Chapter four

1.7K 35 0
                                    

Lumipas ang tatlong araw. Lahat ay nakiramay at nagdasal. Nang ililibing na siya, umiyak ang lahat lalong-lalo na ang pamilya niya. Habang ako, hindi pa rin makapaniwala na tuluyan na talagang mawaala ang taong nakibahagi sa buhay ko.

Itinapon ko na sa kabaong ang pulang rosas na hawak-hawak ko bago tinakluban ng lupa. Nagsimula na akong umiyak. Napaluhod ako. Muli na naman akong niyakap ng mga kasamahan ko.

Hinding-hindi kita makakalimutan, Duane. Nasaktan man ako pero minahal mo pa rin ako. Ikaw pa rin ang taong nagpapasaya sakin. Rest in peace Duane Todd!

Nagdaan ang ilang araw. Bagong buhay. Bagong araw. Agad akong bumangon sa kama at nagbihis. Nakalimutan kong wala palang pasok ngayon. Bumaba na ako at bumungad sa akin ang isang pulang lobo. Hinawakan ko ang pisi at binasa ang nakapikit na papel.

CRUSH♥

Napakunot-noo ako. Huh? Crush? Sino naman ang magbibigay nito sakin? Nilinga ko ang buong paligod pero walang ibang tao kundi ako lang. Lumabas ako sa bahay at nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa malaking puno. Nilapitan ko ito. Sa isang iglap lang ay nawala siya. Hinanap ko siya pero wala. Sino kaya iyon?

"Waaaaah!" nagising na lang ako. Panaginip lang pala.

"Oh Kristen. Gising ka na pala. Heto na ang pagkain mo. By the way, You'll be going home tomorrow afternoon sabi ng doktor." sabi ni Seth Perez, member rin ng gang namin na silent-type sa grupo.

"Ah Seth, ano yung nasa likod mo?"

"Ah eto ba? May nagpapabigay daw sabi ng doktor na pumasok dito kanina. Heto oh."

Inabot niya sakin ito at kinuha ko. Laking-gulat ko na lang nang basahin ko ang nakasulat sa papel..

CRUSH

**

"Maniwala kayo sakin. Minsan lang akong seryoso kapag magkwento" pilit ko sa kanila.

Ayaw nila kasing maniwala eh! Ewan ko ba kung bakit eh, totoo naman talaga yung nasa panaginip at yung kanina. I started to pout at tumawa sila. Hindi ko sila pinansin at tumagilid na lang ako sa pagkakahiga.

"Wag ka nang magtampo, Kristen. Sige na naniniwala na kami. Pero wala ka bang ideya kung sino ang nagbigay?" tanong ni Lily.

"Wala eh. Ewan ko. Ang nasa panaginip ko lang ay may nakasandal na lalaki sa puno. Lalapitan ko sana pero bigla na lang siyang nawala sa isang iglap."

Nagkatinginan sila. Hindi kaya may ideya rin sila?

Naiba ang usapan nang may kumatok sa pinto. Pumasok ang doktor at chineck yung kalagayan ko. Sabi daw eh makakalabas na ako bukas ng tanghali. Yehey! Makakapasok na ako!

**

12:05 PM. Ensaktong nakalabas na ako ng ospital. Dumiretso na agad kami sa sasakyan pauwi ng bahay. Nang makarating kami, may napansin akong lalaki na nagtatago sa puno malapit sa bahay. Huminto ako at tiningnan ito. Lumakas ang hangin. May lumipad na papel at nahulog sa kinatatayuan ko. Pinulot ko ito at binasa.

CRUSH.

Ito na naman? Nakapagtataka.

"Kristen halika na." tawag sakin nila Cassandra at Violet

Itinago ko sa bulsa ang papel at naglakad papasok ng bahay.

Sumapit ang gabi. Nandito kami ngayon sa hapag-kainan, kumakain at nagkukuwentuhan. Hindi na ako nakisal sa kwentuhan nila dahil iniisip ko pa rin yung mysterious guy. Natauhan na lang ako nang tinapik ni Seth ang kanang balikat ko.

"Kain na. Hindi mo pa nagagalaw yung pagkain mo." ngumiti na lang ako.

Hanggang sa pagtulog, naiisip ko pa rin yung lalaki. Bakit kaya hindi ko maiwasang hindi isipin? Gaano ba ito kaimportante para alalahanin ko? Kung sino man siya, hangad kong makilala siya. Pero may kutob akong hakbang lang ito para masira yung grupo namin. Haay, sana mali ang iniisip ko! Pinikit ko na lang yung mga mata ko at natulog ng mahimbing.

Campus GangstersWhere stories live. Discover now