Challenge # 16

97.3K 3.6K 876
                                    

Rocheta's

"Ma, okay naman po ako. You don't have to worry. Oliver is taking a good care of me. Kung gusto ninyo po dumalaw kayo sa akin ni Aswell bukas. Tutal weekend naman."

Kausap ko si Mama sa kabilang linya habang pinapanood ko si Oliver habang nagmamando siya sa mga tauhan niya habang nagpapapitas siya ng mangga. Masaya iyong buhay farm. Lahat ng pagkain fresh -- nakakatuwa nga kasi bumalik iyong gana kong kumain.

"Love!" Napatingin ako nang marinig ko siyang sumigaw. I saw him walking towards me. May hawak siyang isang piling ng saging habang hubad. Iyong sira - sirang pantalon lang iyong suot niya. Napalunok ako. Ilang beses ko palang nakikita iyong abs niya... ang sarap naman kasing hipuin noon.

"I have bananas! Si Mrs. Emilio ba iyan?" Tanong niya.

"Oo. Nangangamusta lang. Tapos na kayo?" I asked. Kinuha ko iyong towel at ipinamunas iyon aa pawis niya. Ang bango pa rin ni Oliver kahit na pawis na pawis na siya.

"Ang dami mo namang ani."

"Oo nga! May mangga saka duhat pa roon. Lahat iyon ibebenta sa palengke sa Batangas bukas. Iyong iba ipinatabi ko. Baka kasi gusto mo ng mangga at duhat."

Hindi naman ako kumakain ng duhat pero nginitian ko pa rin siya kasi naman habang nagsasalita siya ay nagtataas baba ang dibdib niya. Hinaplos ni Oliver ang mukha ko pagkatapos ay yumuko para kausapin ang tyan ko. Palagi niyang ginagawa iyon. Hindi pa naman nakakarinig ang baby namin ay palagi naman niyang binabasahan ng kwento iyon na para bang talagang nagbo-bonding silang dalawa.

"Tired ka na ba, anak? Gusto mo nang mag-nap? Si Mommy kasi panay matigas ang ulo. Panah nakasunod kay daddy baka daw kasi mawala ako."

Nanloloko na naman siya. Piningot ko siya sa ilong tapos ay natatawang kinurot siya sa tagiliran. Sa totoo lang, kinikilig talaga ako sa kanya. Ang gwapo ni Oliver. Mabait pa siya. He's almost perfect kaya nga hindi ko alam kung bakit ko nararanasan ang  mga ito.

Perfect na ako, perfect pa siya paano pa kaya ang magiging anak naming dalawa? Juskopo!

"Sira! Loko ka baka marinig ka ng mga tao sa labas! Akalain nila pinikot kita!" I hissed. Tumawa lang siya sa akin pagkatapos ay hinagkan ako. Napakalambing ni Oliver. Parang napapalitab na nga niya si Red sa puso ko. Hindi ako sigurado pero alam kong may nararamdaman na ako para sa kanya.

May posibilidad kaya na magmahalan kaming dalawa? Sa pagkakataong ito, gusto kong mahalin na ako sa oras na magmahal rin ako. Pagod na akong masaktan at maghintay.

"Lika na. Mananghali na tayo nang makapagpahinga ka na rin." Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok na kami sa loob mg main house. Naamoy ko na iyong pananghalian namin at nakakagutom na talaga.

Ensaladang mangga, tinapa saka pakbet ang handa ni Ollie para sa lunch namin. Mapaparami na naman ang kaib ko. Naiisip ko nga na tataba ako dahil sa mga luto niya pero naisip ko rin na hindi naman ako tabain kasi ang perfect ko talaga.

Halos hindi ako gumagalaw habang kumakain dahil sinusubuan ako ni Oliver. Kulang na lang nguyain niya ang pagkain saka isubo na lang sa akin. Nagkakatawanan pa kaming dalawa pero natigil iyon nang mag-ring ang phone ko. Nakita kong si Mama na naman iyon kaya kaagad kong sinagot.

"Yes, ma?"

"Rocheta, pumunta ka dito ngayon sa ospital. Nandito na si Red. Kararating lang nila galing Seattle. He's recovering. As his doctor kailangan nandito ka."

Hindi ako agad nakasagot. Paano na si Oliver? Hindi ako pwedeng umalis basta. Kung sasabihin ko ba sa kanya ay papayagan niya ako? Iginagalang ko ang nararamdaman niya kaya gusto kong malaman niya ang lahat sa akin. He is very honest with me. Ayoko namang magsinungaling sa kanya.

Once moreWhere stories live. Discover now