nilubayan ng tingin. I was staring at him like a hawk. I wanna know the real him, I wanna see his messed-up side.

"You can't handle it. Mas magandang matulog ka na lang."

"So, the mighty fucker has a secret? Let me in. I wanna know how dark you can get..." My voice was a bit husky. He grinned and shook his head. Pinahiga na niya ako. Naghihintay pa rin naman ako. I was resting my head on his chest. Ramdam ko ang paghinga niya.

Once moreWhere stories live. Discover now