Chapter 80 - The HQ

28.7K 818 21
                                    


Tinignan namin pareho ni Sage ang pinagbagsakan ni Arvind, ngunit wala na siya dun. There are no traces na bumagsak siya sa ground. Naglaho lang siya bigla na parang bula.


"I'm impressed with your training in Vienna. Ok ka lang ba?" tanong ni Sage sa akin habang pinapahid ang dugong tumutulo sa putok kong kilay.

"I am fine, thanks to my immortal blood," nakingiti kong sagot sa kanya habang tinatanggal ang mga glasses shards na nakabaon sa leeg at ulo niya.

"Bakit mo nga pala sinabi na ikaw pumatay kay Arvind? Are you out of your mind?" galit na tanong ni Sage.

"Natakot ako nang lumapit siya sayo. I thought he's going to kill you."

"At okay lang na ikaw ang gawin niyang target? Rei, that is not a smart move! You put yourself in great danger."

"Sage, Arvind will be after me, but I can try to run away from him. Pero ikaw, hindi pa tuluyan na bumabalik ang lakas mo dahil sa Kiss of Death poison, he can easily kill you and alam mo na siguro ang mangyayari pag nagkataon."


"Reichel! Are you okay?" sigaw ni Uncle Syl.

"Sage! What happened!" nagmamadaling sabi ni Lena na pumasok sa penthouse.


"Arvind attacked us. Rei managed to fend him off temporarily. Where's Rusty and Matthias?" tanong ni Sage sa kanila.

"I called them on our way here. The royal vampire should know about this. We can no longer tolerate what Arvind is doing," dagdag ni Lena.


That night, we went to the headquarters for the royal masquerade ball. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit may panahon pa sila sa gantong event kung anytime ay pwede sila patayin ni Arvind.

Nung kinidnap ako noon, wala ako nakita dahil nakablindfold ako, pero ngayon, kitang kita ko ang kabuuan ng Palace Hotel. Isang makalumang haunted castle-like hotel na may malawak na icy barren garden. 

Pagpasok pa lang namin sa gate ng hotel, heavy na ang security. Pumasok ang isang security personnel sa loob ng limousine at may hawak na isang tablet device. Tinignan niya ang bawat sa amin as if mga produkto kami na kailangan na pumasa sa isang quality inspection. Binuksan niya ang tablet niya as if nagcrocross reference sa kanilang system.


"Ano yun Matt?" tanong ko habang umandar ang limousine papasok sa gate.

"Security check. Five guests lang ang allowed per royal vampires. I sent all of our credentials to The Medium in advance. Nag crocrosscheck lang sila. Mas lalo sila naghigpit dahil sa nangyari kay Armand."

"Matt when you included Sage as your trusted security detail instead of Crucio, nagalit ba ang The Medium sayo?"

"Wala naman ako nilabag na law. The law states that we are only allowed to have one security and I chose Sage."

"Aren't they even remotely mad dahil pinatay ni Sage si Armand?"

"The Medium is fair and just, but they are also following the royal hierarchy. They knew that Sage is our maker and he is like... How should I put it... Above the law, I guess. Exemption to the rule, parang ganun."


Tumango lang ako kay Matt. Everyone is supposed to be excited sa grandball na ito pero dahil sa attack ni Arvind, eveyone is tensed. Tahimik lang si Sir Rusty, Sage at Lena sa loob ng sasakyan.

Though mukhang lumang castle ang headquarters, sigurado ako na fully furnished ang loob. Pag bukas ng old-fashioned front door ng hotel ay isang ragged at almost lifeless na building ang tumambad sa akin. Tanging ang mahabang red carpet ang bago sa lugar pero hindi nakalagpas sa akin ang mga concealed security camera.


Sinundan namin ang red carpet at tumigil ito sa harap ng isang dark wooden door. Pag bukas ng door, isa pala itong elevator. Sumakay kami at bumaba ang elevator ng ilang floors. Tama nga si Matt dahil fortress ang lugar na to. Ilang beses kami naglakad sa ilang corridors at sumakay ng elevator. Parang maze o labyrinth. Nakakalula ang mirror walls. Kung hindi namin kasama ang isang member ng The Medium, naligaw na siguro kami.


Tumigil kami sa isang floor at pagbukas ng elevator, isang malawak na circular event center with highly polished marble floor ang nakita ko. May grand staircase pababa sa mismong groundfloor na nagsisilbing parang isang ball room. Nagkikislapan ang mga chandeliers at parang nasa isa kong real life castle.


Napansin ko din ang sampung balcony na nakaikot sa ball room. Familiar ang lugar na ito. I am sure this is the same place kung saan nagkaroon ng royal meeting noon. Sa gitna ng ballroom, andoon ang isang ice statue ng dambuhalang masquerade mask.

Binigay sa akin ni Sage ang kanyang kamay para alalayan ako na bumaba sa grandstaircase. Ngayon ko lang siya natitigan, nakapony ang kanyang buhok at parang isang real life prince. Kahit naka mask siya, kitang kita ang magaganda niyang mata.


"Kumapit ka sa akin, baka madapa ka at gumulong pababa," bulong niya habang naglalakad kami pababa.

"Sasaluhin mo naman ako di ba?"

"Yan gusto ko sayo. Confident, Miss Disney princess."

"Bakit? Di mo ko sasaluhin?"

"Hindi. Hahayaan lang kitang mahulog."

"Minsan na nga lang pumunta sa gantong event, mang-aalaska ka pa. Dyan ka na nga, dun ako sa mga sweets section," sabi ko kay Sage nang marating namin ang huling steps.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon