Part 44

189 8 0
                                    

Page 44

Kali (POV)


"You okay now?" bungad sa akin ni Blake nang imulat ko ang mga mata ko.

Imbes na sagutin siya ay ibinaling ko sa paligid ang mga mata.

Nakita ko agad si Niana na kandong ngayon ni Papa. Nang makitang gising na ako ay agad na pinangko ni Papa si Niana at agad na lumapit sa amin

"K-kali.." may bahid ng pag-aalalang sambit ni Papa.

Imbes na ngitian siya at kinunutan ko ito ng tingin.

Malakas at masikip ang kilos ng puso ng titigan ko ang mukha ni Papa.

Napapikit ako ng mariin ng makaramdam ng galit sa kanya. Hindi ko makapa kung bakit. Huminga ako ng malalim. Parang may kung ano sa akin ang gustong lumayo kay Papa.

Nang imulat ko ang mga mata ay agad kong nakita ang takot na bumalatay sa mukha ni Papa.

"K-kali...anak." bahagyang sumakit ulit ang utak ko ng marinig ang boses ni Papa.

Maya maya lang ay iniupo nila sa gilid ng aking kama si Niana. Nang maramdaman ko ang paghaplos nito sa braso ko ay agad na gumaan ang loob ko.

"Mommy. Is your head still aching?" malungkot at nakalabing tanong ng anak ko na nagpangiti sa akin.

"Hindi na baby.." pinakiramdaman ko ang ulo. Medyo masakit pa ito pero unti unting nawawala habang nakatitig ako sa anak ko.

Pagkatapos ng ilang oras na pananatili namin sa ospital ay inilabas na rin nila ako.

Kumain pa si Blake sa bahay bago umuwi.

"Ayos kana, Kali?" puno ng pag-aalalang tanong ni Tita Des sa akin. Tita Des is like a real mom to me. Sobrang bait nito sa amin ni Niana. Hindi lingid sa akin na step mom ko lang siya.

Namatay daw kasi si Mama sa isang aksidente noong bata pa lamang ako sabi ni Papa.

"I'm fine now, Tita." pilit ang ngiti kong sagot.

"Siya nga pala. Pwede ba naming isama si Niana bukas? Bibisita kami sa ate Aliya mo. Alam mo naman yun, pinaglilihian si Niana." natatawang paalam ni Tita Des. Narinig ko ang pagtikhim ni Papa.

"Pwede ba, Kali?" tanong ni Papa na tinanguan ko na lamang.

May kunting pangamba sa dibdib ko dahil hindi kami masyadong close ni Ate hindi gaya ni Kuya Sam. Ngunit agad din naibsan iyon dahil alam kong gustong-gusto ni Ate kay Niana. At gaya ng sinabi ni Tita Des ay pinaglilihian niya ito.

May agam-agam man sa akin ay ayoko rin namang may masamang mangyari kay Ate. Alam ko kasi ang pakiramdam ng naglilihi. Sobrang selan ko pa naman kay Niana noong siya ang nasa sinapupunan ko dahil muntik na raw itong malaglag noong naaksidente ako.

Maya maya lang ay nauna ng umakyat si Papa at Tita Des.

Hinalikan pa kaming dalawa ni Niana na siyang pinapainom ko ng gatas bago umakyat.

"You done?" malambing kong tanong kay Niana ng ibaba nito ang hawak na bago.

"Opo, mommy!" matinis ang boses na ani nito.

Nakangiti kong tinitigan ang anak ko ngunit agad iyong napawi ng maalala ulit ang matinis na boses ng babae kanina sa restaurant.

Nang maalala ulit ang mukha nito ay parang may pumalo sa dibdib ko.

Hindi ko alam ngunit parang familiar ang mukha nito sa akin pati iyong kasama niya.

May alaala sa utak ko na hindi ko matandaan. Dahil daw yun sa nangyaring aksidente sa akin at dahil sa sobrang shock ko raw dahil sa nangyaring pangahasa sa akin sabi ni Papa na pilit kong pinakikiramdaman ngunit hindi ko maramdaman.

I mean, sa sinabing naphobia raw ako sa nangyari? Mukhang hindi naman. Mukhang mali naman..

Napapikit ako ng mariin bago himinga ng malalim.

"Mommy. I'm sleepy na. Umeffect na yung magic milk ko!" biglang tili ni Niana kaya't nabalik ako sa tamang huwisyo.

"Ha? Alright." ngumiti ako, "Let's go to our room na! Maaga ka bukas para tignan ang big tummy ni Tita Aliya!" panghihikayat ko rito.

Nagliwanag ang mukha nito.

"Really, mommy? Lalabas na ba yung sinubo niyang ball?" inosenteng tanong ng anak ko na nagpahagikhik sa akin bago pisilin ang pisngi niya.

"Baby ang nilunok ni Tita, anak." naiiling na sambit ko.

Namilog ang mga mata nito, "Edi kawawa yung baby, mommy! Did Tita chew the baby?!" salubong ang kilay na tanong nito.

Napatawa ako, "No, Niana. She love the baby kaya hindi niya iyon ngunguyain." I don't know how to explain myself to her! Oh God. My innocent Niana.

-------------------------x  

VOTE AND COMMENTS.

STOLE (Nonie Velasquez) #CSAward2017Where stories live. Discover now