Chapter three

2K 37 0
                                    

Bumalik ako ng paaralan. Alam kong nandun pa sila. At tama nga ako, andun pa sila. Biglang nandilim ang aking pananaw. Parang gusto ko ng patayin ang sinumang nagtakang patayin si Duane. Sumigaw ako sa kanila.

"Georgette!", napatingin lahat sila sakin. Nandun lahat ng member ng grupo. Nakaramdam ako ng katigasan ng ulo at nagsalita ulit.

"Ano bang problema niyo?"

"We have no problem dear. Ang gusto lang namin ay maglaho na ang grupo niyo!"

Pagkasabi ni Georgette nun, bigla ko nalang tinira ang nakakabit na swiss knife sa palda ko. Nakailag siya ngunit may natamong maliit na scratch sa kanang binti niya. Napa-aray siya. Naramdaman na lang niya na may dugo na ito. Hah! Akala niya simpleng swiss knife lang yun?

Nang nakita rin ng iba niyang kasamahan ang sugat nito ay agad silang sumugod. Isa-isa silang nakikipagbakbakan at isa-isa ring natalo. Hindi na lumaban si Georgette dahil sa natamong sugat niya.

"Enough with the play Georgette. Kahit kailan ang boring mo! Kung gusto mo ng gulo, ako ang harapin mo. Wag yung iba. Ang hina mo naman." at umalis na ako.

Hindi na talaga ako magtataka kung bakit may mga taong basta-basta na lang susulong. Ang galing ko kasing lumaban. Kahit sino eh, wala pang nakakatalo.

Bumalik na ako sa bahay. Sinalubong ako ng yakap ng buong miyembro. Nagulat ako.

"Oh, bigla-bigla na lang ata?"

Walang ekspresyon sa mukha nila. Nagtaka ako. Agad kong hinanap si Duane.

"Nasaan si Duane?" ni isa walang sumagot

"Nasaan siya? Tell me!"

Lumapit sakin si Ginger at niyakap niya ako. Umiiyak siya.

"Kristen.. wala na si Duane."

Parang naglaho bigla ang paligid.

"Nagbibiro ba kayo?"

"Hindi Kristen. Totoo. Wala na siya. Hindi niya nakayanan ang sugat."

Napaluhod ako. Nakaramdam ako ng panghihina sa puso. Umiyak na ako. Hindi ko na alam ang dapat gawin. Hindi ko kinaya. Hindi ko nagawang protektahan ang isa sa mga taong dumaan sa buhay ko. Ang minahal at nagmahal sakin noon. Ang nagpapahirap sakin ng apat na taon. Wala na siya! Wala na!

Niyakap ako ng lahat. Mas lalo akong naiyak at napayakap na rin. Bakit siya pa?

"Hindi pwede. Hindi...." at nagbreakdown ako.

**

Naramdaman kong nakahiga ako sa kama. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Una kong nakita si Clyde na napangiti na may halong lungkot sa mata nito. Tatanungin ko sana siya pero napansin kong may nakakabit na dextrose sa kaliwang kamay ko.

"Anong nangyari?" nagtataka kong tanong.

Naupo si Clyde sa gilid ko at hinawakan ang kabila kong kamay.

"Nandito ka sa ospital. Nagbreakdown ka kasi habang umiiyak ka kanina."

Pagkasabi niya nun, naalala ko na lang ang mukha ni Duane. Naiyak ako. Niyakap niya na lang ako at pinaupo para kainin ang dinner meal ko. Ngayon ko lang nalaman na kanina lang pala lahat nangyari. Na nawala na lang bigla si Duane, na pati rin ako ay apektadong-apektado sa pagkamatay niya.

Nagsimula na akong kumain. Napansin kong tinititigan ako ni Clyde. Siya lang ang nagbabantay sakin ngayon.

"Uhm, Clyde. Bakit?" bigla-bigla kong tanong.

"Naisip ko lang na mahal na mahal mo talaga siya kasi ganun na ang pakikipaglaban mo kina Georgette. Nakuha mo pang maghiganti sa kanila gayong marami ng dugo ang nabawas sa katawan niya."

Napayuko ako. Tama siya. Labis na pagmamahal ang ibinigay ko sa kanya. Pero napawi ang lahat ng iyon nang nalaman kong ikinasal na siya. Sa tuwing nagfaflashback lahat sa amin, gusto kong sumigaw at magwala. Siguro, natauhan lang ako sa relasyon namin noon kaya ganito na lang ang nararamdaman ko. Alam kong mahal niya rin ako at may dahilan ang pagpapakasal niya. Sana hindi pa siya namatay. Sana nakausap ko pa siya. Sana..

Tinapos ko na ang kinain ko nang may tumawag sa phone ko. Pinakuha ko iyon kay Clyde na nakalagay sa desk malapit sa kanya. Inabot niya at sa di inaasahan ay si Brett ang tumawag. Agad kong sinagot.

"Hello?"

"Oh, hi dear! Kamusta? Onga pala, condolence. Sayang hindi mo siya naabutang buhay noh? Nakapiling mo pa sana siya kahit ikinasal na siya. Loser ka talaga!" sunod na lang ay ang malakas niyang tawa.

"Tigilan mo ang nakaka-irita mong tawa bakla ka! Don't worry hindi pa tayo tapos. Ang saya na nararamdaman niyo ay sisiguraduhin kong mapapalitan yan ng sakit at lungkot. Time will come, you'll pay everything.." saka ko ibinaba ang phone. Sarap nilang ipakain sa lupa. Hindi talaga ako titigil hangga't hindi sila nakakabayad.

"Hayan na naman yang busangot mong mukha! Ang pangit mong tingnan oh!" hirit ni Clyde.

Hindi na ako nagsalita ulit. Ilang segundo lang ay dumating ang iba kong kasamahan na may dalang prutas at iba pang pagkain. Niyakap nila ako at kinamusta. Binalitaan rin nila ako tungkol sa burol ni Duane pagkatapos ng tatlong araw.

"Hayan ka na naman Kristen! Bakit di mo na lang palitan ng masarap na ngiti?" sabi ni Lily na kumakain ng nutella na dala nila.

Ngumiti ako ng konti. Sawang-sawa na akong maalala ang pangyayaring iyon. Gusto ko sa kabilang mundong titirhan niya, sana maaalala pa niya ako. Nandito pa rin ako nagmamahal sa kanya..

"Kristen, prutas oh baka gusto mo" sabi ni Gwen Vaugh, ang mahinhin pero palaban sa grupo namin

Umiling ako. "I want a nutella" pa-cool kong sabi

"Hoy yung nutella daw" Bridget Summers, ang comedy queen ng grupo

Hinanap ni Clyde ang nutella sa cellophane na dinala. Kinuha na niya lahat ng laman dun pero wala siyang makita.

"Ehh Kristen, wala na dito eh" sabay kamot ng ulo niya

"Edi bumili ka" pagtataray ko sa kanya para bilhan ako. Pero biro lang ha. Cute niya kasi.

"Kasalanan mo 'to Lily" Clyde

Nagtawanan lahat sa sinabi niya. Umalis naman si Clyde para bumili at kami naman ay nagkwentuhan lang. I'm so lucky to have these bunch of friends sa kabila ng lahat. They're always here para sakin. Kahit na ako lang ang target ng grupo nina Georgette pero pinoprotektahan pa rin nila ako. I love them so much!

Campus GangstersWhere stories live. Discover now