Chapter 48 - Mateo

31.6K 966 20
                                    

Bahagyang araw na lang ang natatanaw ko sa kanluran at mas lalo ako kinakabahan. Pagbalik ko sa tent, andoon na si Sage. Sinabi ko sa kanya kung ano ang binahagi sakin ni Matthias.


"I compelled one of the tour guides. Siya ang nagsabi sa mga classmates natin na may slight contamination ang nude beach area," sabi niya nung nasa loob kami ng tent.

"Hindi pa rin natin masisigurado na hindi gagawin ni Lena ang binabalak niya. Sabi ni Matt, gagawa siya ng paraan. Nga pala, di pa rin niya alam na ikaw si Prinsipe Isagani. Di naman ako madaldal masyado. Kahit nagtitiwala ako sa kanya, sa tingin ko ikaw lang ang dapat magreveal kung sino ka talaga."

"Good choice. Wala pa sa plano ko na malaman ng mga royal vampires na buhay na ako. It will surely put you in danger and I don't want that to happen."

"Ang gwapo mo pag ganyan ka kasweet sa akin. Sana palagi ka ganyan noh?"

"Sweet naman ako ah?" sabi niya sabay kuha ng kamay ko at halik sa pulse ko.

"Naiisip mo pa gumanyan? Anytime lulubog na ang araw!"

"Ayaw mo ba?" tanong niya sa akin pero unti unti ko na nakikita yung fangs niya.

"Gawin mo na gusto. As if naman na may choice... "kinagat na ni Sage ang pulse ko bago ko pa matapos ang sasabihin ko.

"Let's find them," sabi ni Sage na mabilis hinila ang kamay ko palabas ng tent after ng ilang gulp sa blood ko.

"Teka, saan natin sila hahanapin? Napakalawak ng lugar na ito ang nagdidilim na," tanong ko habang hinihila pa din ako ni Sage papunta sa di matao na lugar.

"Takot ka ba sa dilim? Ang duwag mo naman," nakangiti niyang sabi.

"May isang lukaret na vampire na anytime pwede umatake sa mga classmates natin, so yes! Natatakot ako!"

"Andito naman ako. You don't need to be scared," sabi ni Sage sabay tigil at biglang hawak sa mukha ko.


Without warning, bigla niya ko binuhat at tumakbo siya ng sobrang bilis na parang si Barry Allen. Di ko na namalayan na nakarating kami sa may river na di kalayuan sa sa camp site. Nung binaba niya ko, doon ko lang nakita na nasa gitna ng river si Lena. Walang kahit anong saplot tulad nung nasa visions ko. Si Matthias naman ay nasa river shore.


"Lena, we need to talk!" sigaw ni Matthias sa kanya. Tinakpan naman ni Sage bigla ang bibig ko at hinila ko sa likod ng isang malaking bato.

"I don't want to talk you Mateo!" sigaw din ni Lena na nakatalikod.

"I know that your dreadful thirst for blood is coming back. I know that you are trying so hard to control it."

"I can't control it anymore! Ever since we set foot on this hellish beach, I want to drain the blood of every student here!" sabi ni Lena na parang umiiyak. 

Sinilip ko siya at kaninang hanggang bewang na tubig, ngayon ay hanggang leeg na.

"You can't die Lena, you know that. It is useless to drown yourself," mahinahon na sabi ni Matthias.

"My temporary death will subdue my thirst. I can keep the students safe for the time being. The moment I tasted a single blood drop, I will transform into a kiling machine, I know it," humahagulgol na sabi ni Lena.


I can feel na nahihirapan din siya. Parang may uncontrollable force na nagsasabi na kailangan niyang pumatay. 

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now