Chapter 49 - Armand

30.8K 975 11
                                    

"Maawa ka sa akin..." 


Isang tinig ang nagpagising sa diwa ko. Hinanap ko ang source ng voice at nakita ko ang isang babae na nakaluhod sa may bukid.


Asan na naman ba ako? Mukhang nasa isang vision na naman ako.


Ngunit hindi nag-iisa ang babae dahil may lalaki na nakatayo sa harap niya. Sinubukan kong lumapit sa kanila dahil puno ng dilim ang paligid at ang tanging liwanag ay ang torch sa di kalayuan.

Hinawakan ko sa balikat ang babae at tumagos lang ako sa kanya. Confirmed. Nasa vision na naman ako. Tinitigan ko ang babae. Maganda ang mukha niya at napaka haba ng buhok.


Shit! Si Lena Schmidt to! Mukhang tumalab ang pag-inom ko ng dugo niya dahil andito ko sa past niya.


Part of her dress is already torn apart. Humagulgol siya ng iyak at patuloy na nagmamakaawa si Lena sa lalaki. Hinawakan ng lalaki ang kanyang buhok at hinila papalapit sa kanya. Mabilis na lumitaw ang mga pangil niya at binaon niya ito sa leeg ni Lena. 


Sa loob ng ilang sandali, mabilis na bumagsak ang walang malay na katawan ni Lena sa bukid. Tinignan ko ang lalaki ngunit masyadong madilim para makilala ko siya. Ang kanyang salakot ay tumatakip sa mukha niya.


"Rei, gising! Rei!" sigaw ni Sage pero wala siya dito. 


Inikot ko ang buo ko paningin pero wala ako sa beach, wala din si Sage. Ginigising siguro niya ang walang malay kong katawan.

Biglang lumiwanag ang buong paligid. Akala ko nakabalik na ko sa present time, pero para akong natransport sa isang lugar na may medieval buildings. 


Asan na naman ba ko?


Nasa harap ako ng isang malaki at high celing na church. Sinimulan ko maglakad papasok ngunit walang kahit sinong tao. Sa aking paglalakad, doon ko nakita si Lena na nakasuot ng old fashioned balloon gown. 

Nasa madilim siya na bahagi ng isang simbahan at may kausap na lalaki. Sigurado ko na eto ang same na lalaki na nakita ko sa may bukid. Biglang lumuhod si Lena sa harap ng lalaki na para bang isang royalty ang nasa harapan niya.


"Rei! Rei! Fuck! Wake up!" naririnig ko pa din na sumisigaw si Sage kahit nasa isang vision ako.


Biglang yumanig ang buong paligid. Akala ko lumilindol at sa isang iglap, nasa university premise na ako. Wala pa din si Sage. Wala pa din ako sa real life. 


Bakit ako andito sa likod ng library? Wala naman na pumupunta sa bahagi nato?


Doon ko nakita si Armand na nakatayo sa likod ng library building at nakatingin siya sa akin. Ngumiti lang siya nang makita niya ako. 


What the fuck? Can he see me in this vision?


Pero hindi pala ako ang tinitignan niya dahil biglang lumabas si Lena sa likod ko at tumagos sa akin papunta kay Armand. Lumapit si Lena sa kanya at lumuhod sa harap niya.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now