Challenge # 09

100K 3.9K 1.3K
                                    


Akala lang pala

Oliver's

The storm is getting stronger and although I wanna go back to the Metro asap, wala naman akong magawa. The roads are all closed. Kailangan kong makapunta kay Rocheta Grace. I have a bad feeling about this.

Queen Tamar and Lenos.

Red and Queen Tamar.

Rocheta, Red and Queen Tamar.

I hope she won't figure out what Red, Tamar and Lenos are up to. Kapag nalaman niya iyon saan na ako lulugar sa kanya. Wala naman aming pormal na relasyon but I like Rocheta Grace. She is something new to my life – a breath of fresh air and if she finds out that Tamar too, is cheating on Red, alam kong gagawa siya ng paraan para magkasama sila ni Red at ganoon rin ang pinsan ko.

I need to take Rocheta Grace away from Red before everything is too late.

I was inside my cabin, phasing like a fool. Hindi talaga ako mapakali kasi nga hindi ko lubusang maisip kung bakit nangyayari ang mga ito. Ang tanga naman ni Red para hindi makitang niloloko rin siya ni Tamar o baka naman alam niyang niloloko siya ni Tamar kaya malakas ang loob niyang syotain si Rocheta Grace.

Hindi ko talaga sila maintindihan.

I tried calling Rocheta Grace earlier but the phone signal is down. Wala akong ibang paraan para makausap siya so I just wished for this storm to be over as soon as possible because I fucking need to check on her!

Baka habang nandito si Tamar at si Lenos – only God knows what they're doing – maybe they're having sex and all – ay baka kung anon a rin ang ginagawa ni Red kay Rocheta. Kilala ko si Red. Pinsan ko siya at kahit hindi kinuha ni Uncle Simoun ang apelyido naming Consunji, it still remains, na Consunji si Red at pareho kaming tuso kaya dapat mas maging doble ang pagiging tuso ko kaysa sa kanya.


"Ollie!"

Naglakad ako papunta sa sala dahil narinig ko si Odysseus. Nasalubong ko siya sa living room at ganoon na lang ang pagsiklab nang init ng ulo ko nang makita ko si Red na kasunod no Odysseus.

"Putang ina mo!" I shouted. Agad kong sinapak si Red sa mukha. Pagkakataon ko nang gumanti ngayon. Wala si Rocheta Grace at walang makakakita na wala akong pakialam kahit mabasag ang mukha ni Red.

"Akala mo ba nakalimutan ko na ang pagsapak mo sa akin?!" I was hissing. Kinuwleyuhan ko si Red. Itinulak niya ako at muling sinapak. Natamaan ako sa panga. Gumanti ako ng suntok. Si Oddie ay nakatayo lang sa gilid namin at para bang nag-score kung sinong makakasuntok sa aming dalawa.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ni Red.

"Iyang nakakaputang – inang ugali mo!" Sabi ko sa kanya. "Bakit ba hindi mo tigilan si Rocheta? The way you look at her?! Akala mo ba hindi ko alam kung ano kayong dalawa!" Muli ko siyang inundayan ng sapak.

"Alam mo naman pala bakit hindi ka pa lumayo! Ikaw ang epal dito Oliver! Ikaw ang third wheel dito! Ikaw ang sampid! Ikaw lang kaya bakit hindi mo pa kami tigila?!"

"Ulol! Ikaw ang sampid hindi lang sa buhay ni Rocheta Grace kundi pati sa pamilyang ito! Sino ba sa bahay na ito ang hindi Consunji ang apelyido diba ikaw?! Tang ina mo kung makaasta ka akala mo pamilya ka talaga! Baliktarin man ang mundo, the fact will never change na hindi Consunji ang apelyido mo."

Sinapak ko si Red. Napaupo siya sa sahig pero agad siyang tumayo at mula sa likuran niya ay naglabas siya ng 22 calibre pistol. Itinutok niya sa akin iyon.

"Sige! Idamay mo si Papay sa galit mo sa akin kundi bubutasan koi yang ulo mo!" He said. Napailing lang ako at itinaas ang binti ko para makaikot. I kicked his wrist kaya nabitiwan niya ang baril na iyon.

Once moreHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin