Chapter Twenty-Four: Plans

Start from the beginning
                                    

***

"Maraming salamat talaga Ma'am Jayce, ah! Akala ko talaga hindi ko matatapos ang lahat ng ito ngayong araw, malaki kang hulog ng langit." pasasalamat sa akin ni Rexxie nang makabalik kami sa opisina ni Jakcson dito sa office block. Dahil sa narinig ko mula sa kaniya ay agad akong napanguso.


"Pati ba naman ikaw tatawagin akong Ma'am?" kunwari ay nagtatampo ako sa kaniya kaya kaagad siyang natawa.

"Aba siyempre! Girlfriend ka ata ng Big Boss ko. Kung sinong mahal ng boss ko ay siya dapat na galangin ko, alam ko namang maganda ang dinudulot mo kay Big Boss kaya walang problema sa akin na tawagin kang Ma'am... Jayce." sagot niya habang inaayos namin ang mga papel na katatapos lang namin ipa-photocopy. Nang maayos namin ang lahat ng mga papel ay lumabas na rin kaming muli sa opisina ni Jackson para maibigay na sa ibang employees ang mga paperwork na 'to.


"Anyway, Ma'am Jayce. Kilala mo ba si Miss Brooklyn?" tanong niya kaya saglit akong napatigil sa paglalakad. Huminto rin ito kaya inilapag muna namin sa upuan ang mga papel na aming buhat.


"O-oo, bakit mo naman naitanong?" taka kong sagot sa kaniya, kaya luminga muna siya sa paligid bago ibalik sa akin ang tingin.


"Nakailang balik na kasi si Miss Brooklyn dito at laging hinahanap si Big Boss, nang sabihin ko iyon kay Big Boss ay nainis ito at inutusan pa akong ipadampot na ito kaagad kapag bumalik pa ulit si Miss Brooklyn dito sa ECM. Mukha pong gusto niya kayong guluhin ni Big Boss kaya pabalik-balik dito.." mahina lang ang boses niya, ngunit sapat na sa amin para marinig ng isa't isa. Dahil sa nalaman kong sinabi niya ay nakaramdam ako ng kakaibang feeling na hindi ko magawang maipaliwanag, ngunit hindi na gaya dati. Hindi na ako naiinis dito at nagseselos, alam ko naman na ako na ang babaeng mahal ni Jackson ngayon, kaya wala nang dahilan para magselos at mangamba ako kay Brooklyn.


"Hayaan mo na lang siya, Rexxie. Tapos na silang dalawa ni Jackson, isa pa... mahal namin ang isa't isa kaya kahit bumalik pa muli si Brooklyn ay hindi na ako mangangamba. May tiwala ako sa pagmamahal sa akin ni Jackson. Kaya tayo, huwag na nating pakialaman ang buhay ni Brooklyn." pilit kong ngiting sagot kay Rexxie nang sabihin ko iyon at binuhat na muli ang mga papel na dala namin kanina. Dahil sa sinabi ko ay alanganin siyang ngumiti sa akin at tumango na lang, nang makuha na namin ulit ang mga dala ay muli na kaming naglakad patungo sa isa sa mga office na pupuntahan namin. Ngunit hindi pa kami nakalalapit doon ay may narinig kaming boses sa likuran naming dalawa ni Rexxie.


"Really? You're so loyal pala." nakangising mukha ni Brooklyn ang bumungad sa amin ni Rexxie kaya nagulat kami. Paanong hindi namin siya napansin? Doon ko lang nakita ang nakabukas na isang silid malapit sa pintuan namin ni Rexxie, marahil doon siya nakatago kaya narinig niya ang usapan naming dalawa ng hindi ko namamalayan.


"M-ma'am Brook! Hindi na po kaya pinapayagan ni Big Boss--" hindi na natapos ang sinasabi ni Rexxie nang tumuon sa akin kaad ang tingin ni Brooklyn bago magsalita.


"Good to see you here, Jayce. Ang alam ko yung mga sales lady na katulad mo ay nasa baba dapat ng Empire City Mall at wala rito. But anyway, narinig ko kung gaano kaseryoso ang tulad mo sa asawa ko. Sadly... sainyong dalawa ikaw lang ang seryoso. Nakaaawa ka naman, Jayce." nakaramdam man ng inis sa sinabi niya ay nanatili akong tahimik habang tinitignan siya, inu-obserbahan kung ano bang gusto niya makuha. Maganda naman siya, mukha naman siyang edukado, ngunit hindi ko maintindihan kung ano pa ba ang gusto niya kay Jackson at pilit pa rin itong ginugulo.

Marked By A BillionaireWhere stories live. Discover now