Chapter 30 - Mistress Margaux

35.1K 1.1K 21
                                    

"Magawen is alive?" gulat na tanong ni Sage pagkatapos mag kwento ni Uncle Syl.

I am not sure kung masaya siya or nagulat or whatsoever. There is something between Sage and Magawen na hindi ko ma-explain.

"She is already a vampire, so she's technically an undead. Ang problema lang, hindi na siya tulad ng dati. Naglaho na busilak na puso ni Magawen at napuno na siya ng kadiliman," paliwanag ni Uncle Syl.

"The vampiric curse must have transformed her. Also, her humanity is probably gone," malungkot na sabi ni Sage. 

Why do I have a feeling that Sage likes her?

"Mahal na prinsipe, you mentioned that there is a certain Mistress Margaux who turned those students into vampire. Tama ba?"

"Uncle, si Mistress Margaux daw ang nagturn kay Armand at sa dalawa pang senior students into vampire. Para nga silang mga slave ni Mistress Margaux. Ang hindi ko lang sigurado kung inutusan din sila ni Mistress Margaux na gawin akong vampire. Feeling ko kasi wala naman sila balak patayin ako pero gusto nila na gawin akong vampire."

"Reichel, I have a feeling that Margaux and Magawen are just one. That is the only valid explanation why those newbie vampires are attracted to your blood. Magawen is their maker and your blood connection to Magawen is strong," paliwanag ni Uncle Syl.

"Uncle, si Magawen din ba ang nagpapatay sa mama at papa ko?"

"I don't think so. Kahit vampire na ngayon si Magawen, hindi niya kayang patayin si Rose. Kung gusto niya na patayin ka at si Rose, ginawa na niya ito noon pa."

"Pero bakit siya bumalik dito ngayon? Bakit sa university pa siya naghasik ng lagim? Ano bang trip niya? Gusto ka ba niyang saktan uncle?"

"Hindi ko alam, pero dobleng pag-iingat pa rin tayo, Reichel. May kapangyarihan ka man ng Punong Babaylan, but your power is still weak."

"Silawin, I want to help. Makipagtulungan ka kay Rusty para malaman kung ano talagang pakay ni Magawen kay Rei. He is a helpful fellow. He has a connection to some ancient vampire circles in Asia and Europe," sabi ni Sage.


Tumango lang si Uncle Syl at tumingin kay Sage na parang may hihingin na malaking pabor.


"Mahal na prinsipe, I know it is too much to ask, but can you take care of Rei while she is in school? I need to deal with Magawen first," tanong ni Uncle Syl.

"Of course. I will take care of, Rei. you take care of Magawen," mabilis na sagot ni Sage.

Alam ko kung bakit hinihiling ni Uncle Syl na alagaan ako ni Sage. Malamang, hindi siya makakapag focus sa akin kung si Magawen na ang makakaharap niya.

"Pero uncle, magagawa mo ba paslangin ang iyong asawa? I know you still love her."

"She is no longer my wife. Magawen is already gone. I will do my best to protect you and to defeat all evil who are causing harm in humanity."

"Silawin, Magawen already knows where Rei is. Would you mind if ask you na magstay muna si Rei dito until you figure out what to do with Magawen?" tanong ni Sage na parang isang utos. Pero tumango lang si uncle bilang pag sang ayon.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now