Chapter 24 - Letting go

37.5K 1.2K 41
                                    

"It's my fault Rusty. I won't forgive myself if she died. Silawin may even kill me for this."

"Sage, you don't want to hurt Reichel. I know that. This is an accident."

"No! Kasalanan ko to. I can't control myself. I should leave her, be far away from her to keep her safe from me."

"It is too late. Silawin is her uncle. She's already involved."

"Rusty, my blood is not making her better. There is something wrong! Why is it not working this time?

"I don't know. It does not happened before."

"This has to stop, Rusty. I need to stop seeing her. I am putting her in grave danger."


Ang nagtatalong boses ni Sage at ni Sir Rusty ang nagpagising sa aking diwa. Di ko naiintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila but I have a feeling na gusto ni Sage na lumayo sa akin ng tuluyan.

"Sage?" tanong ko sabay dahan dahan na bumangon.

"Hey, you're awake!" gulat na sabi ni Sage sa akin habang inaalalayan niya ko bumangon.

"Sage, tama ba ang pagkakarinig ko? Iiwan mo na ba ko?"

"Are you okay? Thank God, you are finally awake," sabay yakap niya sa akin ng mahigpit.

"Ano ba nangyari?"

"You passed out and nag slow na yung breathing mo at nawawalan ka na ng pulse as if you are slipping away. I thought you're going to die," sabi niya sabay hawak sa mukha ko.

"What if namatay na pala ko? What if vampire na ko?"

"Kung vampire ka na, ako ang unang makakaalam. You're still warm and I still want to suck your blood so you're okay. You're still human," sabi niya sabay ngiti sa akin. Kitang kita ko ang relief at happiness sa mukha ni Sage.

"Sage, may visions na naman ako. Bakit kaya?"

"Since mahina na ang pulse mo, pina-inom kita ng blood ko, enough for you to replenish your strength. Yun siguro ang reason for your visions. Ano ba nakita mo?"

"Nakita ko yung ginawa na ritwal ni Magawen bago ka maging sleeping beauty. Saka nalaman ko din na buntis si Magawen nung time na yun at si Silawin ang ama."

Nagkatinginan lang si Sir Rusty at Sage sa sinabi ko.

"Ang Punong Babaylan ay hindi pinapayagan umibig o mag asawa, pero kailangan niya ng lalaki na magiging ama ng anak niya. Baka si Silawin ang napili niya," sabi ni Sir Rusty.

"Ang sabi ni Silawin, anak niya ang pinagbubuntis ni Magawen. And they look in love. They call each other Mahal Ko. I am sure hindi pinili ni Magawen si Silawin dahil kailangan niya ng lalaki para magkaroon ng anak. I think mahal nila ang isa't-isa."


Napansin ko na biglang tumahimik si Sage. Something sa sinabi ko ang nagpabother sa kanya. But I have a feeling that it has something to do with Silawin and Magawen love affair. 

Nagseselos ba siya kay Silawin at Magawen? Bakit pakiramdam ko affected siya?

"Hindi natin alam kung ano nangyari sa anak nila. You have to ask your Uncle Syl kapag ready ka na malaman ang sagot. If I am not mistaken, the Punong Babaylan is related to you," sagot ni Sir Rusty.


Gabi na nung ako ay nagkamalay. Hinatid lang ako ni Sage pabalik sa bahay nang maconfirm niya na ayos na ang lagay ko. Tahimik lang siya at wala sa mood na kausapin ako.

"Balak mo ba talaga lumayo sa akin?" tanong ko sa kanya pagka parada niya ng sasakyan sa tapat ng bahay namin.

"Something like that," mahina niyang sagot.

"So ganun na lang yun? Idadamay mo ko sa gulo ng mundo mo tapos ilalaglag mo ko?"

"Rei, this is for your safety. You'll be in danger pag magkasama tayo. Paano kung hindi ko makontrol ang sarili ko? Paano kung mapatay kita? I don't want to hurt you and this is the best that I can do."

"And you think I'm safe pag wala ka? Ikaw na din nagsabi, you can't control yourself just by the mere smell of my blood. What if some rogue vampires found me? What if they are also intoxicated with my blood? Well, wala ka naman pakialam. So, I guess this is goodbye," sabi ko sabay labas ng kotse niya.


Saglit ko pa lang nakakasama si Sage pero hindi ko mapaliwanag kung bakit mahalaga na siya sa akin. At kung iiwan niya ko for my own protection, I am sure na isang heartbreak ang mararamdaman ko. 

Mahal ko na ba siya?

"Rei, wait lang."

"Wag mo na ko kakausapin simula ngayon. At ayoko na makita ka, ever! Break na tayo for real!"

"Rei..."

"Don't you dare na pumasok sa bahay namin. Andyan si Uncle Syl, siya makakaharap mo."

Tumalikod ako sa kanya at pumasok sa loob ng bahay. Di ko siya tinapunan ng kahit isang tingin. Just the thought na gusto niya lumayo sa akin ay parang isang knife na humihiwa sa puso ko.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now