MCCO 1 #Recapture

Start from the beginning
                                    

But whenever, naliligaw ang tingin ko, I could see him looking at the same direction. To our direction at tanging irap lang ang nagawa ko. Kaya ito nanaman ang babaeng katabi ko, tiling tili.

"Swerte mo girl. Mukhang ikaw nanaman ang next target ni Master!" kinikilig na sabi ng kaibigan ng babae.

"I know right! Damn it! I'll give all mapansin niya lang." desperadang tugon nito.

Lihim akong napairap. Really? Masaya pa ito na siya na ang target? Wow! Hindi ako informed na masaya na pala maging target. Tsss...desperate horny girls.

Tinignan ko ang suot nilang damit sa suot ko. They're wearing a skirt and a crop top while I wore my denim jeans and a statement t-shirt, 'May The Force Be With You' and a nike cap. Not-so girly girl.

Napairap ako ng maalala ang sinabi niya sakin sa bookstore. As if namang may pakialam ako sa mga nagpapa-horny sa kaniya? Like this bitches, siguradong horny na ang lalakeng yun habang nagbabasketball. Tsss.

"Omygooood! I love you Master!!" tilian naman sa kabilang panig ng bleacher.

Na-insecure siguro ang mga bitches na katabi ko kaya mas nilakasan ang sigaw nila sa sigaw ng kabilang panig.

"I love you moreee, Master! I love you moreee!"

Master. Yan ang tawag sa kaniya ng mga gaga dito sa school na binansagan siyang
Master Casanova ng Thaguro U. Mga walang magawa sa buhay. Pati ata yung isa niyang pinsan binansagan din Master Devil. Mga pauso ng mga estudyante dito. Tsss

Ibinaling ko nalang ang atensyon sa court at tanging kay Staven lang pero lagi namang nakadikit ang lalakeng 'yun kay Staven!

He's smirking and enjoying the game while Staven's face is serious and irritated. He looked pissed off. Nakakalamang na ang medicine team kaysa sa nursing.

Hindi ko alam kung titignan ko pa si Staven, kanina pa nakadikit si Ongcuanco na parang linta. Damn, ayos lang sana but he kept on glancing at our direction.

Bagsak ang balikat ko matapos ang game. Nanalo ang medicine dahil sa last 3 shots ni Ongcuanco. Kaya ibig sabihin siya ang nagpanalo.

Nakita ko ang dismayadong mukha ni Staven kaya buong lakas akong sumigaw, "AYOS LANG 'YAN STAVEN!! WOOOH!"

Sinabayan naman ng tili ng babaeng katabi ko ang sigaw ko. "My baby won! Wohooo!" sigaw ng babae at tumingin pa sakin.

Hindi ko ito pinansin. I saw Staven looked up to me. He winked at me and smiled. Napangiti ako dahil ngumiti siya. Ayos na siguro 'yun para wag na siyang ma-badtrip ano?

Tumili muli ang babae at nagmamadaling umalis. Binungguan niya pa nga ako and when she looked back, she rolled her eyes at me. Tumaas ang kilay ko. Bwesit! Siya na nga may atraso, nagtaray pa.

Oh, well, pagbigyan, kakarmahin din 'yan. Siya pa nga ang malugod na pumunta sa magiging karma niya.

Automatic na napatingin ako kay Ongcuanco sa baba ng court. Wala na ang malaking ngisi na mayroon siya kanina. His expression became dull and his lips pouted a little.

Bumaba narin ako. Nakita ko pa kung paano dumugin ng mga babae ang mga players, nakita ko pa kung paano balewalain ni Ongcuanco ang babae.

Master Casanova (Master #1) (Completed)Where stories live. Discover now