Chapter 64 - Vampire 101

30.2K 862 5
                                    

Back to normal kami ulit sa university, kung normal ba na matatawag ang pagiging vampire. Pumapasok kami ni Sage at kahit si Matthias at si Lena ay bumalik din sa school. Huling balita ko naman kay Uncle Syl ay nasa Turkey siya para hanapin si Magawen.

Dahil isa na akong vampire ngayon, confident na si Sir Rusty at Uncle Syl na mapapangalagaan ko ang sarili ko kahit papaano. The royal vampires are no longer after me dahil wala na din ako kapangyarihan ng Punong Babaylan, kumbaga useless na patayin pa nila ako dahil di ko na rin magagawa na ipawalang bisa ang Curse of Darkness.


Ano nga ba ang pagkakaiba ng isang vampire sa isang tao?


Maraming pagkakaiba at kahit papaano, naiintindihan ko ang mga royal vampires kung bakit ayaw nilang mawala ang vampiric curse nila.

Aside sa enhanced senses, superhuman speed, super sonic hearing at healing or cell regeneration, ang mga vampires ay capable din ng compulsion or hypnotism. However, effective lang ito kung powerful ang isang vampire. Ang mga ordinary vampires ay walang kakayahan na gawin ito.


Pero hindi lang puro advantages ang pagiging vampire, meron din cons or disadvantages.


Una, ang lahat ng vampires ay weak sa sun dahil considered silang Kampon ni Kadiliman. Ako lang at si Sage ang mapalad na hindi tinatablan ng araw. Kailangan pa ng mga royal vampires na gumamit ng daylight rings para makalakad sa sikat ng araw.


Pangalawa, full of emotions at magnified lahat ng nararamdaman ng isang vampire. Kung may hidden bad attitudes ka, surely this will resurfaced kapag naging vampire ka na. At madalas, being too emotional is what makes us vulnerable.


Pangatlo, palaging may urge to drink someone else's blood. Kapag hindi mo napigilan ang sarili mo, you may end up breaking their neck or draining their blood. Salamat na lamang sa makabagong synthetic blood discovery na kayang magpapawi ng uhaw ng mga vampires.


Pang-apat, part of your maker's attribute will be transferred to you. Kung masamang vampire ang maker mo, maaaring maging isa ka din na masamang vampire kahit di mo ito gusto.


Pang-lima, if you will not keep your conscience in check, maaring maglaho ang konsensya mo at maging tuluyan na isang psychopatic killng machine without empathy or conscience. Sabi ni Sir Rusty, may ilang accounts ng mga vampires na nawalan ng conscience or humanity. The royal vampires had no choice but to exterminate them.


Sa maikling panahon na naging vampire ako, natutunan ko na bihira ang mga vampires na katulad ni Sage at Sir Rusty. Marami sa kanila, pumapatay for fun at tinatago lang nila ang mga evidence ng crime nila dahil sa isang royal decree. 

Yung mga missing person cases na hindi na natagpuan, most of them are vampire victims. Naiintindihan ko na din si Sage kung bakit gusto niya mawala ang sumpa. Pinakita sa akin ni Sage kung gaano kasama ang mga vampires at kung bakit fitting na tawagin sila na creatures of darkness.


"Balita ko meron ka daw protective service detail na nagbabantay sayo?" nakangiting tanong ni Matt sa akin habang naglalakad ako pauwi.

"Hindi ko bantay yun, bantay ni Sage yun. Pinadala daw ni Master Aqui? Not sure kung sino yun. Isa daw sa mga royal vampires na supporters ni Sage."

"Speaking of Sage, asan nga pala siya? Kanina ko pa siya di nakikita. Absent ba siya?"

"Nagpaalam na siya sa principal na hindi papasok for this week, may inaasikasong ewan. Ayaw naman sabihin sa akin. Kinuha na din niya ang final exams niya in advance. Pero di naman niya need mag-aral, ang pagkakaalam ko, nakatapos na siya ng Masteral degree noon sa London."

"Busy? Baka inaasikaso kung paano mawawala ang sumpa niya. Ikaw naman, kamusta ka? How is your adjustment period?"

"Wala naman masyado nagbago sa akin dahil sa synthetic blood. Medyo mas magnified lang ang senses at emotions ko. In other words, sensitive ako lalo at mas lalo din akong nag-iinarte," nakangiti ko sabi kay Matt. Di ko lang masabi sa kanya na I have this uncontrollable urge para inumin ang dugo ni Sage.

"Susunduin ka ba niya ngayon?"

"Hindi daw eh. Maliwanag pa naman kaya ok lang naman sa akin. Saka ilang days na lang, bakasyon na natin. Ikaw? Bakit ka pa pumapasok dito?"

"I guess I am bored as fuck. With Armand's death, I am sure na hindi tatahimik ang remaining six royal vampires. They are planning something and I know it. Hesitant sila na mag-organize ng isang royal meeting because they are sure that Sage will be there. Kapag sinabi ni Sage na siya ang magiging commanding chief ng lahat ng mga royal vampires, they will have no choice but to follow."

"Napaka complicated at politics-related naman ng royal vampire society. Anyway, Matt, uuwi na ko. Mahigpit na inuutos ng mahal na prinsipe na umuwi ako agad at puntahan siya. He trusts you kaya tiwala siya na pumasok ako sa university kahit wala siya."

"I told you before, I am here to protect Prinsipe Isagani and you as well," sabi ni Matt bago magpaalam sa akin.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now