Challenge # 06

104K 4.1K 1.4K
                                    

Gulo

Rocheta's

"So, that happened again..."

Oliver was helping me dress after that one of a hell fucking session with him. Yes, fucking, hindi make love kasi hindi naman kami nagmamahalan. It was a very hot session for me. Wala naman akong reference talaga. Marami na akong nakitang penis kasi nga sa trabaho ko but when it comes to sexual intercourse, nanonood lang ako ng porn dati dahil curious talaga ako sa sex.

"Yeah. It's hot." Kinindatan niya ako. He laughed. Siya ang nag-ayos ng bra ko. Hinalikan niya pa iyong bandang dibdib ko saka niya isinuot sa akin ang panty ko. Kinuha niya pa iyong hinuban niyang t-shirt tapos ay sinuot niya sa akin iyon. Hinalikan niya ako sa pisngi. "Lika, we should really eat. Nakakagutom kasi."

Hinawakan niya pa ang kamay ko at inalalayan ako paakyat sa batuhan. Napapailing ako. Sobrang na-a-amaze lang ako sa kanya. I was just looking at his hands over mine. Wala lang. Iba pala iyong pakiramdam ng ganito.

Red and I hold hands pero sa ilalim lang ng mesa o kung walang makakakita. Ngayon, para kahit may makakita, parang okay lang naman. Dala niya ang sapatos niya tapos nakasabi sa balikat niya ang pajamas ko pati na rin iyong slippers ko.

"Akin na iyan. Ako na lang iyong magdadala." Sabi ko sa kanya. He gave me my clothes pati na rin iyong sapatos niya tapos ay bigla bigla niya akong ipinasan sa likod niya. Nagulat ako kaya nalaglag iyong sapatos niya. Yumuko pa siya para kuhanin iyon.

"Ay!" Napasigaw ako nang tumayo siya bigla. He was laughing.

"Magugulatin ka pala. Ang cute mo talaga."

"Hindi nga ako cute! Maganda ako. Super ganda. Superhot pa."

"Yeah, yeah."

Naglakas kami papunta sa main house. May sumalubong na mga maids sa amin at bunati si Oliver.

"Good morning, Sir Ollie. Handa na po iyong hapag."

"Salamat, Ate Clara. Pakilagay naman poi to sa maruming damit. Saka makibaba po kayo ng towel saka fresh shirts po."

Nang tumalikod iyong Ate Clara niya ay saka lang niya ako ibinaba. Hawak niya pa rin ang kamay ko habang papunta kami sa dining area niya. Maraming inihanda para sa almusal. May hotdog, bangus belly, fried rice, freshly sliced orange at kung anu-ano pa, pero iyong pinakagusto ko ay iyong tuyo at itlog na pula with kamatis. Iyon agad ang kinuha ko.

Oliver ate with spoon and fork habang ako naman ay kumain nang nakakamay.

"You eat with your hands?" Tanong niya. "That's something."

Tumingin ako sa kanya. "Taga Bataan iyong Lola ko kaya kapag umuuwi kami roon, kumakain kami nang nakakamay dahil sa tuyo at tinapa. Hindi daw kasi tubong Bataan kapag di marunong kumain ng nakakamay kapag tuyo ang ulam."

"My Aunt is from Bataan too. Sa Pilar."

"Kami sa Cupang lang." Paliwanag ko pa. "Itlog mo ba ito?" Nanlaki iyong mga mata ko nang maintindihan ko iyong tanong ko. "I mean dito ba galing sa farm mo?"

Napapangisi lang siya. "Oo, itlog ko nga iyan. Sarap ba?"

Kulang na lang ay lamunin ako nang lupa sa pinagsasabi niya sa akin. Hindi na lang ako nag-react at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos ako ay pinabigyan niya ako ng gatas.

"Gatas ng kalabaw iyan. Mas healthy kaysa doon sa gatas ng baka. Try it. It's delicious." And I did. Wala naman gaanong pinagkaiba ang lasa – pero masarap. Natapos na rin siyang kumain at naghihiwa naman siya ng manga. I was looking at him.

Once moreWhere stories live. Discover now