String #26 (Concert!!!)

Start from the beginning
                                        

"O baka nagpakasal na?"

Hanuuuuuudaw? Bakit napunto sa live-in at kasal? Kanina sa pagbaba lang ng kotse ah. Grabe ang wild ng imagination nyo. -___-

"Yo!" Bati ni Jelo kay Shin nung nakaupo na kami.

"Yo." - Shin.

"Great concert, Elle." Lanz sabay tawa ng malakas. Yung parang wala nang bukas.

"Na-nakita... mo?"

"Yep. Kalahati nung nasa traffic kanina, students from BA. Hahahaha, that was epic Elle." - Lanz.

"Gagawin ko ngang ringtone yung domino. Maganda pala yon eh. Hahaha." - Jelo.

"Dapat nagdala ka man lang ng totoong mic kung may balak ka palang magconcert sa gitna ng traffic. Hahahaha!" - Allison.

"Shin, bakit hindi mo naman binack-up-an 'tong si Elle? Mas maganda sana kung may konting drums pa yon. Ahahaha." - Rence.

"Then I'm sure, nasa headlines na sila!" - Gorje.

"Couple gone wild due to traffic." - Jelo.

"Nice, nice! Hahaha!" - Nagapir pa silang lima. Absent si Yuki?

"Lul. Isa pa, babangasan ko yang mga mukha nyo." - Shin. Tapos inubob na lang yung ulo nya.

"Galit na si Shin! Hahaha. Sorry na boss." - Lanz na nakasurrender pa yung dalawang kamay.

"Tss. I got weird friends." - Ako.

Buti na lang dumating na si Ma'am Nabong, teacher namin sa Home Economics class.

"Goodmorning class." - Maam.

"Goodmorning Maam Nabong." - kami.

Nagstart na sya magdiscuss. Tsssk, parenthood? Yan yung topic namin. Tinuruo ni Maam kung paano daw magtimpla ng gatas, kung paano magpalit ng diapers, and other chuvaness. Maaga pa naman para kailanganin namin yan. -____-"

Natapos na yung Home Economics, pati na rin yung Flower Arrangement (Yep, may hiwalay kaming klase para jan.), at Archery class. Sabi ko senyo pang sosyal 'tong school na 'to eh. 

Ok na sana talaga eh. Ok na lahat ng subjects ko. Rank one na sana ko. Kaso, sabi ko nga, SANA. 

May dakilang epal kasing umeeksena.

Na umaagaw sa pwesto kong rank one sa Archery, Swimming, Flower Arrangement, Cooking, Horse-back riding, at kung ano-ano pang klase.

Eh sino pa ba?

Yung kunyareng matalino, di naman. Pssssssh.

"Hoy Scythe!" 

"Stopinthenameoflove!" Napalingon naman ako kay Jelo na biglang lumabas na lang yung ulo sa pagitan namin ni Shin. 

Ang lapit masyado. Awkward. Napaatras ako ng onti.

"Pakiulit nga yung sinabi mo?" - Jelo.

"Hoy.... Scythe?" Ulit ko.

Nagkatinginan naman si Jelo at Lanz. Napatingin naman ako kay Shin na nakaub-ob lang yung ulo. Tulog yata eh.

"Hahahahaha. Si Ate Shana!" Sabay na sabi nung dalawang itlog. 

"Oy kapatid! Nagpapatawag ka na ng Scythe ngayon ah?" - Rence na nilapit yung upuan sa kumpulan namin.

"Shut up. Ts." - Shin na iniangat lang ang ulo at umubob na din ulit.

"Kapag dumating si Ate Shana, nako, magkakasundo kayong dalawa non Elle!" - Lanz.

"Kelan nga ba balik na Ate Shana, oy Shin?" - Rence.

Strings of FateWhere stories live. Discover now