Challenge # 05

112K 4K 888
                                    

Sa Batis

Rocheta's

"Tay naman, bakit ba kailangan pa akong sumama dito, hindi pa ako naliligo oh! Hindi pa nga ako nagbibihis eh! Ano bang gagawin natin dito sa bahay ni Uncle Azul?"

Hawak-hawak ni Tatay ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa kabilang street kung saan naroon ang bahay ni Uncle Azul. Pagkaalis na pagkaalis ni Oliver Consunji sa bahay namin ay pinagalitan niya na ako. Mas mabunganga siya kaysa kay Mommy. Si Mommy naman ay pinagtatanggol ang katotohanan na taong pumunta si Oliver Consunji doon sa bahay namin at kahit Consunji pa siya, maayos naman niya kaming pinakaharapan.

Biglang naglitanya si tatay ng: "Ah ganoon ba iyon? Kaya pala maayos mong pinakikiharapan iyong putang inang Javier Consunji na wala namang abs noon maski ngayon! Ganoon pala iyon! Oh di magsama kayong dalawa! Pupunta na lang ako sa my labs ko!"

Of course, si Uncle Azul ang sinasabi niyang my labs.

"Walang ligo-ligo! Bakit ka naman nagpapaligaw sa lalaking iyon?!" Nasa loob na kami ng salas ng mga Azul at ipinaupo niya ako sa couch at saka siya nagsisigaw. Bigla tuloy bumaba si Uncle Azul at lumabas mula sa kung saan si Auntie Leira.

"Anong nangyayari, Ido?" Tanong ni Auntie Leira.

"Pata Queen, kasi itong anak ko nakikipagligawan sa semilya ng kapatid ni Azul!"

"Sino? Si Heph? May asawa na si Heph ha. Siya naman ang pinakamaloko sa mga pamangkin ko. Kundi si Heph, si Percy ba?"

"Hindi! Iyong putang inang Oliver Consunji na iyong gago siyang sira ulo siya! Walang burat puro itlog lang!"

I made a face. "Hindi naman kaya." Bulong ko.

"Anong sabi mo?"

"Wala, Tay! Sabi ko umuwi na tayo at h'wag mo nang gawing big deal ito. After ng ginawa mob aka hindi na rin naman magpakita si Oliver sa akin."

"Si Oliver nga?" Tanong ni Uncl Azul. "Aba, paano ka naman nahanap noon?"

"Good morning, Ninong Ido." Bati ni Violet kay Tatay. I smiled at her. Inabot ni Violeta ang kamay ni Tatay para magmano. "Ang aga mo namang ma-beast mode ngayon. Papasok pa lang ako sa school eh."

"Nakuha mo na ba iyong baon mo?" Tanong ni Auntie.


"Yes, May. Bye Pay."

"Ihahatid na kita." Sabi ni Uncle Azul.

"Hindi na po. Nandyan na si Eli sa labas. Bye po!"

"Lumalaki na iyong mga bata. Lahat sila may boyfriend na tapos si Rocheta pinagagalitan mo kasi nililigawan ni Oliver." Napapailing si Auntie Leira. Natawa naman si Uncle Azul.

"Ayaw ko naman sa kanya, Tatay." Sabi ko. Natigilan si Tatay at tumingin sa akin. "Hindi naman kasi siya kasing gwapo mo. Dapat kung magkakaboyfriend ako iyong kasing gwapo mo at kasing hot mo kasing bait mo pa – in short perfect just like me." Kinindatan ko si Tatay natawa siya pero nagbago ang expression ng mukha niya lalo na noong nakita niya si Red na pababa ng hagdan.

"Mas bagay sana kayo nitong si Red eh kaya lang nauna kay Queen Taba pero okay na rin iyon at least hindi supot ang mapapangasawa ni Tamar di tulad ng ama niya."

"Sira ulo ka talaga." Tatawa-tawa si Uncle Azul.

"Can I like go home now and take a bath? Maganda nga ako wala naman akong ligo. Ano na ako noon, Tay? Siyempre maganda pa rin!" Tumawa ako at lumabas nang bahay ni Uncle. Nakasuot pa ako ng bunny slippers eh. Hindi na talaga ako nakapagpalit ng damit.

Once moreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon