Chapter Twenty-Four: Plans

Start from the beginning
                                    


"Good morning, Ma'am Jayce." bati sa akin ni Ate Mary, kaya bumati rin ako sa kaniya pabalik at agad nang sinalubong ng yakap ang anak ko.


"Aalis ka na po Nanay?" biglang lumungkot ang mukha niya nang mapansin na nakasuot na ako ng uniform ko sa trabaho. Sa totoo lang noong nakaraan pa ay pinaparesign na ako sa trabaho ni Jackson para makasama ko ang anak ko ng mas matagal.


Gustuhin ko mang tumanggi rito, ngunit nang makita ko ang saya ni James noong sabihin sa kaniya ni Jackson nung nakaraang linggo na hindi na ako magta-trabaho ay doon ko napagdesisyunan na sumang-ayon na lang. Sobrang sumaya si James nang malaman na mas madalas niya na akong makikita dahil aalis na ako sa trabaho at mananatili na lang dito para matutukan ko siya ng mas maayos.


Subalit dahil ayokong i-asa ang lahat kay Jackson, lalo na ang mga gastusin ng anak ko ay balak ko na lang ipagpatuloy ang online shop namin nila Mama. Kasalukuyan pa rin itong pinapatakbo ni Mama hanggang ngayon. Mula nang maitayo namin ni Mama at Anna ang online shop namin ay 'yun na ang kinalibangan ni Mama, kaya nakatutuwa rin na hindi na kailangan ni Mama mag-trabaho pa sa labas para kumita lang ng pera.


"Kakain pa muna tayo baby ko bago ako umalis. Don't worry, next week dito na ako lagi para makalaro ka. H'wag ka nang malungkot, baby ko." nakangiti kong banggit sa kaniya na agad niyang kinahagikgik at bahagya pang tumango sa akin.  Matapos ng usapan naming iyon ng anak ko ay naupo na kami sa kanya-kanyang upuan. Katabi ko ngayon si James at sumunod naman sa kaniya si Ate Mary na sinusubuan na ngayon ang anak ko.


Sa palagay ko ay inabot din ng twenty minutes ang almusal na ginawa namin dahil ang daldal ng baby ko, ayoko namang mahuli sa pasok ko sa ECM ngayon dahil isang linggo na lang nga ako doon ay magpapalate pa ako. Mamimiss ko ang pagiging sales lady ko, tatlong taon din akong nagtrabaho bilang sales lady at marami na akong naranasan sa trabahong iyon, kaya nakalulungkot na hihinto na ako sa trabaho next week.


"We ready to go, Ms. Peython." pormal na banggit ng isang lalaki na nakatayo sa gilid ng isang magandang itim na kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat kaya ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat.


At nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ng kotse ay agad kong kinuha ang telepono ko para tignan kong may text na ba ngayong umaga si Jackson, ngunit nang wala akong nakita na kahit ano ay napanguso na lang ako sa kawalan at sa daan na lang itinuon ang atensyon. Baka busy lang siya ngayong umaga kaya hindi niya ako nai-text. Isa pa, hindi naman niya ako kailangan i-text oras-oras dahil lamang nobya niya ako, ang sa akin lang ay nag-aalala lang ako kung nakapagpahinga ba siya kagabi at nakakain ngayong umaga ng maayos.


Sobrang hirap siguro maging CEO ng isang malaking kumpanya, sobrang hirap siguro talaga maging isang bilyunaryong katulad niya. Haaays, mabuti na lang talaga at matalino ang Jackson ko at maparaan.









Marked By A BillionaireWhere stories live. Discover now