Chapter nine

1K 20 0
                                    

Ilang buwan ang lumipas. Hindi ko masasabing ok na ang lahat. Pero nabawasan na ng gulo sa pagitan ng grupo namin at kina Georgette.

"Kristen! Merry Christmas", bati ni Violet

Onga pala, pasko na. Hindi ko man lang namalayan. Siguro sa sobrang pag-alala ko sa lahat ng mga mahal ko sa buhay na baka madamay sila sa kalokohan ko.

"Merry Christmas din sayo" pagbati ko.

"Oh regalo ko sayo! Sana magustuhan mo"

"Kahit ano pa yan magugustuhan ko talaga yan. Iba ka kasi eh! Salamat"

Ngumiti lang siya.

Nag-uusap lang kami ngayon sa terrace. As usual, girls talk. Habang nagsasalita si Violet, naalala ko na lang bigla si Krissy. Hindi pa rin sila nakauwi. Kamusta na kaya sila? Magpapasko na nag-iisa pa rin ako sa bahay.

Hindi ko namalayan hindi na pala ako nakikinig kay Violet.

"Ok ka lang ba? Alam mo mas maganda kung mag-tea tayo. Ano? Tara libre ko"

Agad naman kami nagpunta sa kung saan kami pupunta. Nang nakarating kami, nag-order agad si Violet ng dalawang tea at donut. Pero nagulat ako nang may kasama siyang babae pagbalik niya.

"Kristen, I want you to meet Shey my friend"

"Uhm hello Shey" sabay shake hands.

Maganda, maputi at matangkad si Shey pero pansin ko parang may pagka-maldita siya. Pansin ko lang.

"Halika, let's have fun tutal kami lang dalawa ni Kristen dito" pagyaya niya.

Tahimik lang ako habang sila'y nag-uusap. My silence broke nang narinig ko ang usapan nila.

"I'm still lonely. Hindi pa rin nawala sa aking alala ang lahat. Akala ko mangyayari na ang pinakagusto ko. Pero hindi pala. Two days before our wedding, namatay siya."

Sino?

"Uhm, sinong siya?", tanong ni Violet

"His name's Duane Todd"

After hearing, umalis ako nang walang pasabi. Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Pagkatapos nang lahat ng narinig ko, siya lang pala ang babaeng ikakasal. Kaibigan pa ng kaibigan ko. Bakit ba ang liit ng mundo? Kung sana sinabi niya agad kung sino, hindi sana ako galit sa kanya.

I went to the rest room. Humarap ako sa salamin. Nakikita ko sa mga mata ko na mahal ko pa rin siya.

Sana hindi na lang tayo nagkakilala kung ganito man ang mararamdaman ko.

Humarap ulit ako sa salamin. I wiped away my tears at lumabas. Unexpectedly, nabangga ako sa isang lalaki.

"Ouch!"

"Sorry"

As I looked up to see who it was, nagulat ako.

"Ikaw na naman?", sabay naming sabi

Tinadhana ba talaga kami?

Iniwasan ko siya. Dali-dali akong tumalikod at napahinto nang hawakan niya ang braso ko.

"Wait"

Nakatitig kami sa isa't isa. Nakikita ko sa mga mata niya na may sasabihin siyang.. hindi ko alam kung matino ba o hindi.

"What?"

"Uhm, Kristen, I–"

Hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin. Natulala ako. Hindi ko alam ang gagawin.

Campus GangstersWhere stories live. Discover now