17

202 16 2
                                    

Page 17:

Kali (POV)

"Ma, pasok na ako.." paalam ko kay mama.

Pero imbes na kausapin ako nito ay iniwasan lamang ako nito ng tingin bago iabot saakin ang baon ko. Nagtataka man ay inabot ko na ang ito bago lumabas ng bahay.

Nang nasa kalsada na ako kung saan ko mismo hinalikan si Nonie ay agad na nag-init ang pisngi ko. Agad ding bumilis ang tibok ng puso ko.

Nakakaramdam ako ng excitement habang pagungo sa may jeep stop. Napapahum pa ako ba ang naglalakad habang nakangiti dahil naiisip ko si Nonie!

Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nag-i love you at sinagot ko na siya?

Hindi ko alam pero napapangiti ako habang iniimagine kong paano ito magulat at ngumiti dahil sa saya.

I can't wait to see him happy!

Nang nasa may jeep stop na ako ay hindi ko mapigilang luminga-linga at nagbabakasakaling mamataan ko siya.

Yung ngiting nasa labi ko ay napalitan ng pagnguso dahil sa pagkadismaya.

Baka nasa school na siya ngayon?

Nang may tumigil nang jeep ay agad akong sumakay para makita ko na siya sa school!

Nang malapit na kami sa school ay bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan!

Nadadaplisan pa nga kami dahil sa maliit na sungaw sa nagsisilbing takip dito sa sinakyan kong jeep.

Nakakainis na ngayon pa umulan pero hindi ko hinayaang masira ang araw ko ng dahil lang dito.

Nang nasa tapat na kami ng campus ay nagpababa na lamang ako sa tapat ng waiting shed na katabi lang ng guard house dahil wala akong dalang payong. Mabuti na lang at 30 minutes pa bago mag-start ang first class ko.

Baka sa recess ko nalang kikitain si Nonie.

Napangiti ulit ako sa isipang magkikita kami.

Nang medyo tumila na ang ulan ay agad akong tumakbo papunta sa building namin.

Nang makarating ako doon ay agad kong nadatnan ang halos lahat kong kaklase na nakahalumbaba pati sina Emem.

"Goodmorning!" masayang bati ko pero tinignan lang ako ng mga ito.

Hindi ko na lang sila pinansin at agad nang umupo, sakto naman ng pag-upo ko ay ang pagdating ni Teacher Michi na medyo basa ang uniform.

"Good morning, class.." bati niya kaya agad kaming nagsitayuan at binati rin siya.

"Siya nga pala. Baka raw maaga namin kayong i-dismiss ngayon dahil may paparating na bagyo. Kaya mamayang alas dos ay diretso uwi na agad kayo. Mag ingat sa daan at mag stay lang sa bahay, okay?" anunsyo ni teacher.

Halos lahat ay masaya at napapalakpak dahil sa inanunsyo habang ako naman ay nanlumo sa isipang sandali ko lang makakasama si Nonie ngayong araw. Sabado na kasi bukas eh.

Umaambon pa rin sa labas ng magrecess kami.

Ako lang ang naiwan dito sa classroom at nagbabakasakaling sunduin ako rito ni Nonie pero matatapos na ang recess time ay wala parin siya.

Nang magsipasukan na ang mga kaklase ko ay kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nagbabakasakaling may text galing kay Nonie pero wala.

Hindi ko alam pero agad na sumikip ang dibdib ko kaya bahagya akong napahawak dito. Tinanong pa ako nila Emem kung ayos lang ako na tinugon ko lamang ng tango.

Panay ang tingin ko sa cellphone ko habang nagkaklase kami.

Malapit ng mag-uwian pero wala pa rin siyang text ni isa.

Napatingin ako sa labas ng bintana ng lumakas ang ulan ng biglang nagvibrate ang phone ko.

Sa pag-aakalang si Nonie iyon ay agad ko itong tinignan. Sakto rin na naganunsyo ang teacher namin na pwede na kaming umuwi.

Nang makalabas na ang ilang kaklase ko ay tinignan ko ang  dalawang message na galing pala kay mama.

From mama:

Nak, asan ka na?

-------

From mama:

Pwedeng umuwi kana nak?

-------

Mga text ni mama. Gusto ko sana siyang itext at sabihing maya-maya pa ako uuwi dahil pupuntahan ko pa sa room nila si Nonie ng maalalang wala pala akong load.

"Mauna na ako, Kali ha?" paalam ni Emem na tinanguan ko na lamang.

Mag-isa na ako dito sa room. Puro nasa corridor na ang mga estudyante.

Nang medyo ambon nalang ay agad na akong lumusob para pumunta sa room nila Nonie.

Medyo basa na ang uniporme at sapatos ko dahil sa ambon at tubig sa sahig ng makarating ako sa ground floor ng building ng mga senior high.

Bahagya ko munang pinagpag ang uniporme ko at ang buhok ko bago umakyat ng hagdan papunta sa third floor kung saan ang room ni Nonie sa ganitong oras.

Pinagtitinginan din ako ng ibang seniors dahil sa medyo basa ako at elementary palang kaya hindi ko maiwasang mapatungo kaya kitang kita ko ang basang chucks ko na medyo naputikan na.

Binilisan ko na lamang ang lakad hanggang sa makarating sa room nila.

Pagsilip ko sa bintana ay naglelesson pa sila kaya sumandal muna ako sa pader ng room niya habang nilalaro laro ang sapatos kong basa sa simento.

Kita ko rin kong paano tumulo yung mga butil ng tubig galing sa buhok ko.

Napakagat pa ako sa labi ng makitang lalong lumakas ang ulan.

Nabaling ang atensyon ko sa pinto ng room ng isa-isang magsilabasan ang kaklase ni Nonie. Panay ang tingin ko sa lumalabas para makita si Nonie pero wala.

Nang makita ko naman si Ate Tani ay agad ko itong hinawakan sa manggas kaga napatingin siya sakin at kumunot ang noo ng mamukhaan ako.

"Oh, hi little Kali!" aniya na parang nang aasar pero hindi ko nalang pinansin.

"Asan si Nonie?" diretsang tanong ko bago ko makita ang pag-iwas niya sakin ng tingin.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba sa dibdib.

"A-ate Tani. Asan po siya?" naluluhang tanong ko.

At halos magiba ang puso ko na parang pinapalo ito ng kung ano ng sabihin nitong, "Wala na si Nonie..nag transfer na raw siya.." na naging dahilan para mapa-upo ako sa sahig nakisabay pa ang malakas na kulog sa hagulgol ko.

Kuya Nonie.....bakit?

---------------------x
Gusto kong makapublish kahit isang libro lang :( hayys. Asa ako.

STOLE (Nonie Velasquez) #CSAward2017Where stories live. Discover now