Challenge # 14

90.2K 3.3K 712
                                    

Almost perfect

Oliver's

We went to a different house. Hindi ko alam kung anong gagawin namin sa bahay na iyon but I overheard Uncle Simoun calling the man of the house Jude. May nararamdaman akong kaba. Bakit nandito si Uncle Yvo? At sino itong Liway na tinatawag na Kuya si Mr. Emilio? Alam kong magkapatid sila pero anong koneksyon niya kay Uncle Yvo?

Uncle Yvo and Ninang Thea's family are based in New York. Si Orion lang ang nandito sa Pilipinas. Andromeda and Cassiopea are taking the New York corporate world by storm. Kaya nakakagulat na andito si Uncle Yvo ngayon.

Pumasok kami sa isang kwarto na may napakalaking round table sa gitna. The chairs around it were of different colors -- blue, red, silver, green and red. Mr. Emilio sat on the silver chair and looked at all of us like he is God and he's about to punish each and everyone of us. Pumangalumbaba pa siya.

"Hindi ko maintindihan, Simoun, bakit nandito iyang gagong iyan?" He asked him. Napatingin lang ako kay Uncle Yvo na naupo sa walang kulay na silya at saka ngumisi.

"You're treating my nephew like a crap, Ido. Alam naman natin kung bakit ka nagkakaganyan and don't you think it's time to move on?"

What the hell really happened back then? Hindi ko maintindihan pero nang muli kong tingnan si Liway ay parang alam ko na kung ano nga ba ang naganap noon.

"Gago ka no?" Sagot ni Mr. Emilio. "Gusto mong kalimutan ko iyong ginawa mong pananakit sa nag-iisa kong kapatid na babae. Ilang baldeng luha ang iniiyak ni Liway nang piliin mo si Thea? Mukhang balde ang kapatid ko but she didn't deserve what you did to her! Naging napakabait niya sa mga anak mo! Kinaibigan niya pa si Althea! She did nothing to you but you broke her heart!"

"Kuya, past is past. Magkaibigan kami ni Yvo at ni Thea. Masaya na rin ako kay Romano ngayon. Please naman. Forgive and forget."

"Bakit, Ido?" Sabad naman ni Uncle Yvo. "Wala naman ginagawa sa'yo si Oliver pero sinasaktan mo siya at ang mag-ina niya. Ninong ka ni Orion. Mataas ang pagtingin niya sa'yo. Gugustuhin mo bang tularan ka niya? Alam natin na ikaw ang paborito niyang Ninong. Gusto mo rin bang masaktan si Andeng at si Casi kapag nalaman nilang ipinagdadamot mo sa pinsan nila ang anak nito? We maybe ruthless but we have an extra ordinary family bond. Masasaktan ang mga dalaga ko kapag nalaman nilang pinahihirapan ng paborito nilang ninong ang pinsan nila. To think na ikaw ang itinuturing ng mga bata na pangalawang ama and frankly wala akong problema roon but how can you love my family so much tapos ganito ka kay Ollie?"

Gusto ko sanang sumigaw nang go Uncle Yvo! Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka mabaril na talaga ako. Hindi halos ako humihinga dahil ang intense ng usapan nila. Galit pa rin ang expression ng mukha ni Mr. Emilio. Iniirapan niya ako. Si Liway naman ay hinawakan ang kamay ng kapatid niya na para bang kinakalma niya lamang ito but he doesn't seem to appreaciate it.

"Kuya h'wag mong ipagkait kay Etang at sa magiging apo mo ang buong pamilya. You gave that to your daughter ipagkakait mo ba sa aapuhin mo? I'm sure Ollie is a good kid."

"Well that will be a surprise." Komento ni Uncle. Masama ang tinging ibinigay niya sa akib. Malamang naalala niya ang ginawa ko.

Wala namang natapos na usapan nang gabing iyon dahil nag-walk out si Mr. Emilio at iniwan kaming lahat kaya nagpasya na rin si Uncle Azul na pauwiin kami.

Kay Uncle Yvo na ako sumakay. He drove his car tapos iyong driver naman niya ang pinag-drive niya ng sasakyan ko. Sinabi ko na sa ospital niya ako ibaba.

He looked at me.

"I am not your father, Ollie but I want you to hear this. Thaddeus Emilio is a good man but he hates me for reasons that I do understand. Nandito ako dahil pinakiusapan ako ni Orion na kausapin si Ido para sa'yo pero sa oras na ulitin mo kay Rocheta ang ginawa mo noon kay Salve Sison, ako mismo ang dadampot sa'yo para dalhin kay Ido and I will watch him torture the fuck out of you. Naiintidihan mo ba ako?"

Once moreजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें