Chapter thirteen

1K 12 1
                                    

Naghanda na ako sa lahat ng requirements para sa graduation namin. Sa wakas, gagraduate na rin ako.

"Nakaka-stress naman 'tong requirements! Ayoko nang gumraduate. I surrender!" reklamo ni Violet. Nandito kami ngayon sa school park.

Ilang araw na rin kasi kaming busy sa pag-aayos ng mga requirements. Idagdag mo pa ang final exams na ang hirap. Babasag na ata ulo ko sa kakaisip eh.

"Kumpleto na ba lahat sayo?" tanong ni Violet. Umiling lang ako. Tiningnan ko siyang tumayo at umalis. Hindi ko na siya tinawag. Pagod lang ata yun.

Kinuha ko ang kwardeno sa bag at nag-aral. May exam kami bukas at ramdam ko na mahirap ito. Pero kakayanin ko.

Kalahating oras matapos akong mag-aral. Tamang-tama dahil lunch time na. Nagligpit na ako at tumayo tsaka naglakad patungong cafeteria. Pero may hindi magandang nangyari.

"Look who's here. A bitch from hell" nilabas ni Georgette ang isang baseball bat at ginamit pang-turo para sa akin.

Nagsimula ng uminit ang ulo ko. Napayukom ako.

"Anong ginagawa mo dito, Georgette?"

"Ihahampas ko sayo ito para matauhan ka sa lahat ng ginawa mo!"

Ihahampas na sana niya sakin pero mabilis kong nahawakan ang bat at tinapon sa gilid. Nagulat siya. Pero hindi siya tumakbo para kunin ulit yun.

"Sa susunod, paghandaan niyo" tsaka ako naglakad palayo. Narinig ko pang may sinabi si Georgette.

"Harapin mo ako bukas! Papatayin kita, Kristen!"

Bigla kong naalala na bukas na pala ang laban namin. Kinabahan ako. Hindi dahil sa kanya kundi sa posibleng mangyari sa mga kaibigan ko. Kailangan ko ang tulong at suporta nila.

Sa kakaisip ko, nabangga ko si Seth. Ngumiti naman siya at niyakap ako nang napakahigpit.

Niyakap ko rin siya. Naamoy ko ang perfume sa damit niya at napangiti ako.

Tiningnan niya ako at ganun rin ako. Nagtitigan kami ilang segundo. Ang mata niyang singkit, ang mapula niyang labi at ang gwapo niyang mukha. Umiwas ako. Pakiramdam ko kasi nag-iinit ang pisngi ko.

Pinisil niya bigla ang pisngi ko. Hindi ako nagreklamo. Hinayaan ko siya. Tiningnan ko lang siya. Ang saya niya. At masaya rin ako kapag nakikita ko siyang masaya. He looks at me, smiling. At unti-unti naging seryoso ang kanyang mukha at hinawakan ang kamay ko.

"Kristen.." his voice, feeling ko namiss ko ang kanyang boses.

"I love you"

I sighed. Gusto ko muna alamin ang totoong nararamdaman ko sa kanya pero di ko alam kung paano.

Niyakap ko siya.

"Seth, kaya mo naman maghintay diba? Darating din ang oras. Tiwala lang"

Kumalas ako sa pagkakayakap tsaka ako naglakad ulit. Aalamin ko muna. Balang araw, malalaman ko rin ang nararamdaman ko..

**

Napaaga ang gising ko ngayong araw. Hindi ko kasi maiwasang hindi isipin ang tungkol sa battle. Alam na kaya nila yun?

Bumaba akong hagdan tsaka pumuntang dining room. Nandun na pala silang lahat. Ngumiti sila sakin at inaya akong kumain.

"Bagong gising" sabi ni Clyde pagka-upo ko sa silya

"Bakit nandito kayong lahat?" tanong ko

"Kailangan mo kami mamaya, Kristen"

Mamaya. Ang laban namin ni Georgette.

Campus GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon