39

162 11 10
                                    

Page 39

Kali (POV)


Kasabay kong kumakain ng dinner si Papa at Tita Des. Kagaya ng sinabi ni Papa ay nasa London na sina Ate at Kuya Sam.


Umiinom ako ng tubig ng magsalita si Papa, "Bakit ayaw mong sumama?" hindi nakatingin saa kin ito, "Alam ko na may rason ka.."

Nakita ko ang pag-baling sa akin si Tita Des. Tumungo naman ako upang pigilan ang nagbabadyang galit.

"Dito ko gustong mag-trabaho. At isa pa, ayokong iwan si Mama.." lalo na si Nonie. Kalmado kong sagot bago sumubo.

Bahagya akong nagulat ng malakas nitong binitawan ang kutsara bago hampasin ang lamesa.

"God, Kali! Haggang ngayon ba?! Nanay mo parin ang hahadlang sayo para maging buo tayo?!" biglang sigaw ni Papa na nagpaawang sa bibig ko.

Taas baba ang dibdib nito ng siya'y tumayo at tignan ako. Tumayo rin si Tita Des bago himasin ang balikat nito.

Napangisi ako bago umiling, "Talaga bang makasarili ka?" piyok ang boses na tanong ko habang nanlalabo ang mga mata dahil sa luha.

Nakita ko ang pag-awang ng bibig nito.

"Ni hindi mo iniisip ang nararamdaman ko.." sumikip ang dibdib ko sa sinabi.

Tumayo na rin ako bago nakipag-sabayan sa titig nito.


"Ni minsan ba.." tuluyan ng nabasag ang boses ko, "Ni minsan ba ay inalam mo ang nararamdaman ko," itinuro ko ang dibdib, "noong inilayo mo ako sa dalawang taong minahal k-ko?" tuloy-tuloy ang agos ng luha ko na parang isang nawasa.

Napaupo ako sa inupuan bago kumapit ng mahigpit sa likod ng upuan, "hindi, diba?"


"K-Kali.." narinig kong sambit ni Tita Des habang umiiyak na rin.

Ipinikit ko ang mga mata dahil sa dami ng luha bago tumakbo papunta sa kwarto.

Ibinuhos ko lahat ng sakit sa yakap na unan habang iniisip ang nangyarin kanina.

Mahal ko si Papa pero sa lahat ng ginawa niya sa akin? Hindi man lang niya inisip ang mararamdaman ko noong iuwi ako nito habang nilalamayan pa lang si Mama. Hindi man lang niya inisip ang sakit na mararamdaman ko ng kinausap nito ang lalaking mahal ko para layuan ako.

Anong klase siyang ama?

Patuloy lang ako sa pag-iyak ng tumunog ang phone ko.

Sa pag-aakalang si Nonie iyon ay agad ko namang sinagot.

"H-hello?" umiiyak na sambit ko.

"Kali? Are you okay?!" napatingin ako sa caller at nakitang si Kuya Sam pala ang tumawag.

"K-kuya.." humihikbing sumbong ko.

"What happened?" nag-aalalang tanong ni kuya.

"Kuya ayokong sumama.." sumbong ko rito.

Natahimik si kuya. Maya-maya lang ang huminga ito ng malalim.

"Ayaw mo ba kaming makasama?" lalong nanikip ang dibdib ko sa tanong ni Kuya at base sa tono ng boses nito ay malungkot siya.

"Of course not, Kuya..." huminga ako ng malalim, "Pero ayokong iwan si Nonie...ayokong iwan ang lalakeng mahal ko.." tuluyan nanamang pumiyok ang boses ko.

"Hmm....hindi ko alam ang buong kwento. But, I'll try to convince Papa. Stop crying. Basta kapag sinaktan ka niya ay wag kang magdadalawang isip na tawagan ako dahil ako na talaga ang magdadala sa iyo rito." gumaan ang loob ko sa sinabi nito.

"He won't. Thank you, Kuya. I love you and Ate.."


--------------------------x
Last chapter para sa BOOK 1! Abangan!

-Madam

STOLE (Nonie Velasquez) #CSAward2017Where stories live. Discover now