Chapter twelve

895 12 0
                                    

Nasa kwarto ako ngayon, nanunuod ng tv. Wala kasi si Krissy tapos ang iba kong kasamahan busy. Palipat-lipat ako ng channel dahil hindi ko gusto ang mga palabas. Puro love movies, wala namang saysay sa buhay ko ang mga yan! Ilang oras din ko yun ginagawa hanggang sa nakatulog ako.

Craig's POV

Flashback

Nandito ako sa loob ng classroom ng special class. Wala kasing tao dahil Huwebes. Gusto ko lang tumambay at mapag-isa. Gusto kong matulog at mag-isip ng kahit ano. Nang biglang may bumukas ng pinto at nagdulot ng gulat ko.

Nakita ko ang imahe ng babaeng pinapangarap ko. Si Kristen.

"Kristen"

Lumapit siya sakin saka may inabot na papel?

"Para sayo" sabi niya

Binuksan ko ito.

6pm Wednesday. Central Park

Yan ang nakasulat. Magtatanong pa sana ako pero umalis na siya. Ano na naman 'to? Napaka-weird na babae.

Seth's POV

Nasa loob ako ng opisina ni Dad. Since malapit na ang Valentines' day, kailangan hindi na ako magiging busy. Kailangang matuloy ang plano kong makikipag-date kay Kristen.

"Seth, are you still listening?"

Si Dad, nagdidiscuss ng kung ano-ano sakin. Gusto niya kasi ako ang susunod na mamahala sa kompanya niya which is ayoko. Takot akong mamahala sa isang sikat na kompanya.

"Ok, you may now go. Two weeks"

Two weeks?

"Two weeks what dad?"

"Hindi ka papasok ng paaralan at tutulungan mo ako dito"

"Pero dad.."

"Mawawala lahat ng credit cards mo at pipilitin kitang mag-aral sa Australia"

Wala na akong magawa at tumango. "Fine. I gotta go"

Lumabas na ako ng opisina. Tinawagan ko si Kristen pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Puntahan ko na lang kaya siya?

Nagmadali akong lumabas ng kompanya at nagmaneho. Nang nakarating na ako, agad akong nagdoor bell. Ilang sandali lang, may nagbukas.

"Si Kristen ba hinanahap mo?"

"Nasaan siya?"

"Nasa kwarto niya natutulog"

Pinapasok ako ng maid nila. Umupo ako sa couch at binigyan ng merienda.

"Kumain ka muna. Gigisingin ko lang si Mam Kristen"

"Sige maghihintay ako"

Habang naghihintay, naisip ko ang planong date. Itutuloy ko ba? Parang may kahihiyan ang naramdaman ko ngayon. Ano ba 'to, bakit ngayon pa ako mahihiya?

Nakabalik na si Yaya Perla kasama si Kristen.

"Hi Seth! Napadalaw ka?" sabay ngiti. Umupo rin siya sa tabi ko at kumuha ng brownies.

"Ah.. Naisipan ko lang. Saan ba kapatid mo?"

Bago niya sinagot ang tanong ko, inubos muna niya ang nilamong brownies. Favorite niya ata 'to.

"Busy. Bakit?"

"Natanong lang. Busy ka ba next week?"

Napaisip siya bigla. Sana naman hindi para matuloy na.

"Uhm, hindi." tapos kumuha na naman siya ng brownies at nilamon. Ganyan ba siya katakaw sa brownies?

Hindi ko napansing nakatitig na pala ako sa kanya. Umiwas ako at uminom ng juice.

Campus GangstersWhere stories live. Discover now