Chapter six

1.5K 29 0
                                    

Maaga akong gumising para makapaghanda at makapagreview ulit. Agad na rin akong umalis pagkatapos at nagdasal sa diyos na sana gabayan niya ako. Hindi ko nga alam kung kinakabahan ba ako o sadyang feeling ko lang na laro lang ang lahat. Pagkarating ko sa paaralan, nakita ko si Professor Lee.

"Professor!" tawag ko.

"Oh Kristen! Come. Tulungan mo muna akong dalhin ang mga ito. The contest will start at 8 and we have to review again." sabi niya habang kinukuha ang mga librong nakapatong sa mesa.

"Ah sir, yan ba lahat ang pag-aaralan ko?" sabi ko.

Sana naman hindi! Pwede naman siguro mag-cheat na lang noh? Hindi. Bawal yun.

Hindi na siya sumagot. Agad niyang ibinigay sa akin ang lahat ng iyon at ngumiti ng nakakaloko. May balak ba si Professor na patayin ako sa sobrang dami ng pag-aaralan ko?? Haay.

**

Dumaan ang ilang araw. Matapos ang event, hindi na ako nagtaka. Talagang matalino nga ako dahil ako ang nanalo. Mahangin na ba? Oo. Nandito kasi ako ngayon sa rooftop namin. Wala kasing pasok dahil sembreak na. Ang boring. Hindi ko makakasama sa ngayon ang mga kaibigan ko. I need to rest. Ayoko munang may manggugulo sa buhay ko. I need to feel peace in myself.

Biglang nagvibrate yung phone ko. Agad kong kinuha sa bulsa ng short ko at tiningnan.

From: Seth
Hi Ken! Kamusta? Nandito kami ngayon sa greenwich. Come! Miss ka na namin.

Nakakaiyak noh? Gusto ko talagang pumunta pero hindi pwede. Kailangan ko munang mag-ingat.

To: Seth
Ok lang ako. Ingat kayo jan!

Pagkatapos, binalik ko na ito sa bulsa. Bigla na lang ako napatigil. Naalala ko kasi yung panaginip. Yung lalaking nasa panaginip ko. Wala ba siyang balak magpakilala? O baka naman patibong lang ito nila Georgette?

Papasok na sana ako nang may nakita akong papel sa sahig malapit sakin. Hindi ko man lang napansin kanina.

Kinuha ko ito at binasa.

CRUSH.

Sino ka ba talaga?

**

Nagsama kami ngayon ni Clyde. Nandito kami ngayon sa sala. Bumisita kasi siya dahil may ibibigay siya. Ang sweet noh? Hindi ko man lang namalayan noon na ganito pala siya. Napaka-silent kasi niya noong nasa second year pa kami. Pero as years passed by, unti-unti siyang nagbabago. Marunong ng makisama most especially guys. Minsan nga, nagjoke pa siya sa klase.

"Wow! These are awesome! Saan mo naman ito kinuha?" pagbibiro ko.

"Hoy di ko yan kinuha. Binili ko talaga yan para sayo." Clyde

"Eh, magkano ba 'to?"

"Wag mo na alamin!"

Tumawa lang siya.

Nagkatuwaan lang kami. Sa tapat ng bintana, may nakita akong tao na sumisilip. Tiningnan ko ito pero unti-unti siyang lumalayo. Hinawakan ko ang kamay ni Clyde na ikinatataka niya.

"Bakit?" tanong niya.

"Uhm, anong oras ka uuwi?"

"Ah.. Siguro bukas na lang. Eh diba wala kang kasama ngayon dahil nag-out of town yung parents mo at si Krissy?"

"Oo. Ah sige magluluto muna ako ng merienda natin."

Hindi ko na sinabi sa kanya ang problema. Baka naman mag-alala na naman yun at tatawagin yung ibang kasama namin. Ayoko muna ng gulo.

Kaya tumayo na ako at naglakad patungong kitchen. Niluto ko lahat ng fries na binili nila mama noong nakaraang araw. Pagkatapos, kumain kami at nagkwentuhan. Lumipas ang gabi. Kumain kami ng masasarap na pagkain na binili niya dahil tinatamad kaming magluto. Pagsapit ng alas diyes, natulog na ako.

Clyde's POV

Natutulog na si Kristen. Pero heto pa rin ako nagbabantay sa kanya. Hindi ako mapakali sa nangyari kanina. Bigla na lang niya hinawakan ang kamay ko at may tinitingnan sa bintana. Nagtataka man ako but I tried to be calm. Ayokong may mangyayari sa kanya. Ayokong mag-alala. Ayokong magkasakit siya. Ayoko! Gusto kong protektahan siya dahil..

Mahalaga siya sakin.

Kristen's POV

Nagising na lang ako nang may narinig akong ingay sa labas ng kwarto. Nasaan nga ba si Ben? Hinanap ko agad yung phone ko. Three messages from Lily.

1st message:
Anjan ka ba sa bahay?

2nd message:
Natanggap mo ba yung first message ko?

3rd message:
Tulog ka pa?

Natawa ako! Nakakaloka talaga itong si Lily. Hindi ko na nireplyan yung mga text niya. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sina Seth, Cassandra at Violet. Sila pala yung maingay kanina.

"Kristen! Buti gising ka na"

"Eh kasi ang ingay-ingay niyo! Gusto ko pa ngang matulog eh." ako

"Wag na! Mag-enjoy na lang tayo ngayon. Halika, kain tayo." yaya ni Seth. Kahit kailan talaga, napakabait ng lalaking 'to.

Umupo na ako sa tabi ni Violet. Maraming pagkain ang nasa mesa at kailangan kong magpakabusog.

Kumuha ako ng two slice of ham and cheese pizza, isang cupcake, apple at fresh milk.

Tahimik kaming kumakain. Wala ni isa ang nagsalita. Eh masarap yung kinakain namin eh! Bigla na lang may bumagsak sa bubong. Napasigaw kaming lahat. Kinakabahan ako. Ano kaya iyon?

"Fuck"

Agad kaming naghanda sa mangyayari. Pero hindi pa rin ako mapakali. Lumabas si Clyde. Sumunod na rin si Seth. Kaming mga babae, nandun lang sa loob.

"Ano ba nakita niyo?" tanong ni Cassandra

Agad akong lumabas. Hindi na kasi sila sumagot. Lumakas lalo ang tibok ng puso ko. Pagkalabas ko..

Isang malaking sanga?

Campus Gangstersحيث تعيش القصص. اكتشف الآن