Chapter 14 - Excavation Team

41.2K 1.2K 38
                                    

(POV Rusty Elizalde - Flashback)


Tulad ng sabi ko kay Diego, ang kwento ni Prinsipe Isagani ay parang isang tsismis na natwist ng panahon. Sa isang malayong bario sa Mountain Province, may mga matatanda na nagsasabi na si Isagani ay isang anak ng demonyo. Isang halimaw naman daw si Isagani na lumalabas sa gabi sabi ng matatanda sa Cagayan. Sa ibang parte ng Apayao, ang term na Isagani daw other term for Aswang.


Pero may isang matanda na taga Abra na nagturo sa amin na sa kabundukan ng Benguet. Doon daw hinihinala na nakalibing si Prinsipe Isagani at ang Baguio City at ang mga kalapit na bayan daw ang dating nasasakupan ni Rajah Gatlan.


"Professor Elizalde, mabuti at nakadating ka ng maayos. May reported landslide sa kabilang bario. Kung tutuloy pa ang ulan, bumalik muna tayo sa bayan dahil delikado ang status natin dito," sabi ni Gerald na head ng excavation team ko from UK.

"I agree. Isang linggo na din kayo dito. Patigilin muna natin ang ulan at hintayin na umaraw saka tayo bumalik ulit dito. Anong meron sa cave? Are you sure this is the right place?" tanong ko sa kanya.

"Professor, according sa mga manuscripts na nahukay namin, dito daw ang sa cave na ito nakalibing si Prinsipe Isagani. This is the only cave beside this falls, pero we checked everything, dead end. Wala din significant writings sa walls or traces ng sinaunang gamit. It is just a plain cave."

"How about yung remains ni Rajah Gatlan at Reyna Araya?"

"Pinadala na namin sa city bago pa madamage ng ulan. Buti nakarating agad kami dito kasi nagcollapsed yung burial cave nila," paliwanag ni Gerald.

"So the royal couple are safe. How about yung mga mud vases with scrolls? Asan na?"

"We took some photos, pero we already sent the vases to our lab for further testing. Those are the same pictures that I sent a week ago. Yung mga scrolls, nakasulat siya sa lumang alibata. The Prince Isagani vampire story is quite detailed if you will ask me."

"Gerald, baka naman old fictional books yang nahukay natin."

"Maybe, but what if the first vampire really came from this place?"

"If Isagani is indeed a vampire, bakit patay na siya ngayon? He should be immortal. Anyway, we should continue this discussion later on. Ask your men to prepare for pack up. Pupunatahan ko lang yung cave bago tayo bumaba."

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now