31

192 13 2
                                    

Page 31:

Kali (POV)

"Hello, Emem...mag doorbell ka na!" mahinang sigaw ko sa kabilang linya habang nakasilip sa veranda kaya't kitang-kita ko si Emem na tarantang pasilip-silip sa itim na kotseng pinagbaan niya.

"S-sige.." kabadong aniya bago magdoorbell.

Bahagya kong binalingan ang aming yaya na lumabas ng bahay at lumapit sa gate.

"A-ahmm...andito po ba si Kali?" narinig kong tanong ni Emem kay yaya.

"Ah, opo. Pasok po kayo." sabi naman ni yaya.

Nang makapasok si Emem ay nakita ko ulit ang pagbaling nito sa kotseng itim.

Nang tuluyan ng makapasok si Emem ay pinasadahan ko muna ng tingin yung sasakyan bago pumasok sa kwarto ko habang hindi pa rin pinapatay ang tawag.

"Ah...Ser. Andito po ang kaklase ni mam Kali.." dinig kong sabi ng yaya sa kabilang linya

"Good morning, tito.." dinig kong bati ni Emem.

Narinig ko ang pagtikhim ni papa na nagpakaba sa akin

"Yes, have a sit," anyaya nito.

Maya-maya lang ay may narinig akong tunong ng baso na inilapag sa glass table.

"So, what do you need?" kalmadong tanong ni papa. Pihadong nanginginig na itong si Emem.

"A-ah..e-eh. Pwede po bang maka-usap si Kali?" sambit ni Emem.

"Hmm...kung balak niyong gumala ngayon ay hindi..hindi ko sila pinapalabas every weekends.." maawtoridad na ani papa na nagpa-inis sa akin.

"N-no, tito. May gagawin po kasi kaming group project sa bahay ng classmate namin and since nandun na sila ay sinundo ko na lang po si Kali.." litanya nito.

Agad kong ipinikit ang mga mata para ihanda sa maririnig ng sagot.

"Sige.." sagot ni Papa.

Bahagya akong natahimik sa isingot ni papa at pilit na pinoproseso sa utak ang narinig!

Wait....pumayag si papa? Pumayag siya?!

Hindi ko na narinig ang ibang usapan ni Emem at papa dahil maya-maya lang ay may kumatok na sa pintuan ko.

Malakas ang tibok ng puso kong sinuklay ang buhok gamit ang daliri bago buksan ang pinto. Bumungad sa akin ang sinabi ni Yaya na bumaba na ako dahil sinusundo na ako ni Emem!

Dali-dali ako bumaba! Naabutan ko si Emem at papa sa living room.

Agad na napatingin sa gawi ko si Emem.

Nilapitan ko agad ito at niyakap.

"Goodmorning!" bati ko sa kanya.

Narinig ko ang pagtikhim ni papa kaya't nawala ang ngiti sa labi ko ng balingan ko ito.

"G-goodmorning, Kali.." bati nito.

Tinignan ko lamang ito ng malamig bago hilain ang kamay ni Emem palabas!

Nakita ko pa ang lungkot na bumalatay sa mukha ni papa. Tss. Baka namalik mata lang ako. Ano namang ikalulungkot niya? Mas gusto nga nun na nasasaktan ako.

Naramdaman ko ang pamimigat ng dibdib sa naisip.

Nang tuluyang makalabas ay agad akong napatingin sa itim na kotse. Agad na namang lumakas ang tibok ng puso ko kaya't napakagat-labi ako.

"Grabe bes! Kaintimidate ang daddy mo!" komento pa ni Emem.

Hindi ko na lang ito pinansin bago tumakbo palabas.

"Wow. Di ka excited. Halata.." puno ng sarkastimong ani nito.

Nang makalabas ako agad kong hinawakan ang pinto ng front seat.

Agad ulit lumakas ang tibok ng puso ko ng bumungad sa akin ang masayang mukha nito.

Naramdaman ko ang kiliti sa tiyan lalo na ng makita ang pagkasabik sa mata nito.

Nang isara ko ang pinto ay siyang pagpasok din ni Emem.

"Tara lets na! Baba niyo na lang me sa book store!" bilin ni Emem.

"Thank you." pasasalamat ni Nonie kay Emem bago bumaling sa akin.

"Goodmorning baby..." aniya bago halikan ako sa sentido.

"Sir...di ako nainform na nilalanggam ang kotse niyo po." maarteng sabi ni Emem.

Bahagya lang akong napatungo ng uminit ang pisngi ko.

Nang silipin ko si Nonie ay nanatili lang ang mata nito sa akin habang kagat ang labi.

Maya-maya lang ay pinaandar na nito ang sasakyan.

Nanatili lang ang mata ko sa daan buong byahe. Kita ko ang bahay-bahay at mga taniman sa aming mga nadadaanan.

Nagpapasalamat ako kay Emem dahil pumayag ito sa hiniling ni Nonie dahil gusto raw nitong makasama ako buong araw. At dahil hindi naman ako pinapalabas ni papa sa tuwing weekeneds at hindi rin kami pwedeng makita sa school ay gumawa ng paraan si Nonie

"Dito na ako! Bye sainyo! Ingat! Wag muna gagawa ha?" paalam ni Emem bago bumaba na nagpataka sa akin at nagpamula kay Nonie.

Eh? Ba't namumula 'to? Ano bang sinabi ni Emem?

Nang tumikhim si Nonie ay nabalik ako sa huwisyo at agad na nakaramdam ng kaba ng mapagtantong kami na lang dalawa ni Nonie!

Damn it!

-------------------------x
Hashtag pers det. Hhahhahhahhah. Namiss ko si Nonie ebekebekbek

-Madam

STOLE (Nonie Velasquez) #CSAward2017Where stories live. Discover now