Challenge # 12

103K 4.3K 1.4K
                                    

Kapag napuno na ang salop...

Rocheta's

From: Ollie C.

Msg: I'm sorry, Rocheta Grace, I can't take you to your check – up right now. May emergency.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa text na bumungad sa akin or maiinis ako kasi pakiramdam ko tine-take for granted ako ni Oliver Consunji mula nang mabuntis ako. Apat na check – up ko na ang hindi niya ako napupuntahan – although nakikibalita siya kinaabukasan o kinagabihan ng check – up ko at isinusugal niya ang buhay niya sa pamamagitan ng pagpunta sa bahay namin nang nakabullet proof –mula ulo hanggang paa. Pati nga yata kotse niya pina-bullet proof niya dahil noong lumabas ako nang ospital, nang ihatid niya ako sa bahay, pagbaba ko ay binaril ni Tata yang side mirror ng kotse niya tapos sabi ni Tatay, nabigla lang daw siya.

Hindi ko alam kung maaawa ako kay Ollie o mayayamot ako sa Tatay ko.

Hindi na ako nag-reply sa kanya. Nakanguso lang ako habang nakaupo sa kama namin.

"Ate sila Kuya Narcing na lang daw iyong sasama sa atin sa check – up. Papatingin din daw kasi si Ate Ree. Mukhang naka-shoot si Diko sa kanya. Grabe no! Sabay-sabay tayo! Sabi nga ni Uncle Judas, magtatayo daw si Tatay ng play school sa dami ng lalabas na baby sa atin – tatlo agad. Tapos may lahing kambal si Kuya Oliver baka kambal iyan."

Natawa ako pero nakakaramdam pa rin ako ng pagkairita. Isang buwan na halos ang nakararaan matapos kong makalabas ng ospital. Wala naman gaanong nagbago. Si Tamar ay ipinadala ni Uncle KD sa Amerika, si Red naman ay hindi ko alam kung nasaan. The last thing I heard, sinugod ni Uncle KD at Uncle Axel si Lenos Demitri sa bahay nito. Hindi ko na alam kung anong nangyari after that.

I am still worried about Red. Sinusubukan niya akong tawagan pero hindi ko naman kasi sinasagot. I have to be sensitive for Oliver's feelings. Hindi man kami, pero magkakaanak kaming dalawa at kailangan kong isipin ang mararamdaman niya. Mabait naman si Oliver, sobrang honest niya – isang bagay na hindi ko alam kung ikatutuwa o ikagagalit ko. Minsan kasi nasosobrahan na siya.

Bumaba na kaming dalawa ni Aswell. May umbok na parehas ang tyan naming dalawa. Si Aswell ay tumataba. Wala kasi siyang ginawa kundi kumain – bigay hilig naman si Japet kahit na hindi siya makatuntong dito sa bahay, panay may bigay na pagkain kay Aswell sa pamamagitan ni Ate Clara o kaya man ni Mommy.

"Aalis na tayo, kuya!"

Agad na lumapit si Aswell kay Kuya Narcing. Medyo kinakausap na niya ang bunso namin ngayon hindi katulad noong nakaraan na para lang siyang bato na kahit anong sabihin ni Aseng ay hindi siya kumikibo.

"Ano, sasama daw ba iyong Oliver Gago na iyon? Dala ko kasi iyong riffle ko," Sabi naman ni Diko.

"Dondon nga!" Hinampas siya ni Ree sa braso. "Bawal ma-stress si Rocheta! Ang kulit mo. Gusto mo barilin ka ni Mama Gina?" Nakatawang sabi niya sa kapatid ko.

"Hay naku, Ganda! Hindi pa nga kasi ako nakakasapak sa ulol na iyon! Kahit man lang sapak sana."

"Kagagaling lang noong mukha noon. Diko naman." Sabi ko sa kanya. I sighed.

"Hindi ba siya sasama ngayon?" Tanong ni Kuya.

"Hindi. May emergency raw siya. Let's go."

Nauna na akong naglakad palabas ng bahay. Naririnig ko pa si Aswell.

"Kuya mag-mall naman tayo! Sige na! Magtitingin ako ng damit ng baby. Sabi ni Japet magkasama kaming bibili noon. Makikiusap daw siya kay Tatay at Mommy."

Once moreWhere stories live. Discover now