Chapter 84 - Mother

29.5K 855 36
                                    

Weeks passed and we are back to normal. Bumalik kami sa university though alam ko na busy pa rin si Sir Rusty at Silawin para hanapin si Arvind.


"Gusto mo ba talaga madeactivate ang Curse of Darkness?" tanong ko kay Sage habang pauwi na kami at naglalakad papunta sa parking lot.

"Oo naman. I think this is the only way to defeat Arvind."

"Pero Sage, technically hindi ka na din vampire kasi wala ka ng blood lust di ba?"

"I am still a vampire kasi immortal pa din ako. The curse made me slower and weaker compare noong time na Alagad ako ni Bathala. Kung mawawala ang curse sa akin, it will make me stronger and we have a chance with this warlock."

"Pero magiging tao ka ulit? You can die anytime."

"Rei, tao naman talaga ko noon. And besides, I want you to be human again. Hindi ko lang alam kung paano tayo makakahanap ng White Witch para gawin ang ritual."

"To lift the Curse of Darkness, we need the White Diamond Medallion and a Punong Babaylan or White Witch. What if subukan ko gawin ang ritual gamit ang White Medallion at Blue Aquamarine Medallion ni Lola Helda? I can also borrow the Yellow Sapphire Medallion sa headquarters kung papayag ang The Medium."

"As you can still harness the elementals, we can try that. Ano pa kailangan mo?"

"Ikaw Sage."

"Anong ako?"

"I mean sayo binigay ni Miraya ang sumpa, sayo ko gagawin ang ritual para mawala ang sumpa. According sa notes ni Magawen at sa mga sinulat ni Andreya, dapat gawin to sa lugar kung saan nagsimula ang sumpa."

"That's kinda tricky Rei. Ang lugar kung saan pinatay ni Miraya ang sampung pinuno ay isang executive subdivision na ngayon sa Baguio City."

"Sage, Matthias is fucking rich. Kaya niyang bumili ng bahay sa subdivision na yun para gawin natin ang ritual. Kung papayag ka, as soon as ma-obtain natin ang medallions, we can start the ritual."

"There is something else..." mahina niyang sabi pagdating namin sa tapat ng kotse niya.

"Huh? Ano yun?"

"Once you lifted the curse, magiging tao na ulit ako at babalik ang kapangyarihan ko bilang isang Alagad ni Bathala," sabi ni Sage sabay yakap sa bewang ko. Hinayaan ko na lang siya kasi may times naman talaga na sweet siya sa akin.

"Di ba gusto mo yun?"

"And since tao na ko, hindi na ko immortal. I will grow old and die eventually, so I need an heir, ang susunod na magiging Alagad ni Bathala."

"Eh ano naman sa akin yun?"

"I want you to be the mother of my children..."

"Haaaaaah? Ako?"

"Ay hinde, yung kotse! Malamang ikaw. You are my girlfriend. Gusto mo ba iba pa?"

"Uhmmm. Let us cross the bridge when we get there," yuko kong sagot sabay lunok. 


Hindi ko alam kung kikiligin ako o maiinis kay Sage. Out of nowhere parang gusto niya na magpropose sa akin na ewan.

Kinausap ni Sage si Matthias about sa suggestion ko at mabilis naman na kinuha personally ni Matt ang medallions sa headquarters. Nang ma kumpleto na namin ang lahat ng kailangan sa ritual, bumalik kami sa Baguio City. As expected, bumili nga ng bagong bahay ni Matthias sa isang executive subdivision kung saan dati nakatirik ang Nipa House ni Rajah Gatlan.


Bukod sa amin ni Sage, andoon si Sir Rusty, Uncle Syl, Matthias at Lena para mawitness ang ritual. Dala na din ni Matthias ang dalawang medallions na nasa loob ng small metallic box. Andoon din ang burned heart ni Miraya.


"I am not sure kung magagawa ko to. Hindi ako Punong Babaylan or White Witch," sabi ko sa kanila habang nakaikot kami sa isang round glass table.

"We trust you Reichel. Wala naman mawawala kung susubukan natin," sabi ni Lena na nakahawak sa kamay ko.


Sinimulan ko basahin ang nasa manuscripts sa kakaibang salita. Kahit yung iniwan na spells ni Magawen, similar sa natagpuan na manuscripts ni Matthias. Kinuha ko ang kamay ni Sage at hiniwa ang kanyang palad dahil kailangan ko ng dugo niya sa ritual. Most of the sacred rituals include blood, yan ang palaging signature ingredients ng spell ng mga babaylan.


Lumipas pa ang sandali at naramdaman ko na uminit ang buong paligid as if nasa loob kami ng sauna bath. Biglang kumulog ng napaka lakas sa labas. Within a few seconds, bumuhos ang malakas na ulan at parang nagngangalit ang langit.


Sa tatlong medallion na necklace na nasa round table, biglang may lumabas na colored steam sa bawat medallion corresponding to their colors. Kung may spirit ang medallions, iisipin ko na lumabas ang spirit guardian nila. 


Parang mga buhay na usok na umikot sa aming lahat, pero ilang sandali pa, lumapit at umikot ang mga usok kay Sage na parang may sariling buhay. Una ang white smoke from the White Medallion, pangalawa ang light yellow smoke at pangatlo ang sky blue smoke.


Tumigil ang kulog at ang ulan. Biglang nagdisperse din ang usok na umiikot kay Sage pero nagulat na lang kami nang bigla siyang nawalan ng malay. Buti na lang, kalapit siya ni Uncle Syl at mabilis na nasalo bago pa bumagsak sa floor.


"He's okay, nawalan lang siya ng malay," sabi ni Uncle Syl na buhat si Sage papunta sa Masters bedroom at sumunod naman si Sir Rusty para alalayan siya.

"Do you think nagwork ang ritual?" tanong ko sa kay Matt at Lena.

"I think so. Nararamdaman ko na ang gutom, uhaw at maging ang antok. OMG! Tao na ulit ako!" masayang sabi ni Lena.

"Mas gusto mo yun?"

"Oo naman. Being a vampire makes us powerful but less human. Ngayon, feeling ko capable na ko ng true happiness. Matthias ikaw?"

"Yes, Reichel, thank you. I think you finally lifted the Curse of Darkess," sabi ni Matthias sabay kuha ng blade at humiwa ng bahagya sa daliri niya. "See? It is no longer healing and nararamdaman ko ang sakit."


Ngumiti lang ako sa kanila dahil mukhang masaya naman ang magkapatid. They look younger and full of life. Nawala ang pagiging seryoso nilang dalawa. Pumasok ako sa kwarto at wala pa din malay si Sage na nakahiga sa kama.


"He's sleeping. Nag-adjust lang siguro yung katawan niya sa spell, but I am sure he will be fine," sabi ni Sir Rusty sa akin.

"He will wake up soon, Reichel. After the ritual, naramdaman ko na din na bumalik ako sa pagiging tao. It only means na si Sage na Alagad ni Bathala, hindi ako," sabi ni Uncle Syl sa akin.


In my case naman, parang wala naman nagbago pero wala na akong nararamdaman na uhaw kay Sage.


Days passed at bumalik kami sa Manila, pero hindi pa din nagigising si Sage. Para siyang naging sleeping beauty. I tried to contact Lola Helda, pero hindi din niya alam ang nangyari. Possible effect daw eto dahil ginamit ko ang tatlong medallions without the red one. Parang incomplete at ang side effect ay yung deep slumber ni Sage.


I found out from Sir Rusty after a few weeks that Arvind was found in Finland but he looks old as if lahat ng power na ginamit niya noong vampire niya ay pinagbayaran ng katawan niya. He was captured pero he died eventually.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now