Chapter 33 - Matthias Wolf

31.9K 1K 32
                                    

Mabilis ko narating ang parking lot kung saan andun ang sasakyan ni Sage. 

Saan naman kaya niya gusto mag dinner? Dinner date kaya to?


"Reichel Amber. What a beautiful name," sabi ng isang lalaki na nakatayo sa di kalayuan at nakasandal sa isang silver colored Mercedes Benz car.

Hindi ako maaring magkamali, eto si Matthias Wolf, ang transfer student from Austria.

"I am Matthias. You're our class president right?" nakasmile niyang bati habang nakikipagshake hands.

Ngumiti lang ako sa kanya at tinanggap ang kamay niya. Matangkad si Matthias at hindi maikakaila na galing sa mayaman na pamilya.

Bago pa ko makapag-isip ng kung ano ano about kay Matthias, biglang binalot na naman ng dilim ang aking panigin tulad noon. 

Another vision again?

I was transported sa loob ng isang castle. Maraming tao na naka mask na parang isang feast. I think isang grand masquerade ball ang nagaganap sa mga oras na to. Based sa mga suot na damit ng mga tao, malamang nasa upper class sila ng society. They are speaking something na hindi ko maintindihan.

Is that Italian or German? Definitely not French or Spanish.

Ang mga guests ay nagsasayaw sa dance floor tulad sa isang fairy tale na kwento. Sinubukan ko umikot at hawakan ang mga guests. As expected, tumagos ang kamay ko sa kanila. 

I'm in another fucking vision.

Biglang nagsalita ang isang lalaki sa platform na parang may announcement at tumigil sa pagsasayaw ang mga guests. Siya siguro ang pasimuno ng kaguluhang ito. Pinoy kung pagbabasihan ang kanyang hitsura. Ngunit hindi ang kanyang pananalita.

Shit, bakit walang subtitle ang vision ko? Di ko tuloy alam kung anong sinasabi nila!

Pumasok sa dance floor ang ilang lalaki at babae na mukhang waiter at humilera sa harapan. Akala ko may dance number or performance na magaganap. Nagulat na lang ako ng biglang lumapit ang mga guests at dahan dahan nilang kinagat ang leeg at pulso ng mga waiters.

Fuck napapalibutan ba ko nga maraming vampires?

Sinubukan kong tumakbo palayo sa bloody scene. Umakyat ako sa second level platform at doon ko nakita Matthias Wolf na umiinom ng dugo sa kanyang kopita. Based sa reaction niya, he seemed satisfied with this insanity. Katabi niya si Lena Schmidt na busy habang dinadrain ang dugo ng isang pang lalaki.



"I'm glad to finally meet you," sabi ni Matthias. Sa isang kisap mata, bumalik na ko sa real life. Si Matthias Wolf na ang aking kaharap.

"Uhmmm same here. Feel free to approach me if you need anything," kinakabahan kong sagot sa kanya.

"Are you okay Miss Manahan?"

Shit, alam niyang kinakabahan ako!

"I'm fine. Tumakbo kasi ko from 6th floor kaya medyo hinihingal ako. Pasensya na. Whheew kapagod!" palusot kong sabi sa kanya. 

Wala ko iba reason kung bakit mabilis ang kabog ng dibdib ko. Ayoko magkaroon siya ng hinala na may idea na ako sa pagkatao niya.

"Reichel, meet me later tonight. Midnight, in this exact place," seryoso niyang sabi habang hawak ang mga balikat ko at nakatitig sa mata ko. Napansin ko na lang na biglang nagturn ng red saglit ang kanyang mga mata.

"Yes, Matthias," maikli kong sagot sa kanya.


I know what he's doing. He's commanding me using his vampiric compulsion. Sage tried it before sa akin ngunit di tumalab sa akin.


"Rei!" sigaw ni Sage sa akin at biglang hinatak ako palayo kay Matthias.

"Hey, babe. I missed you. Ang tagal mo naman babe sa principal office," malandi kong bati sa kanya sabay lagay ng mga kamay ko sa balikat niya na para bang yayakapin ko siya.

"Are you okay?" naguguluhan na tanong ni Sage sabay taas ng kilay sa akin.

"Yeah, I'm fine babe. You know Matthias Wolf right? The new transfer student from Austria?" seductive kong tanong kay Sage habang hinahaplos ang chest niya.


Tumango lang si Sage at tumingin kay Matthias. Kahit si Matthias ay tango lang sa sagot sa kanya.

"Nice meeting you Matthias. See you tomorrow," masigla kong sabi habang nagpapaalam sa kanya.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now