Chapter 35 - Pool

Start from the beginning
                                    


"Do it," sabi ni Sage sabay hawak sa mga kamay ko.

"What?"

"I said do it. Meet Matthias later and I will take care of everything. Trust me, Rei. Di ko hahayaan may mangyaring masama sayo," seryosong sabi ni Sage habang nakatingin siya sa akin.

"Ang sweet mo din pala minsan. Sana ganyan ka sakin a few days ago, hindi yung dinededma mo ko," sabay kuha ko ng konting tubig sa pool at saboy sa mukha niya.


Hindi gumanti si Sage pero mabilis niyang hinaltak ang dalawa kong kamay at nahulog na ko sa pool ng tuluyan. Malalim ang pool kaya napilitan ako mapakapit sa mga balikat ni Sage. Mga ilang segundo din nagtagpo ang aming paningin as if kami lang ang tao sa mundo.


"Binasa mo yung damit ko!" namumula kong sabi dahil alam ko na walang kahit anong damit si Sage.

"Gamitin mo yung kotse ko papunta sa school, pero mauuna na ko sayo."

"Fine, I will meet Matthias sa university pagdating ng midnight," sagot ko sa kanya sabay talikod sa kanya para umahon sa pool. Ang hirap umakyat sa stairs dahil basa ang shirt at pants ko.


Nakakainis din kasi minsan si Sage. Iniwasan niya ko ng ilang araw after ng emotional breakdown niya at ngayon naman, parang overprotective boyfriend. Di ko siya mabasa kung anong gusto niya.


"Hoy, nagtatampo ka pa ba? Di ba magdidinner nga tayo?" tanong ni Sage na sumunod naman agad sa akin.

"Wala nga ko gana. Magpapahinga na lang ako," mahina ko sabi bago ako tuluyang umakyat sa second floor. 


Pumasok ako sa kwarto ko at nagsimulang magshower. Kung stressed si Sage, mas stressed ako dahil ang buhay ko ang target nila.


"Akala ko ba bati na tayo?" tanong ni Sage na walang paalam na pumasok sa kwarto ko pagkalabas ko ng shower room.

"Get out, Sage. Magbibihis ako!" sabi ko sabay close ng bathrobe ko. 


Kung napaaga pa si Sage ng ilang segundo, malamang nakita na niya ang hubad kong katawan. Buti naman at may towel na din na nakatakip sa kanyang lower part.


"Galit ka p ba?" malambing niyang tanong sa akin. 


Hay naku, sweet mode na naman ang bipolar na to.


"Ayoko makipag-usap sayo. Gusto ko mapag-isa," sabay upo sa kama at bukas ng phone.


Maglalaro na lang ako ng mga walang kawenta wentang at walang katapusan na tower defense sa phone ko kaysa kausapin ang lalaking to na punong puno ng mood swings.


"So gagayahin mo yung ginawa ko sayo last time?" tanong ni Sage na umupo din sa kama katabi ko.

"Awww nahuhurt ka ba pag ikaw naman ang tinataboy? Pwes ako din! Kaya lumayas ka sa kwarto ko kahit bahay mo to!"

"Rei naman. Bati na nga tayo di ba? Sorry na," malambing niyang sabi sabay hablot ng phone ko.

"Wow, marunong palang magsorry ang prince of darkness," sabi ko sabay higa sa kama at talukbong ng comforter.


Tumalikod ako sa kanya kasi ayoko muna talaga siya kausapin. Medyo nabobother ako pag almost naked siya.

For the last few days na hindi niya ko kinakausap, narealized ko talaga na nagfafall na ko sa creature na to. And it really hurts nung iniwasan niya ko.


"Babe, sorry na. Naguluhan lang ako sa mga nangyari at pati ikaw nadamay," mahinang sabi niya na pumasok din sa loob ng comforter.

"Buti alam mo!"

"Maagap pa. Pwede pa tayo mag dinner date?"

"Ayoko nga! Gusto ko nga magpahinga!"

"Ganyan ka ba talaga mag-inarte?" tanong niya sabay hila sa akin paharap sa kanya.

"Pag ikaw ok lang mag inarte, pag ako hindi? Hoy, prinsipe ng panahon ng bahay kubo, wag mo ko kasi ko aandaran ng mood disorders mo!"

"Isa pang inarte mo, hahalikan talaga kita."


Natorn ako kung mag-iinarte pa ko para halikan niya na ko or tumahimik lang...


Pag mga ganun threat ang binitawan ni Sage, feeling ko gagawin niya without hesitation. Nanalo ang katahimikan dahil ayoko mafeel ni Sage na may pagtingin na ko sa kanya...

Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa (Published Under Precious Pages)Where stories live. Discover now