"Oy. Buksan mo 'tong bubong ng kotse mo. Dali! Kundi sisirain ko 'to!"
Pero syempre joke lang yon. Ade pinatay ako ng isang 'to! Haha. Tsak para namang kaya kong sirain, diba.
Tumingin muna sya sakin na magkasalubong ang kilay. Pero binuksan din naman nya. Hehehe.
Kinuha ko muna yung brush ko sa bag para kumpleto ang peg. Pati na din yung sun glasses ko. In case na may makakilala sakin. Mahirap na! >O<
Tumayo ako mula sa upuan at sumigaw habang nakatutok yung brush sa bibig ko, "Whazzup, whazzup, people in the Philippines!!"
Tumingin sakin karamihan ng biktima sa trapik na 'to. Binigyan ko lang sila ng isang sweet smile at kumaway.
"Sht. What do you think you're doing?! Get down!" Binigyan ko lang din sya ng aking Oh so sweet smile at nagwink.
"Para sa lahat ng mga byahero jan na inis-inis sa mabagal na pag-usap ng trapik, para sa inyo 'tong kakantahin ko. Just sit back and chillax!! Lalo na dito sa boypren kong high blood!! Put your hands up in the air, people!!"
Priness ko na yung play at nagsimula nang patugtugin yung Domino by Jessie J. Of course, maximum volume yon!!
Nakisabay ako sa pagkanta ni Jessie J. Hindi na ko nahiya! Haha. Aba, maganda naman ang boses ko ah! Swerte nila, free live concert in the middle of the traffic! Only in the Philippines. HAHAHAHA.
"WOOOOOOH!" Kanta pa din ako ng kanta with matching sayaw pa. Yumbang parang nasa disco lang.
"Elle! Get down!! Ano ka ba!! Isasara ko na yang roof! At the count of three!!" Galit na yan. Elle daw eh. Hayamu sha no! Feel na feel ko pa ang pagkanta dito eh.
"Wooooh! Nice one! Hahaha!"
"Ang ganda mo Miss!"
"Oy boyfriend nya, wag ka na kasi mahighblood! Pigilan mo na lang yang girlfriend mo! Hahaha!"
Yung iba, kumakanta na din at nanunuod. Yung iba, wala namang pakielam. Hindi pa din umuusad eh. 8:25 na oh.
At natapos yung kanta. Nagsipalakpakan naman yung iba. Kasabay non ang pag-usad ng mga kotse.
"Thank you, thank you. See you at my next live concert in the middle of the traffic! Check my twitter for new updates! I love you, Philippines!"
Ang kapal ko talaga. Hahahaha! Todohan na 'to.
Umupo na ko sa upuan at humarap kay Shin.
"Ayos ba?" With thumbs up pa ng dalawang kamay. d^O^b
"Pfffft. HAHAHAHAHAHAHHAAH. You're really something."
"I'm not something. I'm not a thing, duh!"
"Then what should I say? You're really someone?"
"Uh. Sabagay, parang ang pangit naman pakinggan. Pwede na yang something mo."
"Hahaha. Next time, hinding hindi ko na bubuksan yang bubong. O kaya, bibili na lang ako ng bago. Nakakahiya yung mga pinaggagagawa mo."
"At least napatawa kita!" At dahil don, bumalik na ulit sya sa serious face nya. Bipolar talaga 'tong isang 'to. O baka naman menopause na?
Mamaya lang ay nakarating na pala kami sa school. Nagpark muna sya at sabay na kaming pumunta sa classroom.
"Nakita nyo ba yon, girls?!"
"Sabay silang bumaba ng kotse!"
"Ehmagawd! Tuluyan na talagang naagaw sakin si Papa Shin!"
"Baka live-in na yang dalawang yan."
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
String #26 (Concert!!!)
Start from the beginning
