Chapter eight

1.2K 27 0
                                    

Maaga akong nagising. Bumangon agad ako para kumain ng almusal at makapaghanda para sa klase. Bumaba na ako. Nakita ko ang isang bouquet of flowers sa mesa. Sino naman magbigay sakin nito? Nagtataka man ako at tiningnan ang papel na nakadikit.

From: Craig
Happy birthday!

Paano niya nalaman yung birthday ko? Stalker siguro. And speaking of that, birthday ko nga pala ngayon. Bakit hindi ko naalala?

Kinuha ko na lang ang bouquet at nilapag sa mesa sa sala. Kahit naman papano binigyan ko ng kahalagahan ang ibinigay niya kahit di kami close at wala akong balak na maging close sa kanya! Kalaban ko siya at hindi ko hahayaan na masira kami dahil lang diyan. Kahit pa man totoo ang hinala ko, hindi pa rin ako magpapadala.

Nagsimula na akong kumain ng oatmeal na inhanda ko at pagkatapos nun ay naligo at nagbihis. Hindi pa rin nakakabalik sina Kai. Ano na kaya ang nangyayari sa kanila? Matawagan ko nga.

Krissy: Oh sis? Napatawag ka? Happy birthday nga pala sa atin

"Salamat ate"

Krissy: Walang problema. Namiss kita

"Ako rin ate. Ikamusta mo na lang ako kina mama at papa. Umuwi na rin kayo para naman hindi ako mabagot dito sa bahay."

Krissy: Sige. Ingat ka diyan! Bye!

"Kayo din. Bye!"

**

Nakarating na rin ako sa paaralan. Tumungo na agad ako sa special class ko. Baka naman makita ko sina Georgette, ayoko pa naman ng away. Birthday ko eh kaya araw ko ito at bawal ang inisin ako.

"Kristen!"

Lumingon ako at nakita ko si Clyde.

"Oh bakit?"

"May ibibigay nga pala ako sa iyo."

"Grabi ang dami mo ng binigay sakin. Sobra-sobra na ata"

"Hindi ok lang. Ito oh"

Binigay niya sa akin ang isang maliit na box. Binuksan ko ito at laking tuwa ko dahil isang name pendant ito.

"Thank you talaga Clyde! Ba't ang bait-bait mo sakin? Thank you talaga!"

Niyakap ko siya na ikinabigla niya.

Pagkatapos nun, pumasok na ako ng room. As usual, nagbabasa pa rin. Ilang minuto lang, dumating si Georgette na nagpasimula ng ingay. Tumabi siya sakin. Problema niya?

"Hi Kristen"

"Hi mo mukha mo! Stay away from me. Araw ko ngayon kaya wag mo kong guluhin."

"Wow! Happy birthday nga pala. Heto gift mo oh"

"Kahit bigyan mo pa ako ng regalo. Hindi ko rin tatanggapin. So just stay away from me"

"Yeah right. Stay away from her Georgette. Wag muna tayo manggulo"

Anong ginagawa niya dito?

"What are you doing here, Craig?"

"Craig don't tell me tuluyan ka ng lumayo sa amin" Georgette

Tiningnan lang ako ni Craig at umalis sabay hatak kay Georgette. Ano kaya ang sinasabi ni Georgette na tuluyan na siyang lumayo? That must be something.

Natapos na rin ang klase namin kaya naglakad-lakad na lang ako sa hallway. Miss ko na si Krissy. Hindi ko maiwasang malungkot. Paano ba naman kasi, siya ang mas inaasahan nina Mom at Dad sa business kasi may ugaling business-minded siya. Samantalang ako, eh puro kalokohan. Kaya naman diba bumuo ako ng grupo at naging basugalera ako. Pero kahit ganito ako, hindi niya ako hinayaan na mapahamak, Wala man siya ngayon, ramdam niya rin na ok lang ako.

Hindi ko namalayan na umabot na pala ako sa dulo ng hallway. May napansin akong room na may mga balloons at naka-set yung mga chairs. Pumasok ako. Madilim medyo dahil walang ilaw at natakpan ng mga tela ang mga bintana. Nang tuluyan na akong nakapasok, bigla naman nagka-ilaw at nagulat ako sa putok at may nahuhulog na confettes.

"HAPPY BIRTHDAY!" Sigaw ng mga kasamahan ko.

"Salamat" at niyakap ko sila.

Matapos ang eksena, kumain na kami at inabot sa akin ang cake na binili nila. Sinindihan nila ang kandila at sabay wish. Nagkantahan ulit sila ng happy birthday song at nagsaya. Hindi ko talaga inaasahan ito lahat. Simpleng sorpresa lang naman pero lubos akong nasiyahan. Parang ito na yung best gift na natanggap ko bukod dun kay Clyde. Hindi ko akalain na maging masaya rin ako sa kabila ng lahat. At alam ko rin na masaya si Kai.

Lumipas ang ilang araw matapos ang kaarawan ko. Bumalik na kami sa dating naming ginagawa. Pero pansin ko lang. Bakit hindi na nakikipag-away ang grupo nila Georgette? Himala ata! Baka tinamaan ng kidlat at naging anghel. Naku, imposible ata ang sinasabi ko. Kasi naman simula noon pa bago kami nag-aaway eh, mala-demonyo na yung ugali niya pati nga hitsura eh. Di na talaga ako magtataka.

Maaga kaming pumasok. Syempre ako ang dahilan. Ayaw rin naman nila na ako lang ang maaga pumasok. Baka daw pagdating nila wala na akong buhay. Kaya no choice at kailangan nilang bumangon ng maaga.

"Ah sige guys una na ako sa room ko ah? Ingat kayo"

"Ikaw rin bruha baka ano na naman mangyari sayo" Cassandra, sabay yakap sakin.

Yumakap na rin ang iba at tumungo na ako. Pagkarating ko, medyo marami-rami na. Nandun na rin si Georgette. Tiningnan niya ako nang masama at inirapan ko lang siya. Paki ko ba? Kung may problema siya, humarap siya sa salamin kasi sarili lang naman ang problema sa kanya!

Umupo na ako at as usual, naghihintay lang sa prof namin. Nakakainis nga minsan kasi late na dumating yung prof namin tapos sandamakmak pa ng pinapagawa samin. Sarap rin makipag-away eh! Parang gusto ko nang suntukin minsan yung prof namin. Nabebwesit talaga ako!

Ilang minuto lang dumating na rin. Haay, matutulog ako ngayon. Tingin niyo gagawin ko? Syempre hindi! Ako matutulog sa klase? Naku ayoko matulad kay Georgette na nangongopya para makasagot.

Natawa na lang ako.

**

Natapos na rin yung klase namin. Parang two hours lang. Hindi ko na kasi nakayanan. Nakatulog talaga ako pero ayos rin naman! Walang quiz tapos puro discussion lang ang naganap. Tapos bukas, walang klase. Basta malalaman niyo lang bukas!

Nakita ko sina Georgette sa di kalayuan. Parang may pinaplano na naman sila. Napansin ko ring nakatitig si Craig sakin. Naku! Pasensya pero hindi talaga mahulog yung loob ko sayo! Kahit anong gawin niya, hinding-hindi talaga! Nagulat ako nang tumingin sakin si Georgette. Umiwas ako at naglakad. Sabi ko nga, ayoko muna nang gulo. Hanggat hindi pa nakakauwi sina Kai, hindi muna ako makikipag-away. Kamusta na kaya sila?

Patuloy lang ako sa paglalakad. Narinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"Kristen!"

Lumingon ako. Si Craig.

"Bakit?"

Lumapit siya sakin at may inabot na chocolate. Nagulat ako. Gusto ko sanang tanggapin pero baka isa na naman itong patibong.

"Alam mo–"

"It's not what you think. I'm not here to kill your brain"

Wala na akong magawa. Hindi ko na pipiliting tumanggi dahil nilagay niya sa kamay ko.

"Thank you" mahinang sabi ko.

Ngumiti lang siya. At agad ring umalis.

Pansin niyo? Mabait siya sakin. Alam naman niya na bawal ang traydor sa grupo. Pero ano ginagawa niya? Hindi ba siya natatakot? Paano kung plano lang 'to nila?

Campus GangstersWhere stories live. Discover now