Habang papunta kami ay palaisipan sa akin kung bakit pinatagal ni Salve nang ganoon ang lahat. Why would she want to hurt an innocent child.

"Nasa presinto na daw iyong Salve. We can go there and kill her."

"You know I don't do that." Sabi ko kay Diko. "I love life and I should preserve it."

"Para kang si Ganda." Natawa siya. Inihinto niya ang kotse sa mismong tapat ng bahay nila Oliver. Agad naman akong bumaba. Pinatuloy kami noong maid at sinabi sa aking nasa silid daw niya si Oliver. Ang akala ko ay nagpapahinga siya pero pagdating ko roon ay nakahiga siya sa kama tapos iyong tatlong pamangkin niyang babae ay nasa gilid niya at nagtatatalon. Nakilala ko agad si Eli, tapos iyong isa, si Vulcan ay natayo sa gilid. Nakalahad ang mga braso niya na para bang hinihintay niya lang na malaglag ang kung sino para sasaluhin niya.

"Ayyyy! Si Raketa! Rolliver si Raketa iyong gemplend mo!"

"Eli, girlfriend." Sabi ni Vulcan. "Hell, Tita Rocheta."

"Raketa iyong name niya!"

"Hello kids..." Oliver stood up and kissed my forehead.

"Nagpapahinga siya eh! Nipapasaya namin siya kasi sad siya kasi nagwawala iyong baby niya daw po. Naghanap na ba siya?" Eli asked in her most innocent voice.

"Eli," Sabi noong isang bata. "Nawawala. Hindi nagwawala. Baby pa si Atlas, hindi pa siya pwedeng magwala. Hello, ako ng apala si Yanna." She smiled. "And this is Luna. We're all cousins."

Huminto na ang lahat sa pagtalon maliban kay Eli na itinataas pa ang balikat tapos nagpi-peace sign. Nang muli siyang tumalon ay napaurong siya. Ang akala ko ay malalaglag siya pero sinapo siya ni Vulcan.

"Ay! Tama na iyan." Oliver said. "Muntik nang malaglag si Eli. Yanna, ikaw nang bahala. Take them to the garden naroon naman ang mga magulang ninyo. Mag-uusap kami ni Tita Rocheta." Sabi niya pa.

"Nasa garden si Pepsi saka si Hupustus eh! Magplay tayo! Nandoon si Dodytesus. Magplay tayo!"

"Ayaw namin, maliligo kami sa pool!" Sabi ni Yanna.

"Ayaw ko maligo! Nakakainis naman kayo!"

Umali sang mga bata at naiwan kaming dalawa ni Oliver. We both sat in the bed. I smiled at him. Hinawakan ko ang mukha niya dahil mukhang hanggang ngayon ay hindi siya mapakali.

"He's okay. Tita said na wala namang damage kay Baby. You should be happy..."

"This is my karma, Rocheta. Iniisip ko kung ilang beses mahihirapan ang anak ko dahil sa akin."

"Oliver, you are a good man. Walang taong perfect - well maliban sa akin because I am so perfect. Anyway, you have done great things! You are good to me at hindi ako naniniwalang karma mo ang nangyari sa anak natin. It only made us stronger together."

"I still don't think I deserve you. After all of the things I did."

I smiled. I kissed Oliver's cheek tapos ay niyakap ko siya. I want to make him feel better kaya inaya ko siyang magpunta sa precint para makausap si Salve. Hindi ko na siya hinayaang mag-drive kasama naman kasi namin si Diko kaya siya na lang ang magdadala sa amin doon. He already knows where Salve is.

Sa byahe ay hawak ko lang ang kamay niya. Alam ko at naiintindihan ko kung anong nararamdaman niya. I just hope na mapatawad niya ang sarili niya dahil sa nangyari kay Baby Atlas. He was just staring outside the window. Maybe he's thinking a lot now.

I touched his face. I wanted to tell him that I love him. I think I do love him now. Wala na si Red sa puso ko ay sigurado na ako doon at alam ko, dama ko sa mga buto ko na mahal ko si Oliver. Wala na akong ibang naiisip mahalin kundi siya. Mahal ko siya at siya na ang gusto kong makasama.

With Oliver, I felt how it's like to be the first prioritu. I realized how good it felt to be number one. Naramdaman ko kung paano pahalagahan. Hindi ako galit kay Red pero hindi ko na rin siya mahal because my heart belongs to Oliver. But I don't think that this is the right time for me to tell him how I feel. I just want him to feel that I am with him in this.

Hindi ko siya iiwanan.

We arrived at the precinct. Nakipagtanguan lang si Diko sa mga pulis tapos ay pinapasok na kami sa loob ng interrogation room. Naroon si Salve. Napatayo siya nang makita si Oliver.

"Ang kapal ng mukha mo! Dapat ikaw ang nandito dahil ikaw ang mamamatay tao!" She was hissing at us. Tiningnan niya ako na para bang nandidiri siya sa akin. "Akala mo ba mamahalin ka niyan? He's a murderer! Pinatay mo ang anak ko! Mamamatay tao ka!"

Nagulat ako nang bigla na lang lumuhod si Oliver sa harapan ni Salve. He started crying.

"I'm sorry. I'm sorry, Salve! Hindi ko na maibabalik ang nangyari noon pero sana, sana isang araw mapatawad mo ako..."

"Hindi kita mapapatawad!"

Nanlaki ang mga mata ko nang duraan niya si Oliver. Hindi na ako nakapagpigil. Nakaramdam talaga ako nang pag-iinit ng dugo.

Nilapitan ko siya at saka sinampal. Sinabunutan ko pa. Tang inang babae ito! Anong akala niya maganda siya!

"Ang pangit mo! Putang ina ka!" I hissed at her. Hindi ko siya tinigilan. "Hindi kasalanan ni Oliver kung hindi ka niya nagawang mahalin noon! Hindi kasalanan ni Oliver kung nasaktan ka dahil simula pa lang ng relasyon ninyo, alam mo na kung hanggang saan ka lang! Pinagsisihan niya ang nangyari sa anak ninyo! Kasalanan niya iyon! Hindi ko sinabing kalimutan mo pero ang saktan ang anak ko at kunin siya sa akin - sa amin ay hindi kapata-patawad! Putang ina mo! Hindi mo hawak si Oliver! Papatayin kita!"

Inginudngod ko siya sa table. Oliver was trying to pull me away but he couldn't. Sinuntok ko iyonv babae sa bunganga. Her teeth fell out. Gago siya! Putang ina niya!

Dumating ang mga pulis para pigilan ako. They had to take me for I was so mad ayoko siyang tigilan.

Nang makalabas kami ay binalingan ko si Oliver. Naglabas ako ng tissue at pinahid ko sa kanya.

Hindi dapat ginawa iyon ni Salve. Papatayin ko talaga siya - ang kapal ng mukha niya.

"Forgive yourself, Oliver. I am in love with you and I deserve you. You cannot change my mind. Mahal kita.

We locked eyes. I saw how amazed he was. I hugged him. I will love him 'till I can. I will love him forever.

I will.

And I will make him see and feel that he is important to me. Tatanggapin ko lahat tungkol sa kanya kasi mahal ko siya.

Mahal ko siya.

Once moreDonde viven las historias. Descúbrelo ahora