Challenge # 15

98.9K 3.8K 649
                                    

Really Right

Rocheta's

"Hindi ko alam anak. Hindi ko nga alam na nagpunta si Oliver kagabi sa bahay. Ang Tatay mo, hinihintay ka kagabi. Hindi pumapasok sa bahay. Kung hindi pa tinawag ni Aswell, hindi uuwi."

Napahinga ako nang malalim. Dinalaw ako ni Mommy sa ospital. Nag-aalala kasi siya sa akin dahil nalaman niya kay Ave Maria na nag-spotting na naman ako pero okay naman na ako ngayon. Lalabas na nga ako ng ospital ngayon. Hinihintay ko na lang si Oliver, ang sabi niya kasi sa akin ay may aayusin lang daw siya.

"Kamusta naman po si Tatay?"

"Malungkot..." Mama smiled. "Pero matigas ang ulo noon, hindi niya ipinapakita na nalulungkot siya dahil umalis ka ng bahay. Ikaw ang first princess ng Tatay mo kaya dinibdib noon iyong pag-alis mo. I won't ask you to come home. Malaki ka na at alam kong marami kang gusting patunayan sa Tatay mo." She held my hand. "Nagpaalam sa akin si Oliver, doon daw muna kayo tityra sa farm. Pumayag, Rocheta. He promised that he will take care of you."

I smiled at Mommy again. Hinalikan niya ako sa noo tapos at niyakap nang mahigpit. Napansin kong bumukas na ang pinto. Naroon na si Oliver kasama ang Mommy niya – si Mrs. Nina Consunji.

"Hello po. Good morning." Bati ko sa kanya. Ngumiti naman ang Mommy ni Oliver sa akin.

"Kamusta ka na, Rocheta?" Nakipangitian rin siya kay Mommy.

"I'm good po. Lalabas na po kami ng ospital ngayon."

"Medyo Malaki na iyang tyan mo. Is Oliver taking care of you? He better take care of you. Kapag hindi papaluin ko siya sa pwet."

"Ma naman." Natatawang sabi ni Ollie. "Ready ka na?"

"Oo." Inalalayan niya akong bumaba ng kama. Si Mama ay kinuha ang gamit ko. Palabas na kami ng pinto nang maramdaman kong may dumadaloy na naming dugo sa akin. Humigpit ang hawak ko sa kanya.

"What's wrong?" He asked. Napatingin siya sa binti ko. "Damn!" He muttered. Kinarga niya akong muli at inilapag sa kama. Si Mama ay tinawagan agad si Tita Danelle habang ang Mama ni Oliver ay hinawakan nang mahigpit ang mga kamay ko.

"Relax, Hija. Everything is gonna be okay."

Hindi naglipat ang minuto ay dumating na si Tita Danelle. Naiiyak ako dahil for the first time, nararamdaman kong sumasakit ang puson ko. Tita Danelle told the nurse to take me to the operating room. Si Oliver ay nakasunod sa amin. Hawak niya ang kamay ko.

"Baby, please hold on..." Narinig ko si Ollie. Humawak siya nang napakahigpit sa aking kamay pero kinailangan niyang bumitaw dahil hindi siya pwedeng pumasok sa loob ng operating room.

"Tita, masakit na po..." Sabi ko.

"Don't worry. I am going to do everything."

Pinatulog ako. May ideya ako kung anong gagawin nila sa akin at sa baby pero natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ito. Inaalagaan ko naman ang sarili ko. Why is this happening to me?

I didn't know what time it was when I woke up pero si Oliver ang una kong nabungaran. Hawak niya ang kamay ko at namumugto ang mga mata niya. I bit my lower lip. When he realized that I was awake agad siyang tumayo at hinagkan ako sa noo nang paulit-ulit tapos ay pinakatitigan ako.

"The baby is fine." He smiled. "Tita Danelle had to operate on you. You had dilated cervix. I'm sorry if I couldn't do anything, Rocheta Grace." Hindi ko siya maintindihan. Okay naman na kami ng anak niya pero nalulungkot pa rin siya. "Palagi kong sinasabing aalagaan kita, pero wala naman akong magawa sa sitwasyon mo. I wish I could've done something more. Love, I'm sorry. I am very sorry."

Once moreDonde viven las historias. Descúbrelo ahora