Chapter ten

1.2K 16 0
                                    

Mahal niya ako? Teka, bakit niya ako mahal? Biglaan naman ang lahat. Hindi ko nga naramdaman na may gusto siya sa akin tapos sasabihin niya sakin na mahal niya ako?

"I'm sorry kung nabigla ka" Seth

"Ahm, sorry. Pwede pag-usapan natin 'to next time?"

Tumango siya. Umalis agad ako. Pumasok ako nang bahay at tumungo sa kitchen. Kumuha ako ng tubig at saka ininom ito. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Seth.

'Tama ba na may magmahal sayo ng isang taong kakampi at kaibigan mo simula noon?' sabi ng utak ko.

Napaisip ako bigla. Tama ba? Kung sakaling magkagusto ako sa kanya, magiging masaya ba ako sa lovelife ko? Paano kung masisira lang 'to dahil may iba ring nagmamahal sakin? Malabo naman siguro noh? Walang ibang magkakagusto sakin maliban na lang kung matagal na. Haay, bakit ko ba 'to inisip?

Nagulat ako nang biglang may nagsalita mula sa likod ko.

"Ano bang iniisip mo?", tanong ni Clyde

"Ahm, wala" pagsisinungaling ko

Napakunot-noo si Clyde. Alam kong alam niya na may iniisip ako. Hindi ko naman maiwasang hindi magpanic. Ayokong ibahagi ang iniisip ko ngayon lalo na si Aque ang taong ito.

"Alam kong meron. Don't be selfish. I know you when you have.."

Tumango ako. Umikot siya mula sa likod at umupo sa harap ko.

"So tell me"

Sasabihin ko ba?

"Eh kasi, sinabi sakin ni Seth na may nararamdaman siya sakin"

"Si Seth?"

"A-akala ko a-alam niyo??"

"Itong si Seth talaga. Kahit hindi niya sabihin, alam na rin namin. Halata naman eh. Naalala mo pa ba nung sa celebration ng pagkapanalo mo? Siya ang may ideya nun"

Talaga? Grabi nga naman. Bakit di ko yun nalaman?

"Ah ganun ba? Bakit di niyo sinabi sakin?"

Nagkibit-balikat lang si Clyde. Siguro sekreto lang talaga 'to.

"Sige matulog ka na. Tapos na yung celebration. Kailangan mo pang tumaas oh?"

Binatukan ko siya.

"Ouch! Sakit nun ha"

"Nakakainis ka eh"

Tapos nagtawanan kami. Tumungo na ako sa kwarto. Tulog na pala sila. Ang tahimik na kasi. Hindi ko pa naman naenjoy yung celebration.

Humiga ako. Ang sarap nga naman ng bagong taon ko. Kung may nagmamahal, sigurado akong matutunan ko ring magmahal..

**

After three days, balik-klase na. Sobrang nag enjoy ako kahit maraming nangyari sa mga nakalipas na araw.

"Kristen, bilisan mo na. Malapit na yung oras oh??", sigaw ni Lily sa baba

Wala pang 45mins, tapos na akong maligo at magbihis. 15mins left bago yung oras. Hindi na ako kakain. Bahala na 'to!

Pumunta na kami ng paaralan. Buti na lang at nahabol pa namin ang flag ceremony. Nakakainis, bakit may ganito pa??

Tumungo agad kami ng quadrangle at naghanap ng mauupo. Nakita ko ang grupo nina Georgette. As usual, naghari-harian at daig pa ang presidente ng Pilipinas kung makapag-utos ng iba.

"Easy. Wag mo na lang silang tingnan", sabi ni Clyde

"Bagong taon na ah? Di ba sila magbabago? Baka gusto nila ng ramble ngayon? Bibigyan ko talaga sila!"

Campus GangstersWhere stories live. Discover now