Chapter 68 - Vienna

Start from the beginning
                                    

"Thank you talaga, Matt. Sorry nadamay ka pa sa gulo na to," sabay yakap ko sa kanya.


Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak sa harap ni Matthias. I felt lost without Sage but I also feel betrayed. My fucking emotions are killing me. Simula ng maging vampire ako, para kong sobrang sensitive at masyado na highlight ang feelings ko kay Sage.


Matt gave me three house addresses na pwede ko tuluyan pero nagrent lang ako ng isang budget friendly hotel sa city. Sa dami ng pera na binigay ni Matt sa akin, pwede ko mag around the world tour whole year pero I'm here in Vienna for a reason.


Napadpad ako sa Vienna hindi dahil trip ko lang. Sa pagbabasa ko ng manuscripts na bigay ni Matt, I found out na may mga Alagad ni Bathala na nagkalat sa buong mundo noong unang panahon and they are called with various names. 


Pero hindi katulad sa Pilipinas, ang kanilang identities ay natatago and they operate in secret. Kahit sa makabagong panahon, walang nakakakilala sa kanila ngunit si Sir Rusty ay isang award winning historian. Lingid kay Sage, pinag-aaralan namin noon ang background ng ibang Alagad ni Bathala sa labas ng ating bansa.


Sabi ni Sage, ang pagiging Alagad ni Bathala ay namamana. Siya ang kasalukuyan na Lakan at ang kanyang grand father ang nauna sa kanya. Ang mga babaylan at Punong Babaylan din ay tinuturing na Alagad ni Bathala pero ang Lakan talaga ang frontliner. Naalala ko tuloy ang usapan namin ni Sir Rusty noon.


"Hindi ba nabanggit ni Sage ang mga experiences niya tungkol sa pagiging Lakan niya? Nakwento po ba niya sayo kung ano ginagawa niya noon? Para ba siyang real life hunter ng mga supernatural creatures?" tanong ko kay Sir Rusty.

"As far as i know, he was traveling most of the time para maghunt ng creatures of darkness."

"Do you know if may vampire na ba noon?"

"Ang alam ko, wala pa. Sage is the first of our kind. Pero meron na daw na kapre na kumukuha ng bata. Mga sirena na pumapatay ng fishermen. Mga aswang na kumakain ng tao. All those kinds of creatures at si Sage ang lumalaban sa kanila sa batang edad."

"Super hero pala talaga siya. Kaya siguro sobrang sakit para sa kanya na maging vampire at magcause ng harm sa humans."

"May nakilala noon si Sage na isang Alagad ni Bathala na taga India. Napadpad siya dito sakay ng isang malaking trading ship. I think he was haunting a killer mermaid. Nakilala niya si Sage at nagtulungan sila madefeat ang killer mermaid."

"So madami pala sila na Alagad ni Bathala?"

"Alam ko kaunti lang sila and they were chosen by Bathala or the Creator by means of a vision. Lakan is a term dito sa Pilipinas. Sa ibang bansa, they are probably known by other names. Si Rajah Gatlan dapat ang susunod na Lakan ngunit wala siyang natanggap na pangitain. Si Sage ang nakaranas ng vision sa batang edad."

"Sir Rusty, it only means na hindi nag-iisa si Sage. Madami din pala ang pwedeng may supernatural powers para madefeat ang evil?"

"Ang alam ko, may mga tinatawag na White Witches or girl counterpart ng Lakan sa ibang bansa. Para silang may kapangyarihan ng Punong Babaylan at Lakan. They are responsible in defeating all sort of evil. Pero sa Pilipinas, si Sage lang ang alam kong Lakan nung panahon niya."

"Ibig sabihin, wala ng Lakan o Alagad ni Bathala dito sa Pilipinas nung maghibernate si Sage?"

"Sabi ni Silawin, Andreya received a vision na si Silawin ang nararapat maging Lakan. Parang proxy dahil wala si Sage."

"So for almost five hundred years, si Uncle Syl pala ang nagsisilbing Lakan on behalf of Sage. Kaya pala grumpy si Uncle dahil madami na siya naencounter na creatures of darkness."

"Silawin is old fashioned. May diary siya ng mga accounts ng encounters niya simula noon. It's in my study room. He wants me to keep it for you in case she will not survive his encounter with Magawen."


Binigay sa akin ni Sir Rusty ang access kung saan ko mababasa ang diary ni Uncle Syl. Akala ko naman ay collection ng books or written diaries ang makikita ko sa library ni Sir Rusty ngunit binigay niya lang sa akin ang susi at passcode ng isang drawer na naglalaman ng ilang Portable SSD.

Napag-alaman ko na lang na nakatago pala ang mga hardcopies para mapreserve samantalang may scanned copies na siya para madali maaccess sa computers. Highly encrypted ang mga SSD at files. Kailangan ko pa dumaan sa tatlong security checks bago ko maaccess ang mga files. OC talaga si Sir Rusty.


During my free time, sinimulan ko basahin ang diary ni Uncle Syl. It's not a personal diary, Walang love life related at focus sa supernatural creatures. Noong una, nag-eenjoy lang ako basahin ang mga nadefeat niya na creatures. He even made some crazy drawings of this creatures depicting kung anong hitsura nila.


May isang entry na nagpabagabag sa akin. May naitala si Uncle Syl about sa isang family na hinahabol ng isang aswang like creature sa Europe. Akala niya normal lang na encounter pero he found out that the family is indeed a lineage of White Witches.

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now