/// Ch1.3 - What's Your Name Again Handsome?

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakita ko 'rin na tumayo sya at... at... t-teka!!!

Bakit papunta 'sya sa direksyon ko??

Napatingin ako sa kanya at nang magtama ang mata namin, TAKE NOTE: NANGLALAKI MATA KO, ngumiti 'sya ng tipid pero nakaka-akit.

Aissshhhht!!!

T-tek-teka!! Lumingon ako sa likod ko.... pero nasa dulo nga pala ako kaya naman nasapo ko ang noo ko. Ang tulig!! Hindi naman ako mukang nagpa-panic 'no?

Nag-angat ako ng ulo at nakita ko na sya na dalawang hakbang na lang siguro ay nasa table ko na.

At eto na nga 'sya. "May I join you?" napatangon na lang ako ng isa at ngumiti ng parang bothered.

"Why you look so bothered?"

Ayan na nga po. Tsk~! P-ero t-teka!! Bakit kinakausap 'nya ata ako ngayon? At 'sya pa 'yung na-uuna na kumausap sa 'kin ha?

"H-huh? It's my driver."

Magagamit ko ata ang english skills ko sa tao na 'to, kanina 'nya pa ako ini-english. Pansin ko lang! Kanina 'nya pa ako sobrang kinakausap sa english, siguro dayuhan 'to?

"What's about your driver?"

Kitams? English-ero.

"He can't make it today. He's wife is in the hospital. That's why I need to go home alone."

Sinasabi ko sa kanya 'yung habang nilalaro ang mga kamay ko. TAKE NOTE: NAKA-POUT PA AKO sa pag-aalala na uuwi ako mag-isa. Err---

"Would you mind?"

Tinaas 'nya 'yung susi 'nya.

"Iha-ihahatid mo ko?"

Napatagalog ako sa gulat. Tsk!! Pero sya tumawa lang! Err---

"Kung ayos lang?"

Doble yamot ko. Nagtatagalog naman pala! Hindi pa kanina ginawa? Nakeee.

"Aww. Thanks~! Pero baka nakaka-istorbo, tsaka hindi mo naman ako kilala."

Totoo naman, 'd ba?

"Sayang naman kasi... ang isang kasing ganda mo, magbabyahe mag-isa pauwi?"

"Ma'am, here's your order. Our specialty for today~! Fate Watta Combo, enjoy your dessert ma'am."

May halong pagka-sarcastic ang tono 'nya. 'yung maid naman, parang may pagka-flirt 'yung tono. Nakatingin ko 'dun sa lalake pero nabaling 'yung tingin ko 'dun sa maid. Aishhht~! Nagpapa-cute. Sipain ko 'sya ehh~! Ayoko ng may nag-iinarte sa harapan ko!!

Napatingin ulit ako dun sa lalake...

Say what????

"Hmmpppft!!!"

Narinig ko na nagtampo effect 'yung maid at umalis. Makalayo 'nung maid, tinignan ko 'yung lalake.

"I-inirapan mo??"

Tumingin 'sya 'dun sa order ko.

"My threat. Eat it up and I'll drive you home."

Hindi 'nya sinagot 'yung tanong ko. Tsk. Pero bakit 'nya inirapan 'yun maid? Dahil ba pine-flirt 'sya? Pshh... bading ata 'to ehh??

"O-ok. Thanks."

Ayun na lang ang nasabi ko at kinain na 'yung order ko. Actually, masarap 'sya. Ang ganda rin 'nung presentation. Nakaka-engganyo 'sya kainin. Pero hindi 'kung may nakatitig sayo.

"Ummm... yes??"

Natanong ko sa kanya, nakaka-ilang eeh. Kumakain 'yung tao, tititigan? Tititigan? Psh.

Umiling lang sya habang seryoso 'yung aura 'nya. Ang weird 'nung guy. Tsk. Baka kidnapper 'to ha??

Paano na lang 'kung kidnaper nga 'to? Hldapper? Pusher? Drug addict? Ang liit pa naman ng mata 'nya. Aishhht. I'm on da--

"wag po naman ako pag-isipan ng masama. Hindi kita sasaktan. I just find you attractive."

Feeling ko nag-blush ako. Psh~! I just find you attractive... nakakainis!! Ang gwapo mo pa naman. Tsk!! Baka masayang ang pag kausap ko kay Lady Alexie. Tsk!!!

"Ahhh... ummm... can we just-- ahm, go??"

Naiilang na kasi talaga ako. Kinuha ko 'yung purse ko at umaalis na. Kumuha naman 'sya ng pera sa wallet at inipin sa bowl na pinagkainan ko. Ayoko na po talaga, super. Sana nga ihatid 'nya na lang ako ng safe sa bahay at makatakas na sa kanya.

"Wait up. You don't know where my car is."

Napatigil naman ako. Onga 'no? Baliw din ako mag-walkoout ehh, 'no? Palpak. Psh.

"Let's go?"

Hinawakan 'nya pa 'yung braso ko. Ang galing. Close kami? TAKE NOTE OF THE SARCASM.

Well, hinila 'nya ako sa isang Ferrari F430 ng mabilis pero banayad.

"Yours? Cool."

Amazed ako eeh. Cool naman talaga.

"Yeah."

Sa byahe, ang tahimik. Balik nanaman 'sya sa old self 'nya before mangyari 'yung kotse-ko-ba-to incident. Pero nang naglaon, nasa highway na kami, nagsalita 'sya.

"Can you tell me where specifically I'm driving you?"

Napakamot ako ng braso. Yayks!!!

"Aww. Oo nga pala!! I'm sorry... at ***** subdivision. If you're famil--"

Hindi 'nya na ako pinatapos.

"Ok, I know the place."

Tapos nag-left turn 'sya, where exactly our subdivision is located.

Malapit na kami sa bahay pero hindi pa 'rin kami nagkikibuan.

I repeat. Exacttly my opposite. Pero nagtaka 'rin ako sa sarili ko.

Ako ba 'to? Bakit nga ba nahawa ako sa kanya? Bakit ang tahimik ko rin?

Malapit na talaga kami kaya naman itinuro ko sa kanya 'yung eksaktong bahay namin.

"dun sa white and purple house na lang."

Tumigil naman 'sya sa tapat. Nakababa na ako at nagte-thank you sa kanya kaya lang may naisip ako.

>_______________<

Ano kasi sabe na inihatid 'nya na ako, hindi ko pa alam ang pangalan 'nya??

"What's your name again, handsome?"

First time ko nakita na lumaki mata 'nya. Errr--- nagulat din naman ako sa tanong ko 'no~! Tsk. Pero imbis na sumagot 'sya, may inibot 'sya sa 'kin.

"Read and afterward call me, beautiful."

Namumula ata ako. Kindatan ba naman ako at humarurot na?? Tsk.

Ch1.3 is up. Unknown ulit ang next UD.

Thanks sa nagbabasa nito, mapa-silent 'man o hinde.

Thanks again!! <3

Lady Match Maker [ʜɪаτυѕ ♕ ɢ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon